Maxine's POV
Parang kailan lang ay dalaga pa ako at walang iniisip o pinoproblema na kahit ano. Yung iisipin ko pa kung ano ang isusuot ko na maganda sa akin. Tapos ngayon, ito at may dalawa na akong chikiting na pinapanood na maghabulan sa malawak na veranda.
Tulad kase nung sinabi ni Lucas saakin ay minu minuto nga yatang lumaki ang dalawang baby ko.
Bampira ang dalawang anak ko kaya labis ang kasiyahan ni Lucas. para siyang nanalo sa isang paligsahan at naabot ang goal niya.
"they're beautiful" wika ni moira na tumabi sa akin.
"they are not a girl" Biro ko
"hey! Hindi naman sa babae pweding gamitin ang salitang beautiful. pangkalahatan naman yun" natatawang bulalas niya.
I laughed.
"I know. I'm just kidding you know" sambit ko
"naku! grabe si hír Lucas. parang siya lang ang nagkaroon ng anak. grabing pagbibida ang ginawa niya sa mga lalaking nandito sa Havilland. jusmiyo!!"
bahagya akong natawa at nilingon siya.
"kayo ni Diego? wala ba kayong balak magkaroon ng anak?" tanong ko
"meron naman. pero…" bumuntong hininga siya
"pero?"
"Hindi pa natin napapalayas ang mga leopards sa mundo niyo Maxine. pag pareho tayong may mga anak na, mahahati ang atensyon natin, kailangan na may isa sa atin na nasa buong atensyon ang problemang kinakaharap. Ang sabi ni randy hindi pa naman kumikilos ang pinsan niya na may balak sirain ang mundo mo. pero hindi pa dapat tayo magrelax dahil anumang sandali ay bigla silang aataki. tuso daw ang pinsan niya, tapos palihim pa kung gumalaw. pero hindi naman siguro siya makakatago sa atin dahil kaya mong tignan ang parating na traidor"
"yeah! wala pa naman akong nakikita na parating" napatigil ako at tinignan ang dalawa kong anak "hwag kayong tatalon diyan" agad na pigil ko sa dalawa na napasimangot at umupo sa sahig
"hayaan mo na sila wifey, Hindi naman sila masasaktan" singit ni Lucas na kanina pa tahimik at nagbabasa ng libro. sinamaan ko siya ng tingin.
"ayan!! kinukunsinti mo ang kalokohan ng dalawang yan kaya matigas ang ulo" asik ko
"Hindi ko sila kinukunsinti. Iyan ang paraan ng pagsasanay namin dito. ang hayaan silang hasain kung ano ang binigay sa kanila" wika ni lucas na hindi man lang nag angat ng tingin.
"Hindi lang ikaw ang may anak sa dalawa kaya karapatan ko ding disiplinahin ang dalawa" maasim na asik ko
"wala akong sinabi na wala kang karapatang disiplinahin sila. andmg akin lang hayaan mo na silang gawin ang gusto nila dahil ganyan ang pagsasanay namin ng bagong silang na bampira dito." napaungol siya at sa wakas ay nag angat na siya ng tingin at matiim na sinalubong ako ng tingin.
"we are not arguing about how we train and discipline our son, right?" he ask
" Hindi kita inaaway tungkol diyan. ang gusto ko lang ay sundin nila ang gusto ko." naasar na bulalas ko
"you are being unreasonable darling. let the two of them to have fun. mabilis ang paglaki at pagmature ng isip nila kaya habang bata pa sila. just let them be. let them enjoy while they are still kids." umiiling na bigkas niya. mahina namang tumikhim si moira.
"hey Kiddo's, come with me. sa misty mountain tayo" pasigaw na tawag ni Lucas sa dalawa.
I rolled my eyes!! Hindi talaga paaawat ang matandang hukluban na to.
para namang takas sa selda na sumunod ang dalawa sa ama nila na palabas ng veranda.
"be careful" pahabol ko sa kanila.
"sure mom" sabay na sigaw ng papalayong tinig nila.
mabilis silang maka adapt ng mga salitang naririnig nila at madali rin silang turuan kaya marunong na sila sa wikang English.
bumuntong hininga na lang ako.
"hayaan mo na sila. kasama naman nila si hír lucas" pangongonsola ni moira sa akin.
"I can't help but to be more protective. ang pagdating nila sa buhay ko ang isa sa pinaka magandang regalo na natanggap ko sa buhay ko" may pag aalala pa rin sa tinig na sambit ko.
"don't worry yourself too much Maxine. alex is just few miles away from them. isa din siya sa pinakamalakas na royal blood."
"yeah, but!"
I sighed! Hindi naman masama kung mag alala ako sa dalawang anak ko. ayaw ko kasing nasasaktan at nalalagay sa pilegro ang buhay nila. gusto ko na palagi silang safe.
"Hindi hahayaan ng asawa mo na masaktan ang mga anak mo. trust him with this" tinapik ni moira ang balikat ko bago ako iniwan.
ano pa nga ba ang gagawin ko?? Hindi ko naman pweding saklawin ang mga nilakhan na ni lucas na ugali ng mga bampira. kailangan ko na palang mag adjust sa mga darating pang araw. Yung dapat ko nang hindi bini-baby ang dalawa kong anak dahil darating ang araw na lalaki sila at may sarili na silang pag-iisip. yung sila na and magdidisisyon sa kung ano ang gagawin nila sa buhay nila.
ang hirap talaga maging ina.
……………
BINABASA MO ANG
The Lion's Eye book-2 (Maxine&Lucas)-(Completed)
VampirePrologue Pinili ni Maxine na manirahan sila ni Lucas sa mundo ng mga tao. Doon ay mabubuhay silang isang normal at ordinaryong tao. Sa paglipas ng panahon ay marami na ang nagbabago sa kalakaran ng mundo. Meron ding biglang sumulpot na ibang nilalan...