chapter 20

1.3K 40 0
                                    

Maxine's POV

Malakas na halakhak ang pinakawalan ni yuni pero puno ng galit ang mukha niya. Tinaas ko ang noo ko at Sinalubong ko siya ng galit ding tingin. Nakaukit din sa mukha niya ang nanggagalaiting ekspresyon. Parang gusto niya akong patayin sa oras na to.

"Bakit yuni?" Kinalma ko ang sarili ko at ginawa kong pormal ang mukha ko.

"Kung hindi ka dumating sa buhay ni lucas ako na sana ang kasama niya ngayon. Ako sana ang asawa niya at kami ang masaya na pinapanood ang mga anak namin. Pero bigla kang sumingit kaya naetsipwera nanaman ako." Puno ng sakit, pait, at galit na turan niya. Nagulat ako sa sinabi niya, may gusto siya sa asawa ko. At kaya siya tumalikod sa lahing bampira ay dahil ako ang pinili ni lucas.

"Magaling kang magtago kung ganun." Turan ko

"Oo naman. Kaya nga hindi ako palaging nananatili sa havillan. May advantage din ang pagtira ninyo sa mundo mo, alam mo bang nagdiwang ang kalooban ko noon nung tanggihan ni lucas ang napipintong pagpapakasal nila ni moira. Natuwa ako dahil sa wakas magkakaroon na kaming dalawa ng pagkakataon pero anong ginawa mo? Nakisiksik ka sa buhay ni lucas" galit na sigaw niya

Natigilan ako, ang tanging naglalaro lang sa isipan ko ay ang sinabi nito tungkol kay moira at lucas.

"Anong sinabi mo?" Matigas na tanong ko. Isang nang-uuyam na halakhak ang isinagot niya sa tanong ko

"Hindi ba nabanggit ni lucas o ni moira na dating sila ang ipinagkasundong magsasama. So moira ang dapat sana ay papakasalan niya pero ayaw ni Lucas." ngumisi siya kaya napailing ako.

Hindi ko kase gustong maniwala sa sinabi niya. Mahal na mahal ko si Lucas at may tiwala ako sa kanya. Alam kung naiinggit si yuni at gusto lang niyang sirain ang meron kami.

"Sinisiraan mo lang sila sa akin, at paano sila magpapakasal kung magkapatid sila" nalilitong sambit ko. Tumaas ang kilay niya

"Hindi rin ba nila sinabi sayo na ang patakaran sa havilland, lalo na sa mga royal blood na sila ang magkapatid o basta blood related ay sila ang magsasama. Poor you!! Wala kang kaalam alam sa mga nangyayari at tungkol sa havilland. Maraming bagay na dapat mong alamin sa havilland, Naturingan ka ngang asawa ni lucas, wala naman siyang sinasabi sayo. Ibig sabihin lang nun ay hindi ka talaga niya mahal" nang iinsultong wika niya

"Hindi totoo yan" sigaw ko at mabilis na nagpakawala ako ng apoy para patamaan siya pero mabilis siyang nakaiwas. Pero nang makita kong tumalon si berlin para daluhungin si yuni ay nanlaki ang mata ko.

"Berlin no!!!" Pasigaw na pigil ko pero nakatalon na siya. Naging invisble na kase si yuni at hinaklit si berlin na napaungol. Kita ko ng isaksak ni yuni ang hawak niyang kutsilyo sa may bandang tiyan ni Berlin. Ano naman ang laban niya eh hindi niya nga nakikita ang babae.

"At your back!" Sigaw ko kay Berlin kaya umalulong ito ng malakas. Napaatras si yuni dahil nabingi yata sa ginawa ni berlin.

Hindi ko agad siya nasaklolohan dahil dinaluhong naman ako ng limang leopards. Pero mas mabilis ako at pinatamaan sila ng apoy. Parang mga maamong tupang napaatras sila. Ang isang natamaan ng apoy ay malakas itong umangil at nagtatakbo palayo. Hinarap ko naman ang apat na umaatras na dahil sa takot. Takot pala sila sa apoy, lumutang ako sa ere na nakapalibot ang apoy sa paligid ko. Nagsipulusan sila na takot na takot. Nawala ang apoy sa paligid ko at umapak na rin sa lupa.

Nilingon ko si berlin na ngayon ay nakahiga sa lupa at umuungol. Nang hanapin ng mata ko si yuni ay malayo na siya.

Agad kong dinaluhan si berlin at tinulungang makahiga ng maayos. I growled loudly. Kita ko kase ang bumubulwak na dugo sa may tagiliran niya.

"Go habulin mo na sila" nahihirapang taboy ni Berlin sa akin.

"No! I won't leave you here. Kailangan nating magamot ang sugat mo" bigkas ko

"Pero dapat mo silang habulin" sambit niya

"Shut up!! Idiniin ko ang kamay ko sa malaking sugat niya. Napaungol siya at mariing napapikit.

" malayo sa bituka to. Sige na sundan mo na sila" tinulak niya ako pero dahil nga may sugat siya at hindi kalakasan yun.

"Tumahimik ka kung ayaw mong ako mismo ang tatapos sayo. Just Hang on! Dadalhin kita sa lugar kung saan may makakatulong sayo " Bulong ko at pinasan siya. Kailangan ko siyang dalhin sa havilland. Tanging si felix lang ang alam kong makakatulong sa kanya.

Umungol lang siya at hindi na nagprotesta. Sa susunod ay di ko na talaga sila palalagpasin. I will burn them to death, kasama ang yuni na yun.

Damn her!! Dahil lang sa pagmamahal niya sa asawa ko ay nagawa niyang talikuran ang pinagmulan niya.

Isa siyang hangal para gawin yun. Nang marinig ko ang ungol niya ay binilisan ko ang kilos. Hindi ko hahayaang mamatay ang isa sa may gustong tulungan ako.

……………

The Lion's Eye book-2 (Maxine&Lucas)-(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon