Maxine's POV
Parang may mainit na kamay ang humaplos sa puso ko ng tignan ko si Lucas na inaayos ang pahingahan ko daw dito sa lake pag napagod ako sa pag ensayo. Feeling ko talaga ay isa akong reyna ng isang kaharian dahil sa ipinapakita niyang pag aalaga at pagmamahal sa akin.
Umayos ako ng upo at hinaplos ko ang nauumbok ng tiyan ko. Parang nananaginip pa rin ako sa nangyayari sa katawan ko. Biruin mo sa isang araw lang ay may kalakihan na ang pinagbubuntis ko. Napangiti ako ng kumislot ang loob ng tiyan ko.
"Are you excited to see the world baby?" Masuyo at malambing na tanong ko. "Whoah!!!" Bulalas ko ng parang sumipa ang baby sa tummy ko. "Hubby! Come quickly! I think he just kicked" labis ang kagalakan na tawag ko kay Lucas.
Sa isang iglap lang ay nakaluhod na siya sa paanan ko at nakahawak sa tiyan ko.
"Really" his eyes is dancing with happiness
"Yes, talk to him" masuyong utos ko. Ngumiti siya at tumango
"Hello there little fella. I'm your dad" may pagsuyong hinaplos niya ang tiyan ko. Napa sigaw siya sa tuwa ng gumalaw nga ang nasa sinapupunan ko.
"Thank you so much wifey. You don't know how happy I am right now" masuyong usal niyaMay pagmamahal na tinunghayan ko siya at hinaplos ang makinis niyang pisngi. Umayos siya ng pagkakaluhod at hinalikan ako sa noo.
"Kailangan mo ng mag ensayo." Wika niya
"Sige" agad na sang ayon ko.
Ngayon kase ay parang may pakpak ang puso ko sa labis na kasiyahan at gusto kong mag ensayo para sa mga anak ko.
Mabilis akong kumilos at nasa gitna na ako ng lake. Tinanaw ko sa pampang si Lucas na nakapamaywang at nakatanaw sa gawi ko.
"Show me what you've got my dear wifey" pang eenganyo niya sa akin.
Huminga ako ng malalim bago nagkonsentrate sa pagpapalabas ng apoy. Ng gumalaw nanaman ang baby ko sa sinapupunan ko ay lalong nag umigting ang kagustuhan Kong makontrol ang kakayahan ko.
Unti unting bumuo ako ng pabilog na apoy na inihagis ko malapit sa tabi ni Lucas. Natuwa ako ng walang kahirap hirap na nagawa ko nga yun ng hindi ko kailangang nagagalit.
"See? Kung seseryosohin mo ang pag ensayo madali mong magagawa ang pinapagawa ko sayo" natutuwang bigkas ni Lucas at pumalakpak pa.
Bumaba ang kamay ko sa ilalim ng tubig at hinaplos ang……… malaking tiyan ko??
Nanlaki ang mata ko at napaahon ng wala sa oras sa tubig at niyuko ang tiyan ko.
"Ang bilis namang lumaki ng tiyan ko?" Namamanghang bulalas ko
Lucas chuckled
"Because they are not a human my dear, Hindi ko lang alam kung diwata ba sila o bampira" he solemnly said
"Kahit ano siya sa dalawa, mahal na mahal at tanggap ko pa rin siya Lucas."
"Lalaki sana" anas ni Lucas
"Naku sakit kaya sa ulo ang lalaki" agad na gagad ko
"They won't give you a headache my love. Vampires are not like that. Pero dahil may dugo kang tao hindi ko sigurado. Kung makulit at pasaway ang anak natin. Sayo na siya nagmana dahil matigas ang ulo mo at pasaway ka. Hindi lang yun napaka kulit mo pa" wika niya
"Hindi ah, mabait kaya ako" defensive na bigkas ko
"You are defensive" amused na sabi niya.
Tinalikuran ko siya at umupo sa inayos niyang pahingahan ko daw. Wala akong pakialam kahit basa ako na naupo sa inilatag niyang maliit na carpet sa buhanginan.
"This is all new to me Lucas. I still feel like I'm dreaming. A very wonderful dream. It's something that I want to treasure for the rest of my life" mahinang bigkas ko
"You have all the time in the world to treasure all of this. Why are you suddenly thinking this kind of thoughts?" Sabi niya at naupo sa tabi ko. Humilig naman ako sa balikat niya
"When I still didn't know about my true identity. I didn't dream having all this luxury I'm having right now. Sempling buhay lang ang hinangad ko noon. Masayang pamilya, basta lahat ng mga magagandang bagay na nandito sa mundo. Tama na sa akin yun. And then, suddenly. You entered in the picture. And here I am. Sitting Beside you. Nararanasan ang mga bagay na Hindi paniniwalaan ng mga tao. Dahil para sa kanila kathang isip lamang ang mga bampira o aswang o kahit anong laman lupa na binibigyang buhay nila sa pamamagitan ng paggawa ng mga kwento" tugon ko
Hinaplos niya ang buhok ko kaya bumuntong hininga ako.
"Well baby. This time, Hindi lang panaginip ang nangyayari sa iyo. Its real" pabulong na sambit niya.
Hindi ako sumagot at sumiksik lang ako sa dibdib niya.
Yeah, its not just a dream
…………………
BINABASA MO ANG
The Lion's Eye book-2 (Maxine&Lucas)-(Completed)
VampirePrologue Pinili ni Maxine na manirahan sila ni Lucas sa mundo ng mga tao. Doon ay mabubuhay silang isang normal at ordinaryong tao. Sa paglipas ng panahon ay marami na ang nagbabago sa kalakaran ng mundo. Meron ding biglang sumulpot na ibang nilalan...