chapter 21

1.4K 44 0
                                    

Maxine's POV

Agad inasikaso ni Felix si Berlin habang ako ay pinuntahan ko si Lucas na nasa misty mountain kasama ang mga anak ko. Gusto ko pang kumpirmahin kung totoo ang sinabi ni yuni saakin.

Naabutan ko silang nag bibiruan doon. May hawak kase si Lucas na pack ng dugo.

"Ma" sabay na bigkas nung kambal nung makita ako. Mabilis silang lumapit at yumakap sa akin. Gumanti ako ng yakap

"Oh akala ko ba hihintayin mo na kami doon" bigkas ni Lucas

"Yun ang plano pero may gusto akong malaman" seryosong wika ko, binalingan ko ang dalawang anak ko "umuwi muna kayo at titirisin ko ang papa niyong yan" makulimlim ang mukhang saad ko.

Natahimik ang kambal at tumango. Nang mawala sila sa paningin ko ay. Dinaluhong ko siya at sinipa sa mukha. Tumilapon naman siya at sumadsad sa isang puno.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin?" Singhal ko sa kanya.

Nang lumapit siya ay isang suntok nanaman sa mukha ang natanggap niya sa akin.

"Ano bang problema? At ano ang hindi ko sinabi sayo?" Tanong niya at tumitig sa mata ko.

"Bakit hindi mo sinabing si moira ang dating katipan mo?" Tungayaw ko

"What?? Hindi ko siya naging katipan. Naipagkasundo lang kami noon. Pero di ibig sabihin nun ay naging girlfriend ko siya." Katwiran niya

"Pero hindi mo sinabi sa akin. Kung hindi pa sinabi ng traidor na yuni na yun wala kang balak ipaalam sa akin?" Iritadong singhal ko

"Hindi naman importante yun ah. Tinalikuran ko pa nga ang kasunduang yun. At si yuni?" Aniya

"Tumalikod siya sa lahi mo dahil ako ang pinili mo at hindi siya." Bigkas ko

"Matagal ko ng alam na may gusto siya sa akin pero pinagsawalang bahala ko yun dahil wala akong gusto sa kanya. Hindi ko lang sukat akalain na tatalikod siya dahil dun" he said

"Hindi naman yun ang kinagagalit ko. Ang hindi mo pagsabi sa akin tungkol sa kasunduan at patakaran ng Havilland"

"At si hír Lucas ang kauna unahang bampira na sumira sa patakaran na yun dahil sa propesiya ni inang halea" wika ni Diego na biglang sumulpot

"Ang pagtalikod niya sa kasunduan ang dahilan kung bakit nakilala mo siya. Dahil hinanap niya ang mate niya. At ikaw yun, lahat ay may dahilan kung bakit nangyari yun" wika ni moira na nakaupo sa mataas at malaking sanga ng puno

"Pero sana naman ipinaalam niyo saakin ang bagay na to" hinampong turan ko.

"Maxine, ang mga bagay na walang kinalaman sa hinaharap ay hindi na dapat ungkatin pa. Ang kasunduang iyon ay nangyari pa noong hindi ka pa pinapanganak. Wala ng dapat pang problemahin tungkol doon" magaang saad ni Lucas

Nakaramdam ako ng pagkapahiya kaya lumambot ang ekspresyon ng mukha ko.

"Don't be ashamed wifey, naiintindihan ko ang burst out mo. Para nga pala sa inyong mga tao ay importante ang nakaraan ng taong mahal niyo" ani Lucas

Umiling ako "Hindi importante ang tungkol sa nakaraan mo. Ang nakakainis lang ay yung si moira pa na kapatid mo ikaw naipagkasundo"

"Hey! Pareho naming hindi gusto yun, pero dahil nga sa propesiya ay kailangang i-push through yun para umalis si hír Lucas ng havilland at hanapin ang mate niya na nag-iisang anak ni inang halea. Ang magiging mata ng mga bampira. Ang tinatawag nilang mata ng lion, ang pinaghalong tatlong lahi. At ikaw iyon Maxine." Litanya ni Moira.

"At hindi ko din naman papayagan na mangyari yun. Ipaglalaban ko din naman ang mate ko. Kalimutan no ang bagay na yan dahil sayo lang si Lucas. Itali mo pa sa baywang mo o sa leeg mo para walang makaagaw" saad ni Diego pero may halong biro sa boses niya.

Napangiti tuloy ako sa huling linyang binitawan niya.

"Oo nga. Atsaka ano pa ba ang kinaiinis mo dun eh may dalawa na nga tayong anak." Nakangiti nang bigkas ni Lucas.

"Oo na! Sorry. Ang problema lang ngayon ay nalaman ng buong school ang relasyon natin. At si yuni" saad ko

"Mag re-resign na ako dun. At ikaw naman hwag no na silang pansinin. Hindi kasalanan ang magmahal. At kung si yuni ang inaalala mo. Walang problema dun, kaya mo naman siyang makita kahit magtago pa siya" balewalang bigkas ni Lucas

"Sabi ko na nga ba may kakaiba sa babaeng yun" nababagot na wika ni Rolph na sumingit sa usapan namin.

Teka nga bakit bigla na lang nandito ang apat na to? Hindi kaya nasa malayo lang sila at pinapanood kami?

"At akala ko din kaya ka naiinis dun kase may gusto ka sa kanya" pang aalaska ni Ralph.

Sumimangot si Rolph at balewalang umupo sa tipak ng bato.

"Bakit naman ako magkakagusto sa baliw na yun" lukot ang ilong na ganti niya kay Ralph. "Ang cool mo pala ma. Takot talaga si papa sayo" dugtong niya. Natawa ako dahil dun

"Hindi ako takot sa mama mo" mabilis na angal ng asawa ko

Binigyan lang siya ng anak namin na si Rolph ng blangkong tingin at inismiran lang ang ama nito.

Hindi ko napigilang mapangiti. Wala talagang kahit na sino ang mag-iisip na anak ko ang dalawang to.

"Tumigil nga kayong dalawa. Kayo talaga!" Nananaway na saad ko.

Pilyong ngumiti lang si Ralph. Hindi naman kumibo si Rolph at sumimangot lang,

Hindi na talaga ako magtataka kong may isa sa dalawa ang magmamana sa kasungitan at kalamigan ni Lucas noon. Kaparehong kapareho kase ni Rolph ang ama nito na bugnutin at walang pakialam sa paligid niya,

"You're hurting my ego again" bulong in Lucas. Alanganin akong napangiti

"I love you" bulong ko na lang

"I love you too" ganti niya

"Gross!!! Makasibat na nga." Saad ni Rolph at umalis. Humalakhak naman si Ralph sabay sabing

"Walang talagang katamis tamis sa katawan yun. Aatras ang mga babaeng magkakagusto sa kanya."

Tumabingi ang ngiti ni Lucas sa narinig. Para kasing pinariringgan din siya ng anak niya. Lihim tuloy akong napatawa. Ganung ganun din naman kase siya noong una ko pa siyang nakita at nakilala. Yung unang araw na pumasok siya bilang guro namin, kinilig lahat ang kaklase ko pero nung umariba ang kasungitan ay nangilag na sila at umatras. Ako lang naman ang hindi natakot sa kasungitan niya.

…………

The Lion's Eye book-2 (Maxine&Lucas)-(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon