chapter 12

1.5K 41 0
                                    

Maxine's POV

Pagtapak pa lang namin ni Lucas sa inadjan forest ay agad Kong sinamyo ang malamig at malinis na simoy ng hangin. Kompara noong unang tumapak ako dito ay nandun ang pagkamangha at pagkaaliw sa paligid pero ngayon ay parang normal na lang sa akin ang lahat.

Natigilan ako ng makarinig ng malamyos na tinig nahumihimig sa paligid ng inadjan forest.

"Did you hear that?" Nakangiting tanong ni Lucas

"Yes, para akong inehehele at mapapatulog ng malamyos na himig niya" kumikislap ang matang tugon ko.

"Her voice is our path to smile or laugh when we are alone and lonely. Inang halea is our heart. Para sa aming lahat dito siya ang nagsilbing puso namin dahil kung hindi dahil sa kanya nag kakagulo na siguro ang lahing bampira." Lucas said solemnly

"Ang sabi ni Alex ay siya lang ang nakakaalam sa mukha ng aking ina. May nakaraan ba ang aking Ina at si Alex?" Tanong ko

Umiling si Lucas at inayos ang mahabang buhok niya.

"Your mother love's only one man in his life. And that is your father at tinanggap ni Alex ng buong puso ang pag reject ni inang halea sa feelings niya. And so, When she died, Inang halea knows at that moment that Alex can still stand on his feet even if she's gone. At tulad ng sinabi mo si Alex lang ang hinayaan niyang makakita sa mukha niya. The truth about why your mother wants to hide Havilland is because she already sensed the possibility of a real damage because of hatred and greedy na darating sa paglipas ng panahon." Tugon niya

"Hindi ko na kukwestyunin ang pagsakpripisyo niya ng buhay niya para sa lahi niyo dahil naiintindihan ko siya. Alam siguro niya na dito rin ang lugar na titirhan ng nag iisang anak niya" wika ko "pero matanong ko lang bakit kahit matagal ng namayapa ang aking ina ay Hindi pa rin nagmamahal ng iba si Alex?" Curious na tanong ko.

"Ang bampira ay wagas kung mag mahal wifey. Iisang tao lang ang ititibok nito" tugon niya at itinuro pa ang puso niya.

"Kung ganun kahit lumipas ang sampung dekada o higit pa Hindi nagbabago yun" manghang bulalas ko

Tumango siya at iginala ang mata sa paligid.

"Madilim na Maxine. Tara na. " wika ni Lucas.

°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°

Pagpasok pa lang namin ng dead tower ay sumalubong si Lucio na ama ng asawa ko.

"Inaasahan na namin ang pagdating ninyo" maligayang bungad niya

Sabay kaming yumukod ni Lucas, itinapat niya ang kamay niya sa ulunan namin ni Lucas bilang pagtanggap sa pagbati namin, Umayos na kami ng tayo.

"Inayos na namin ang silid niyong mag asawa, kailan ba ako magkakaroon ng ako?" Walang seremonyang tanong ni Lucio

Alanganin akong napangiti sa tanong niya. Wala pa sa usapan namin ni Lucas ang magkaroon ng anak.

"Hindi pa namin napag usapan yan ama. May mas mahalagang bagay pa kaming dapat kaharapin ngayon" sagot ni Lucas saka ako nakahinga ng maluwag. Ang bata ko pa para magkaroon ng anak.

"Hindi na ako bumabata Lucas. Halos ilang siglo na rin ang edad ko. Dapat nga ay mga mga ako na ako sa edad Kong to" sabi ni Lucio.

Naiilang na ngumiti ako ng tumingin si Lucio sa akin.

"Hindi naman po halatang gurang na kayo" Biro ko

Tumawa si Lucio at hinawakan ako sa balikat.

"Maligayang pagbabalik dito sa Havilland galadrim" sabi niya

"Salamat po" kiming wika ko

"Aakyat na po kami sa silid namin ama. Bukas po ay may importanting bagay akong ipagagawa kay Maxine" paalam ni Lucas

Tumango lang si Lucio at Hindi nagsalita kaya umakyat na kami ni Lucas sa taas. Kung siguro noong normal pa akong tao ay mayamang nalula ako sa taas ng hagdan na aakyatin ko. Pero ngayon ay Hindi na ako nahihirapang umakyat dahil sa lakas at bilis kong kumilos ngayon.

Pahinamad na humiga ako sa kama ng makarating kami dito sa silid. Agad namang inalis ni Lucas ang cloak na suot niya at inilagay sa sabitan nun.

"Nakakarelax ang lamig ng paligid" aniya

Umayos ako sa pagkakahiga "ano bang pagsasanay ang gagawin ko bukas?" Tanong ko

"Bukas mo na isipin yan. Mag pahinga ka na lang. Pupuntahan ko lang si Alex" sabi niya at naglakad palapit sa may pinto

"What? Iiwan mo ako ditong mag isa?" Napabangon ako bigla

"Mag pahinga ka na Maxine. Dahil sasabak tayo sa geyira bukas" pabirong turan niya bago lumabas ng silid.

Tignan mo ang lalaking yun, kaya ayaw kong bumalik kami dito dahil iba nanaman ang aatupagin niya at iiwan nanaman ako dito ng mag isa.

Ang sarap niyang sungalngalin sa lalamunan!!!!!

………………

The Lion's Eye book-2 (Maxine&Lucas)-(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon