chapter 13

1.4K 49 3
                                    

Maxine's POV

Takang nilingon ko si Lucas ng dalhin niya ako dito sa isang lake.

"Dito ako magsasanay? Eh puro tubig kaya ang nandito?" Bulalas ko

"Just remove your cloak wifey at lumusong ka na sa tubig" demand niya. Nag iba rin ang awra niya at nag mukha siyang masungit na professor sa isang eskwelahan.

Hindi ako kumilos o inalis ang cloak na suot ko. Namaywang pa ako at matalim na tinignan ko siya.

"Don't be stubborn Maxine, just do ask say!" Mariin at may autorasyon sa tinig niya.

"Bakit kase dito? Lulusong ako sa tubig at diyan magsasanay? Nagbibiro kaba?" Padaskol na bigkas ko

Lumalim ang gatla sa noo niya at tumalim ang tingin niya sa akin.

"Hindi isang biro ang pinapagawa ko sayo Maxine. Kung kaya mong kontrolin ang apoy sa paligid mo ay kaya mong maglakad sa tubig na hindi lumalangoy" malagom ang boses na asik niya saakin.

"Pero bakit kailangan mo akong sungitan?" Nakalabing tanong ko

"Go on lady! The time is running" sa halip na pansinin ang sinabi ko ay masungit na itinuro niya ang tubig.

Naghihimutok ang kalooban na inalis ko ang cloak na suot ko at nagmartsa palusong sa tubig.

"Hanggang baywang mo dapat ang tubig Maxine. And please take this seriously" masungit na saad niya.

Lalo akong napasimangot sa tono niya. Hindi ko yata naisip na ganito ako sasanayin ng masungit na bampirang to. Tumigil na ako ng hanggang baywang ko ang tubig. Humarap ako sa gawi niya. Nasa pampang pa rin siya at nakapamaywang.

"Now what?" Padaskol na asik ko sa kanya.

"Your attitude won't help Maxine. You can't reach your goal kung palagi kang ganyan" supalpal niya sa akin.

Sa inis ko ay nagpapadyak ako sa tubig dahilan para magkaroon ng may kalasang alon at humampas yun saakin.

"I told you Maxine, it won't help. Don't you know that water can help you calm your nerves. It makes you relax and control your emotion. Now try to make a fire" utos niya

"This is crazy? How can I make fire when I'm all wet?" Nabubwisit na maktol ko

"You can do it?" Puno ng suyong wika niya ng sabihin iyon. Bumuntong hininga ako. Itinaas ko ang kamay ko at inilahad yun. Paulit ulit kong sinubukan na mag labas ng apoy pero walang nangyari.

"I can't do this!!" Frustrated na bigkas ko

"Paano ka matututo kung ganyan ka na wala kang pasensya sa pag ensayo.?" Tanong niya.

I heaved a deep sigh. at this very moment I tried to calm myself from a terrifying glimpse of darkness that I encountered for the past weeks.

Sinubukan ko uling nagpakawala ng apoy pero nabigo ulit ako.

"Kung magiging masunurin ka lang Maxine. Agad mong makokontrol ang kakayahan mo"  saad ni Lucas

"Eh bakit kase kailangan na dito sa tubig?" Impatient na tanong ko

"I already saw someone who trained herself in this lake. Kahit basang basa na siya ay nagawa niyang nagpakawala ng apoy at naglakad sa ibabaw ng tubig na may apoy sa paligid niya" tugon ko

"Pero Hindi ako ang taong yun Lucas" giit ko

"Nagawa din niyang lumutang sa ere na may apoy sa paligid niya at hindi nakakasakit ng iba. Hindi katulad ng ginawa mo noon" dugtong pa niya.

"Sino siya?" Tanong ko at tumigil sa aktong pagpapalabas ng apoy

"Sasagutin ko ang tanong mong yan pagkatapos ng pagsasanay mo" pandidismis niya sa akin "ituloy mo ulit ang ginagawa mo"

"Ugh!" Yun lang ang nanulas sa labi ko at itinuloy ang ginagawa ko.

Nang sinubukan ko uling pumitik sa ere ay natuwa ako ng may maliit na apoy na lumabas sa kamay ko. Inulit ko ng inulit yun. Kahit Hindi lumalaki ang apoy ay ibang satisfaction na rin ang naramdaman ko.

Napakislot ako sa ginagawa ng parang may malakas napumintig sa may bandang puson ko. Ikiniling ko lang ang ulo ko at ipinahsawalang bahala ang naramdaman ko.

Inulit ko uling pumitik sa ere pero mas lalo ding lumakas ang pagpintig ng kung ano sa puson ko.

"Lucas, I think something is wrong with my body. It is kinda weird" nawewerduhang wika ko

"What?" Tanong ni Lucas

"I think something is… whoah!!!" Bulalas ko at napahawak sa puson ko ng maramdaman ko uli ang malakas na pagpintig

"Are you okay? What's the matter?" Puno ng pag aalang biglang lumapit sa akin si Lucas.

"I think something is moving inside my belly" nalilitong wika ko.

Nanigas sa kinatatayuan niya si Lucas at manghang nakatingin sa mukha ko.

"Are you serious? Your not just telling me these para tumakas sa pag ensayo mo?" Nang aarok ang tingin na tanong niya.

"I'm serious okay, try to hold it" hamon ko.

Lumunok si Lucas bago dahan dahang inilapat ang kamay sa tiyan ko. Hindi ko uli napigilang mapakislot ng mas malakas na ngayon ang pagpintig ng bagay na yun sa sikmura ko.

Nagulat din si Lucas at naniningkit ang matang hinaplos ang tiyan ko na agad naman pumintig uli.

"What is it?" Tanong ko

"We have to be sure. Come on let's go back to the dead tower I want to confirm something" excited na turan niya at hinawakan ako sa kamay bago sabay na binagtas ang daan pabalik sa dead tower.

……….……

The Lion's Eye book-2 (Maxine&Lucas)-(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon