chapter 22

1.4K 39 0
                                    

Lucas's POV

Tulad ng plano ay sinama namin ni Maxine ang kambal. Namamangha naman ang dalawa sa mga nakikita nila katulad ng matataas na buildings. Nung unang nakita pa nga nila ang mga sasakyan ay namilog ang mga mata ni Ralph.

"Ugh!! Mas gusto ko pa rin sa Havilland. Tahimik at hindi maingay" tamad na wika ni Rolph. Ayan nanaman at umariba ang bipolar kong anak. Wala talagang araw na hindi nakasimangot ang batang to.

"Ang boring mo talaga" inismiran ito ni Ralph.

Isang matalim na tingin ang ginanti ni Rolph sa kambal.

"Pakialam mo ba??" Naasar na singhal pa niya

Kumuha ako ng dalawang libro at inihagis sa kandungan nilang dalawa.

"Magbasa na nga lang kayo at nang hindi pag-aaway ang inaatupag ninyo" saway ko sa dalawa.

"Kase naman papa, ang killjoy nitong si Rolph. Parang pokemon" nakangising sambot ni Ralph sa sinasabi ko

"Shut up!!!" Madilim ang mukhang gagad ni Rolph. Napailing ako habang pinapanood ang dalawa. Kung anong kinapilyo ng isa ganun naman kasungit ang isa.

"Bakit ba? Eh sa gusto kong—"

"Isa pang salita ang lumabas sa bibig mo isasaksak ko ang libro na to sa bunganga mo" banta ni rolph.

Bubulong bulong na binuklat ni Ralph ang libro at nagsimulang magbasa.

"Hír Lucas, malapit ng matapos ang project mo sa alta tiero" imporma ni Alex na kapapasok lang ng basement.

"Ano yung alta tiero pa?" Curious na tanong ni Rolph.

"Ang isla na binili ko pa noon. Isang sekluded na isla yun at naisipan kong gumawa ng business." Sagot ko

"Alam ba ni mama ang tungkol diyan?" Tanong niya ulit

"Hindi ko pa sinabi sa kanya. Hindi nga niya alam na may binili akong isla." Tugon ko

Ibinaba ni Rolph ang libro at halata sa mukha na interesado ito sa pinag uusapan namin.

"Tahimik din ba doon katulad ng Havilland pa? Gusto kong tignan ang alta tiero" nagningning ang mata niya ng banggitin ang alta tiero.

"Ang alta tiero? Oo tahimik doon, sa ngayon. Pero naisipan ko kasing magtayo ng isang paaralan doon para sa mga elites. Puro mayayaman ang mag-aaral doon. Sa katunayan, may villa na akong naipatayo doon sa may pinakatoktok ng bundok. Malayo yun sa pinatayo kong buildings ng school at dormitories. Kaya sa darating pang araw, magiging maingay na rin doon" sagot ko

Dismayadong bumuntong hininga si Rolph. "Pero tahimik naman sa villa kaya pwede ka pa ring magrelax doon" agad na dugtong ko

Nabuhayan naman siya ng loob "di mabuti kong ganun papa. Bakit nga pala hindi alam ni mama ang tungkol diyan?" Biglang natanong niya

"Gusto kong gawing sorpresa yun sa kanya. At least doon sa alta tiero walang manghuhusga sa relasyon na meron kami. Sigurado rin akong magugustuhan niya doon. Pinapreserve ko kase ang may bandang tibara forest para hindi masira ang talon doon" nakangiting sambit ko

"Masarap sanang pakinggan dahil mahal na mahal mo si mama pero kinikilabutan talaga ako pag naririnig ko ang tungkol sa pag-ibig na yan" nakangiwing gagad niya

"Ang sarap kayang ma-inlove!" Hirit ni Ralph

"Bakit na-inlove ka na ba?" Paingos na tanong ni Rolph dito

"Hindi pa" nakabungisngis na sagot niya

"Tapos kung makapagsalita ka parang nasubukan mo na ang na-inlove. Baka nakakalimutan mo bata pa tayo" lukot ang ilong na wika ni Rolph.

Tama nga naman si Rolph. Bata pa nga sila pero pag tinitignan mo sila ay parang edad kinse na sila. Malaking bulas naman kase silang dalawa.

Hinarap ko na si Alex na nakangiting pinapanood ang pagpapalitan namin ng mga salita.

"Fully furnished na lahat hír Lucas. By next month, pwede mo nang buksan ang alta tiero school. Pwede naman nating i-advertise ang alta tiero kung gusto mo" saad niya

"Ikaw na ang bahala sa lahat Alex. May tiwala naman ako sa kakayahan mo." Tumatangong wika ko

Napalingon kaming apat kay Randy na biglang sumulpot at parang may malaking problema ang dala niya.

"Lucas, may problema tayo, marami na ang kabataang napapabalitang nawawala. Lahat ay mga styudante pa lang. Isa na doon ang kaibigan ng asawa mo na si Lance" mabilis na imporma agad niya.

"At ano ang dahilan nila para gawin yun? Hindi lang siguro para maging pagkain lang nila. Alam kong may mabigat silang dahilan" bigkas ko

"Expirement" kaswal na wika ni Rolph

Napatutok tuloy ang tingin namin sa kanya. Itinaas niya ang libro na binabasa niya.

"Ang sabi ng librong to, scientists can create impossible things. Like human, pero through robots. It can be also done in artificial insemination. Hindi kaya susubukan din nilang gumawa ng katulad nilang leopards through combining their genes." He said. Now I know kung anong kakayahan ang meron kay Rolph, knowledge.

"But, human can easily die if their genes is not appropriate to combined in immortal bloods. But some human, pwede nilang dalhin ang dalawang genes na yun kung kaya ng katawan nila. Besides, may mga taong gifted talaga" tuloy niya

"Kung tama nga ang sapantaha ni Rolph kailangan na nating kumilos, anumang sandali ay marami na ang inosenting tao na madadamay sa maitim na balak ni mitos" wika ni randy

"Mitos is just a few miles away. I can sense it, he is watching our every moves. He is trying to find for our weakness" sa wakas ay nagsalita na rin si Ralph. Tumitig tuloy ako sa kanya, kung knowledge kay Rolph, senses naman kay Ralph.

"We're here" saad ni Moira, kasama nito sina Diego at Berlin na sa tingin ko ay maayos na ang pakiramdam. Si Maxine na lang ang kulang at kompleto na ang grupo namin.

"In my vision, ang next target nila ay si Hera Cortes. Ang anak ng kilalang business tycoon na si Romano Cortes" wika ni Diego.

"Ang bagong nakasaad naman sa propesiya ni inang halea ay ang nalalapit na delubyo." Wika ni moira

"Ang mata ng mga bampira lamang ang makakakita kong kailan mangyayari ang delubyo na yan. Kaya bago pa mangyari yun kailangan na nating tapusin ang kasamaan ni mitos" wika ni Alex

"Itataya ko ang buhay ko para sa lahat" matigas na wika ni Berlin.

Napatango na lang ako. Kung ganitong nagsanib ang pwersa naming lahat malamang ay mapapabagsak namin ang grupo ni mitos.

……………

The Lion's Eye book-2 (Maxine&Lucas)-(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon