Maxine's POV
Hindi ko maiwasang makaramdam ng kaba nung biglang sumulpot ang isang teacher na to na nag ngangalang Randy. Unang tingin ko pa lang sa mukha niya ay alam kong Hindi siya ordinaryong tao. I can smell with his blood, Hindi ko lang matukoy kung anong klasing immortal siya.
Kahit sabihin ni Lucas na he is harmless. Hindi ko pa rin mapigilang kabahan at mag isip ng negatibo. Paano kung isa nanaman iyo sa grupo ng mga immortal na ang hangad lang ay kapangyarihan. Sa pagtalikod at pag traidor ni Isidoro sa lahing bampira ay hindi maiwasang isipin ang biglang paglabas ng ibang lahi.
"Hay!!! Ang saya naman, ano ba ang ginawa natin sa dating buhay natin at nagpadala uli siya ng isang biyaya para sa mga kababaihan na katulad natin?" Nag tu-twinkle pa ang matang sambit ni lance at nangalumbaba.
"Iisa lang ang biyaya ng diyos para sa akin" nakasimangot na bigkas ko
"Oo alam ko. Si Sir Lucas. Hmp! Kahit hindi ka mag kwento alam kong may namamagitan sa inyo noh!" Wika niya
"Ang bibig mo!" Sita ko ng medyo lakasan niya ang Boses niya
"Oo na, so tell me. Sweet ba siya? Magaling?" Kumikislap ang matang tanong niya
"Hindi! Jusko kasing lamig pa siya ng Antarctica" nunca na aminin ko sa kanya kung gaano ka sweet ang asawa ko noh!. Hindi naman ako nahihiyang aminin na asawa ko siya kase sa Havilland ay iyon ang tingin ng iba sa amin.
"Wehh! Nagbibiro ka ba? Marami kayang nakapansin na bigla siyang naging mabait" pinanlakihan niya ako ng mata
"So? Ibig sabihin ba nun. Sweet na siya. Naku kahit pakainin mo yun ng maraming chocolate at sangkaterbang asukal hindi yun magiging sweet" wika ko
'Ouch' umukilkil ang boses ni Lucas sa isipan ko. Hindi ko pinansin yun.
"Ngeh!! Ibig sabihin kahit tukaan wala pang nangyayari" Hindi makapaniwalang saad nito
"Tama ka" sagot ko. Jusmiyo naman! Hindi ko aaminin na naghalikan na kami ni Lucas at baka alaskahin pa ako ng lance na to.
'Hey, stop hurting my ego woman! I'm a great lover' sigaw niya sa isipan ko.
Iginala ko ang tingin sa loob ng cafeteria, nakita ko siya sa may sulok kasama sina Diego at Randy. At bakit nila kasama ang lalaking yun?
Pasulyap sulyap siya sa gawi namin ni Lance. Buti na lang at konti pa ang mga tao dito kaya Hindi nila naririnig ang pinag uusapan namin ni lance.
'You're not!' Gagad ko sa kanya
'Really! Eh nung kagabi? Kita ko naman na halos kainin mo na ako' natatawang wika ni Lucas
Bwisit talaga ang bampirang to.
"Ayos ka lang ba?" Tanong ni Lance ng mapansin ang pananahimik ko.
"Oo ayos lang ako. Teka bat yan lang ang binili mong lunch?" Tanong ko
"On diet ako. Jusko baka pag nagkabilbil ako hindi na ako mapapansin ni sir Randy" eksaheradong pinisil pa niya ang tiyan niya na wala namang makikitang kahit anong bilbil. Sa totoo kase ay gwapo naman talaga si lance, matangkad at maganda ang built ng katawan niya. Yummy ayon sa iba. Kung hindi nga lang Adan din ang hinahanap niya.
"Hoy! Hwag mo akong tignan ng ganyan. Kalurkey ka, kinikilabutan ako sa tingin mo eh" may halong pandidiring saad niya.
"Hindi kita type!" Asik ko sa mukha niya.
"Mabuti na ang sigurado noh! Baka atakihin ako ng wala sa oras pag may gusto ka saakin"
Pinaikot ko ang eyeballs ko sa kadaldalan niya. Kung pwede ko lang tapalan ang bunganga ng malanding bakla na to.
----------------------------
Lucas's POV
Grabe talaga ang babaeng to. Talagang nilait pa ako dahil cold daw ako. Makikita talaga niya mamayang pag uwi namin.
"So she's your girl" kompirma ni randy sa akin kaya napatingin ako sa kanya.
"She's beautiful isn't she?" Proud na tanong ko
"Yes, very beautiful. Pero mukhang masungit" patikhim na saad ni Randy
Humalakhak si Diego dahilan para mapatingin ang mga styudante na kumakain sa loob ng canteen.
"Paano mo naman nasabi?" Kaswal na tanong ko
"Look at her face. Maamo nga pero ang talim naman ng tingin niya sa kaibigan niya." Komento nito.
"Hindi naman dating ganyan yan. Pero nung dinala ko siya sa Havilland at nag transform. Naging bulkan na siya na anu mang sandali ay sasabog pag galit o naiinis" nakangising wika ko
Natatawang napailing si Randy sa sinabi ko. "Baka marinig ka niya."
"Hindi yan. Bingi yun eh" Biro ko. Bumungisngis sila sa sinabi ko.
"Bakit ba mas pinili kong maging teacher? Sana styudante na lang yung pinili ko para Malaya akong makalapit sa kanila" bigkas ni Randy.
"Oo nga noh!" Sang ayon ni Diego "kung naging styudante ang pinili mo Lucas, Hindi mo pa ako pipiliting pumunta dito sa canteen para masilayan ang asawa mo. Grabe naman kasing pagbabantay ang ginagawa mo eh. Hindi ka naman niya ipagpapalit sa kung sino lang diyan. Atsaka lagi naman kayong magkasama sa iisang bubong" mapang asar na tinignan niya ako kaya. Inambaan ko siya ng suntok.
"Mag asawa na pala kayo" naaliw na bigkas ni randy
"Oo, matagal na. So back off;" pabirong dinibdiban ko siya. Napaubo naman ito
"Hey I'm not planning to get your woman. Kaya ako nandito kase hinahanap ko rin ang mate ko" gagad ni Randy.
I grinned. Hindi naman pala mahirap pakisamahan ang Hindi namin kalahi eh.
……….…
BINABASA MO ANG
The Lion's Eye book-2 (Maxine&Lucas)-(Completed)
VampirePrologue Pinili ni Maxine na manirahan sila ni Lucas sa mundo ng mga tao. Doon ay mabubuhay silang isang normal at ordinaryong tao. Sa paglipas ng panahon ay marami na ang nagbabago sa kalakaran ng mundo. Meron ding biglang sumulpot na ibang nilalan...