chapter 10

1.6K 47 0
                                    

Randy's POV

Isang nang uuyam na ngiti ang ibinigay ni mitos sa akin. Mitos is my cousin and a chronic greedy.

"Kahit pa yata sinundan mo ako dito sa mundong to ay hindi mo ako mapipigilan sa balak ko" makulimlim ang anyong bigkas niya.

I lift my head up and meet his gaze. I also gave him my death glare..

"I won't let you mitos. This not your world" naggigiyagis ang ngipin na angil ko.

Lalong dumilim ang anyo niya sa sinabi ko. Nagliyab ang mata niya sa galit.

"Papatayin ko lahat ng nakaharang sa daan ko. Kahit kadugo ko pa"

"Then kill me first before you ruin this this world" naanghang na asik ko

"My pleasure" bigla siyang ngumiti. Before I knew it nag iba siya ng anyo at naging malaking pusa. Naningkit ang mata ko sa galit at nag ibang anyo na rin.

Sabay naming sinugod ang isat isa. Nakagat niya ang leeg ko at inihagis palayo. Mabilis akong bumangon at humanda ng sumugod siya. Tumalon na rin ako at nag salubong kami sa ere. Tumalipan man sa malayo si mitos sa lakas ng impak na pag salubong ko sa kanya nagawa niyang kinalmot ang bahaging likod ko gamit ang matutulis na kuko niya kaya napa ungol ako ng naramdaman ang hapdi doon.

Humanda uli ako ng makita kong tumayo siya. Nag ibang anyo uli ito at naging tao.

"Wala kang laban sa akin Randy. Alam mo yan." Humahalakhak na bigkas ni mitos bago ako iniwan dito.

Nang mag ibang anyo na ako ay napaluhod ako sa lupa. Pinilit kong tumayo at kinuha ang mga damit Kong nagkalat sa paligid. Hirap man ay isinuot ko pa rin yun.

Nahahapong naglakad ako at tinahak ang daan palabas ng bundok na to. Isang lahi lang ang pumasok sa utak ko na makakatulong sa akin sa sitwasyon kong to.

°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°

Lucas's POV

Nang makarinig ako ng katok sa pinto ay binuksan ko yon. Nasalo ko agad si Randy ng masosubsob sana ito sa lapag.

"Bloody hell! What happened to you?" Tanong ko at inalalayan siyang papasok.

"Nagkita kami ng pinsan Kong si mitos. I tried to stop him pero ito ang napala ko" paputol putol at paos na wika ni Randy.

"Bakit Hindi ka humingi ng tulong sa akin?" Salubong ang kilay na asik ko sa lalaki.

Umungol lang si Randy. Tinulungan ko siyang alisin ang suot niyang damit. Napangiwi kmako ng makita ang malalim, mahaba at malaking tatlong hiwa sa likod niya.

"Hindi niyo ba kayang gamutin ang sarili niyo na leopards?" Tanong ni Maxine na lumabas galing ng kusina

"We can't! My wounds will heal if we eat human flesh" paungol at nasasaktan na tugon ni Randy.

"But I can't let you kill innocent people" agad na gagad ni Maxine

"I know, hindi ko rin gagawin yun. Kaya nga kahit hirap na hirap at nasasaktan ako. I mange myself to come here" paos na sagot nito. Napaungol ito ng marahil ay nakaramdam uli ito ng kirot.

"I can help you but this will terribly hurt" wika ko "pero kung gusto mo dalhin ka namin sa hospital para ipatahi na lang yan" alok ko.

Mariing umiling si randy na nakadapa sa kama.

"It won't help. Bubukas lang uli ang sugat" nanghihinang sagot niya.

"Maxine let me use your room from the basement. Pakikuha mo ang itak sa ilalim ng kusina" utos ko kay Maxine.

"Anong gagawin mo sa kanya?" Nahihindik na tanong ni Maxine.

"I won't kill him okay. Isunod mo sa basement" sambit ko at parang isang sako ng bigas na isinampay ko sa balikat ko si Randy na nanghihina na.

Pagkarating namin sa basement ay pinadapa ko uli siya sa kama. Iniabot naman ni Maxine ang utak na agad kong kinuha at inilagay sa apoy na nasa gilid.

"Don't tell me" bulalas ni Maxine

"Get out Maxine. Hwag mong panoorin ang gagawin ko" taboy ko sa asawa ko.

Matigas na umiling siya at humalukipkip.

"Ano naman kung panoorin ko? May masama ba?" Sikmat niya.

Napailing na lang ako sa kakulitan niya. Alam kong kahit anong taboy ang gagawin ko ay hi di siya aalis kaya tinalikuran ko na siya.

"You have to endure this Randy. Ito pa lang ang unang beses na gagawin ko to" wika ko.

Kinuha ko ang itak na nagbabaga at dahan dahan inilagay yun sa sugat ni randy.

Parang sasabog ang buong silid sa lakas ng sigaw ni Randy. Ako rin naman siguro ay gagawin yun kung ganitong parang sinusunog ang kaluluwa ko.

Paulit ulit Kong ginawa yun at labis naman ang pagpipigil ni Randy na gumalaw kahit na sumisigaw ito.

Nang matapos na ako ay benendahan ko ang katawan ni randy na parang nalapnos ang likod. Nanginginig na ito sa sakit kaya hinayaan ko na muna siyang matulog at mag pahinga. Lumabas ako ng silid ng makitang wala si Maxine.

Nagtext ako kay Diego na bumili siya ng sariwang karne ng baboy para ipakain ko kay randy mamaya.

Parang nahahapong dumeretso ako sa gitna ng basement at pahinamad na umupo sa silya. Hindi ko napigilang makaramdam ng awa kay randy.

Sa kagustuhan niyang isalba ang mundo ng mga tao ay ito ang napala niya.

Ang hirap pala na maging superhero...

……………………

The Lion's Eye book-2 (Maxine&Lucas)-(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon