Maxine's POV
Umaapaw ang kaligayan sa puso ko dahil sa wakas ay nagawa ko na ring makontrol ang kakayahan ko. Naggawa ko nang maglabas ng apoy ng walang nasasaktan.
Ilang araw lang ang ginawa kong pagsasanay ay tapos na ang pag eensayo ko. Ngayon naman ang hinihintay ko na lang ay ang paglabas ng anak namin ni Lucas. Malaki na ang tiyan ko at parang hinihintay ko lang ang panganganak ko.
Hindi pa kase kami dapat bumalik sa mundo ko dahil baka magulat ang kakilala namin na buntis ako eh nung nakaraang araw lang eh maliit ang tiyan ko.
"Motherhood makes you more beautiful galadrim" napalingon ako kay Moira ng marinig ko ang boses niya
"When did you arrive" tanong ko
"Kanina lang. Hindi ba nagpaalam si hír Lucas na bumalik siya sa mundo niyo para kumuha ng dugo" salubong ang kilay na bigkas ni Moira
"Hindi siya nagpaalam sa akin eh. Nasaan na siya?" Tanong ko
As if on cue ay pumasok si Lucas na ngiting ngiti at may hawak na kopita. Agad akong natakam ng maamoy ang dugo. Mabilis pa sa alas kwatrong lumapit ako sa kanya at inagaw ang kopita. Sinaid ko ang laman nun bago yumakap kay Lucas na mahinang tumawa.
"You are that thirsty huh!" Biro niya.
"Hmm" usal ko lang.
Inakay niya ako pabalik ng kama at umupo kami doon. Pagkalapat pa lang ng pwet ko sa malambot na kama at napaigik ako.
"What's wrong?" Tarantang tanong ni Lucas
"I—i think……" napapikit ako ng humilab ang tiyan ko na parang mamamatay na ako sa sakit.
"Hír Lucas, tawagin mo si Miranda. Quickly" utos ni Moira sa asawa ko na hindi malaman kung hahawakan ako o Hindi.
"Right!" Bigkas niya at parang hangin na lumabas siya ng kwarto.
Tagaktak na ang pawis sa buong katawan ko at nakakagat sa ibabang labi ko na hindi ko na alintana kung dumudugo man ang bibig ko sa mariing pagkakagat ko.
Mahigpit akong napakapit sa kubre kama ng maramdang humilab nanaman ang tiyan ko. Pilit Kong iminulat ang mata ko ng marinig ang boses ng isang babae. Hindi ko na siya binistahan ng tingin dahil para akong lilipad patungong mars sa sakit na lumukob sa katawan ko. Basta pumikit lang ako at pilit ininda ang nakangingilong sakit.
----------------------------
Lucas's POV
This is the first time of my life that I feel so nervous and excited too.
"Bakit hindi ka pumasok sa silid niyong mag asawa?" Tanong ni ama na tumabi sa akin. Nandito kase ako sa veranda ng kastilyo at pinapanood ang tuloy tuloy na pag agos ng tubig.
"Ano po ang naramdaman niyo noon nung magbuntis si ina at ipangak niya ako?" Sa halip ay tanong ko
Ngumiti si ama at itinuro ang langit.
"Pakiramdam ko noon ay abot hanggang langit ang kagalakan ko. At nung lumabas ka nga ay pakiramdam ko ako na ang pinakamasayang ama at asawa sa buong Havilland. Isang napakagandang regalo na aking natanggap" napangiti ako ng makita ko nga ang saya sa mukha ni ama. "Sige na puntahan mo na ang asawa mo. Naririnig ko na ang iyak ng dalawang sanggol" natatawang taboy ni amasa akin.
Dalawang sanggol?
Parang may pakpak na pumunta nga ako sa kwarto naming mag asawa. And there, I saw a very beautiful scenario.
Nakahiga si Maxine sa kama at nasa tabi nga niya ang dalawang sanggol na umiingit at parang naglalaro. Hindi ko napigilang umiyak ng makita ang mag iina ko.
Natutulog si Maxine habang nasa magkabilang gilid ng kama sina Diego at Moira na nakatunghay sa dalawang sanggol.
Mabilis ang galaw na lumapit ako sa kanila at hindi alam kung sino ang uunahin kong kargahin sa dalawa.
Sa wakas ang nakasuot ng kulay blue ang kinarga ko at naluluhang inehele iyon.
"H—hubby" malat na tawag ni Maxine saakin na nagising yata nung buhatin ko ang isa sa sanggol.
"Wifey" malambing na bigkas ko at naupo sa gilid ng kama.
"Anong gusto mong ipangalan sa kanila?" Mahinang tanong niya.
Niyuko ko ang anak ko na karga karga ko.
"Ralph and Rolph" nanulas sa labi ko
"Maganda ang napili mong pangalan hír Lucas" nakangiting bigkas ni Moira. Hindi naman umiimik si Diego na kababakasan ang pagkainggit sa mukha.
Ngumiti ang asawa ko.
"Okay hubby. Magpapahinga lang uli ako" bulong niya at pumikit uli.
Puno ng pagmamahal na tinignan ko si Maxine. Hinayaan ko na siyang mag pahinga. I know she's exhausted.
……………….
BINABASA MO ANG
The Lion's Eye book-2 (Maxine&Lucas)-(Completed)
VampirePrologue Pinili ni Maxine na manirahan sila ni Lucas sa mundo ng mga tao. Doon ay mabubuhay silang isang normal at ordinaryong tao. Sa paglipas ng panahon ay marami na ang nagbabago sa kalakaran ng mundo. Meron ding biglang sumulpot na ibang nilalan...