chapter 19

1.4K 37 0
                                    

Maxine's POV

Kababalik lang namin dito ni Lucas sa mundo ko. Naiwan ang anak namin sa Havilland. Sa totoo lang hindi ko guatong umalis ng Havilland na hindi kasama mga anak ko. Alam ko namang safe sila doon pero hindi ko pa rin maiwasang mag-alala sa kanila. Hindi ko naman pweding isama sila dito dahil baka magtaka ang mga tao, tanungin pa nila kung kaanu-ano ko ang dalawa. Alangan namang sabihin kong anak ko ang kambal, baka pagtawanan nila ako at sabihan pa akong nababaliw. Eh tignan mo naman kase ang dalawa, walang maniniwalang anak ko sila gayong kung titignan ay parang magkaedad lang kaming tatlo.

Grave!! Wala pang isang linggo na nawalay ako sa kambal ko pero ito at nangungulila na ako sa kanila. Parang gusto kong bumalik ng Havilland at isama sila dito para nakikita ko sila.

"What's bothering you wifey?" Untag ni Lucas saakin. Binawalan ko na kase siyang basta na lang basahin ang saloobin ng kapwa niya na tinupad naman niya.

I heaved a deep sigh

"I miss the twins" mahinang usal ko. Niyakap naman niya ako at hinaplos sa likod na parang inaalo ako.

"Me too. Gusto mo bang sunduin ko sila at dalhin sila dito" masuyong bigkas niya.

"Pwede ba? Hindi kaya magtaka ang mga tao pag nakita nila ang anak natin? Ni wala ngang nakakaalam na mag-asawa tayo" may lungkot sa tinig na wika. Isa pa iyon sa gusto ko, gusto ko kasing isigaw sa mundo na mahal na mahal ko siya at pag-aari ko siya.

"Pweding pwede. Kakausapin na lang natin sila tungkol sa sitwasyon ng pamilya natin. They are old enough to understand serious matter, like this" aniya

"Then fetch them. Gusto ko silang makasama at makita ang mundong pinagmulan ko" excited na turan ko

"Then is it okay if I leave you here alone?" He asked

Nakangiting tumango ako

"Then maiiwan na muna kita. Asahan mong nandito kami bukas" wika niya. Yumuko siya at ginawaran ako ng magaang halik sa labi

"Okay"

"Right! May nakalimutan ako, kailangan ko nga palang i-train ang kambal na masanay sa amoy ng dugo ng mga tao. Mahirap na baka pag dinala ko sila dito magkaroon tayo ng problema. Maybe after a week na kami makakabalik dito"

"Ganun ba? Sige, kailangan ko ba rin kasing pumasok sa school marami na akong absent eh" tugon ko..

Tumango siya at tuluyang lumabas ng bahay.

°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°

Pagpasok ko pa lang dito sa school ay napansin ko na agad ang mapanuring tingin ng mga nakakasalubong ko at yung mga nakatambay sa corridor. Nagbubulungan pa sila habang sinusundan ako ng tingin. Hindi ko na lang sila pinansin at tuloy tuloy lang ako sa paglalakad, pero napahinto ako nang marinig ang sinabi ng isang schoolmate ko.

"Hindi ba siya yung binansagang miss prim and proper ng school natin. My gosh!! Nakatago lang pala ang pagiging malandi niya. Si sir Lucas pa talaga ang napili niyang akitin. Gosh! Diba bawal ang student-teacher relationship?" Parang sinadya pa nitong lakasan ang boses para paringgan ako. Kinabahan agad ako sa narinig.

"Come with me!" Hinila ako ni Berlin na lumitaw na lang sa harapan ko.

Dinala niya ako sa kung saan nakalagay ang bulletin board. Maraming styudante ang nandun at nagkukumpulan na parang may kakaibang specie silang nakita doon.

"Make way!!!" Matigas, masungit at malditang asik in Berlin. Nagbigay daan naman sila pero umugong ang bulung bulungan sa paligid.

Pakiramdam ko ay biglang umikot ang paligid nang makita ko ang mga litrato namin ni lucas. May isa na papasok kami ng bahay, yung magkayakap kami sa porch ng bahay at nung hinalikan ni Lucas ang pisngi ko. Pinaghahablot ko ang lahat ng mga litratong nakadikit doon at mariing nilakumos. Agad nagliyab sa galit ang mata ko ng lumitaw sa balintataw ko ang babaeng kumukuha ng litrato sa aming dalawa ni Lucas.

"Oh!!!! Pumasok na pala ang malanding babae na pumatol sa isang—" Hindi ko na siya pinatapos sa sinasabi niya dahil mabilis na nilapitan ko siya at sinakal sa leeg.

"You'll pay for this!!" Mariin at mahinang angil ko kay Noemi. Kilala ko kase ang babaeng to, isa siya sa mga nagpapapansin kay Lucas. At dahil obsessed siya kay Lucas at sinusundan pala niya ito ng palihim.

Namumuti na ang mukha niya sa nariing pagkakasakal ko sa leeg niya pero hindi ko pa rin siya binitawan. Nakabalatay sa mukha nito ang takot.

"Calm yourself galadrim, they're watching you" bulong ni Berlin kaya unti-unti kong binitawan ang leeg niya, dumausdos naman siya at nauubo na napaupo sa sahig. Nanlilisik pa rin ang mata ko ng iginala ko ang tingin ko sa paligid, pasalamat pa ako na lagi along nagsusuot ng contact lens kaya di nila nakikita and totoong kulay ng mga mata ko. Gulat at takot ang nasa mukha ng mga nandito na nakakita sa ginawa ko.

Natuon ang mata ko sa isang lalaking nakatayo sa may pinakalikod at nakatingin sa akin. Mabilis na hinawi ko sila at hinabol ang lalaki na agad namang tumakbo.

"Maxine" sigaw in Berlin pero hindi ko siya pinansin.

Mabilis akong tumakbo at dahil nga may kakayahan along makita ang isang nilalang kahit nagtatago ay nakita ko kung nasaan siya. Tinahak ko ang dinaanan niya at hinayaan si Berlin na sundan ako, mabilis din naman ang galaw niya kaya makakaabot siya sa akin. Mas maganda na rin yung sumunod siya sa akin dahil naisip kong mabuti na rin yun at may makakasama akong haharap sa mga leopard.

Sa isang malayong kasukalan pumasok ang sinusundan kong leopard kaya pumasok na rin ako doon. Huminto ako ng makita ko ang limang leopards na naghihintay sa akin. Umangil ako at inihanda and sarili kung aataki man sila.

Ilang saglit lang at nasa tabi ko na rin si Berlin na anyong lobo na. Kung siguro wala kami sa komplikadong sitwasyon na to ay pupuriin ko kung gaano kaganda ang mga balahibo niya.

Bumalik ang tingin ko sa mga leopards na Hindi kumikilos sa kinatatayuan nila. Kumunot ang noo ko at hinanap ng tingin ko ang isang amoy ng bampira. Agad Kong nakilala ang presensya niya.

"Yuni!!!!" Sambit ko ng sumulpot siya at tumabi sa mga taong pusa. Anong ginagawa ni yuni at kasama niya ang mga leopards?? Siya ba ang babaeng nakita ko na kasama ng lahing to???

………………

The Lion's Eye book-2 (Maxine&Lucas)-(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon