special chapter

2.1K 56 5
                                    

Maxine's POV

Parang kailan lang hindi ko naisip na darating ang araw na ganito ako kasaya. Nagulat talaga ako ng biglang may sumulpot dito sa villa namin sa alta tiero.

Lumukso ang puso ko nang mamukhaan ang taong yun. Hindi ako makapaniwala at parang nananaginip lang ako. Dahil ang nasa harapan ko ay walang iba kundi ang asawa kung si Lucas. Pakiramdam ko ng araw na yung tumibok uli ang natutulog kong puso.

Para pa nga makasiguro ako ay hinaplos ko ang mukha niya, at ng madigurong buhay na buhay na Lucas ang nasa harapan ko ay napaiyak ako at niyakap siya ng mahigpit. Nakangiti siya sa akin at kita ko ang pangungulila sa mata niya.

Napangiti ako ng makita silang naghahabulan sa ibaba ng villa. Nadagdagan uli ang chikiting namin. Sina Ronald at Roland. Ibang klase nga eh, kambal kase ulit ang iniluwal ko.

Nakatingin ako kay lucas na nakangiting nakikipaghabulan sa apat.

Naalala ko ang biglang pagsulpot niya na akala ko ay patay na nga talaga siya. Nang tanungin ko siya noon kung paano nangyari yun. Ang naging sagot niya ay

"Hindi ko alam pero pagkatapos kung pumikit ay naririnig ko ang pagsamo mo. At nung magising ako. Nasa Havilland na ako at ayon kay ama , bigla daw akong sumulpot na duguan at nag aagaw buhay. At para makabawi ng lakas ay sumailalim ako sa mahimbing na pagkakatulog. Patawarin mo ako at ngayon lang ako nakabalik sayo"

Sukat sa narinig ko ay parang nabuhay muli ang namatay kong puso buhat nung akala ko ay wala na siya. Hindi maipalawanag ang sayang nararamdaman ko noon.

"Anong iniisip mo?" Tanong niya saakin na tumalon lang galing sa ibaba patungo dito sa veranda.

"Iniisip ko ang nakaraan. Hindi ko kase talaga maisip na bigla ka na lang sumulpot noon" amin ko

"Kung sana ay bumalik ka ng havilland malalaman mong buhay pa ako" Hindi naninising saad niya

"Pag kase bumalik ako doon maalala lang kita. Lalo akong masasaktan. Miss na miss pa kita. Baka pag apak ko pa lang doon magbreak down na ako" nakalabing sagot ko

"May apat ka ng anak pero para ka pa ring bata kung umasta" naiiling na bigkas niya.

Dinagukan ko tuloy siya at inismiran.

"Hoy 22 pa lang ako. Ikaw gurang na, may nakalimutan ka yatang dapat sabihin sa akin mahal ko, sino yung tinutukoy mo noon na kayang magensayo sa loob ng tubig" naalala kong itanong sa kanya.

"Your mom" nakangiting sagot niya.

"Really?"

"Yes" she answered before giving me a peck on the lips.

Humilig naman ako sa balikat niya.

"Ang tatanda na ninyo para kayong teenagers kung umasta" lukot ang mukhang wika ni Rolph.

Ito talagang batang to. Kahit kailan napakabugnutin. Pati kaming magulang niya nakakatanggap ng kasungitan nito.

"At ikaw naman kahit kailan walang katamis tamis yang katawan mo. Aatras lahat ng babaeng magkakagusto sayo" panggagatong ni Ralph dito

"Baka naman nabroken hearted ka na kuya kaya ganyan ka" nakangising pang aalaska ni Roland.

"Or in dispair" dugtong in Ronald.

Lalong nalukot ang mukha ni Rolph.

"Tigilan niyo nga ako. Hindi ako broken hearted o in dispair. Nakakaumay na yang pagsabi niyo ng walang katamis tamis ang katawan ko. Tsk!! Hindi naman ako kumakain ng asukal o kayay chocolate.-" sinamaan nito ng tingin si ralph "Sipain na talaga kita diyan Ralph pag hindi mawala yang nakakaloko mong ngiti," banta nito sa kapatid

"Ang sungit mo talaga kuya, no wonder ilag sayo si Sheila" napapailing na turan ni Ronald

"Sino yun?" Kunot noong tanong niya.

"Yung sophomore" si Ronald.

"Hindi ko kilala yun. Baka si Ralph kilala niya" blangko ang mukhang sagot nito

"Bakit ako? Hindi ko nga siya pinapansin eh. Parang makahiya na tumitiklop pag nagkakasalubong kami" bugnot na gagad ni Ralph.

"Yun eh!! Ikaw ang may crush Kay sheila" tumatawang saad ni Rolph. Napatitig tuloy ang tatlo sa kanya. "What?" Angil nito

"Parang and bait bait mo pag nakangiti ka" turan ni Roland.

"Whatever!!" Pandidismis naman ni Rolph sa tatlo.

Napangiti tuloy ako sa pagpapalitan nilang salita.

Nang halikan ni Lucas ang pisngi ko ay lumuwang ang pagkakangiti ko.

Masaya ako na hanggang ngayon, marami mang pagsubok ang pinagdaanan namin. Ito at matibay pa rin ang pagmamahalan namin.

Mabuhay man kami ng ilang siglo sigurado akong kami pa rin ang magkasama hanggang sa huli.

Humilig ako sa balikat niya at pinanood namin ang sunset.

Alam kong marami pang sunset ang panonoorin naming pamilya.

At nang marinig ko ang halakhakan ng mga anak ko ay napapangiting nilingon ko sila. They are my most precious in the world. Including my husband, Lucas.

"Pakasal tayo Maxine," masuyong bulong ni Lucas. Bahagya akong natawa. May mga anak na kami pero ngayon lang namin naisipang magpakasal.

Well that's new!!

"Yes!!" Malambing na sagot ko

"Sinong maging ring bearer, si kuya Ralph?" Biro ni Roland.

Malakas tuloy na halakhakan ang umalingawngaw sa buong villa.

∆∆∆wakas∆∆∆

The Lion's Eye book-2 (Maxine&Lucas)-(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon