Maxine's POV
Napangiti ako ng magmulat ako ng mata. Last night was a pure blast, I can't help but to love him more. Sa lahat kase ng galaw niya ay ramdam ko ang ingat at pagmamahal niya sa akin.
Lumabas ako ng basement at pumunta ako sa dati Kong kwarto. Dito ako naligo at nagpalit ng damit ko. Pagbaba ko ay naabutan ko si Lucas at Diego na pawang nakangiti.
"Anong okasyon at ganyan kayo makangiti? Did I miss some important thing here?" Nawewerduhang tanong ko
"Surprise!" Bulalas na tinig.
"Moira!" Nanlalaki ang matang nilingon ko ang nagsalita.
Nakatayo siya sa bukana ng sala at may hawak na kopita. Sumisimsim siya doon ng dugo.
"You're awake! How did this happen?" Masayang bulalas ko
"Pinakain ko siya ng laman loob ng tao!" Biro ni Diego. Kaya pala pansin kong buhay na buhay ang ngiti at ningning ng mata ni Diego dahil gising na pala ang mate niya.
Ibinigay sa akin ni Moira ang kopita na agad ko namang inabot. Parang uhaw na uhaw at gutom na gutom na sinaid ko ang laman nun.
"Hindi ka ba nakakaramdam ng pandidiri pag kumakain ka ng dugo?" Amused na tanong ni Moira.
"Noong una oo. Pero nasanay naman na ako. Kung hindi ako kakain malang lumuwa na ang mata ko sa gutom" natatawang Biro ko. Natawa na rin si Moira at niyakap ako ng mahigpit.
"Welcome to our family. Isa ka na talagang parte ng pamilya namin." Masuyong bigkas niya
"And I'm happy na nasali ako sa pamilya niyo" ganti ko
Moira smiled
"Hubby. I have to tell you something." Sumeryoso ako at tinignan silang tatlo. Natahimik naman sila at naghintay kung ano man ang sasabihin ko.
"Its about yesterday. Nung nahawakan ko ang kamay ni Berlin. I saw something disastrous. A bunch of leopards, they are here. Pababagsakin nila ang mundong to. They want to rule this world" seryosong bigkas ko.
Napatuwid ng upo si Lucas at napatitig sa mukha ko.
"You can see everything. Nung nasa mahimbing akong pagkakatulog nagpakita si inang halea sa akin. The lion's eye had been already born. Tinanong ko siya kung sino but she didn't answer. Ngayon ay alam ko na kung sino. Ikaw yun Maxine, ang mata ng lion na tinutukoy niya" bigkas ni Moira
"So siya ang babaeng nakita ko sa pangitain ko na…" huminto si Diego at tumikhim
"What?" Tanong ni Lucas.
"She'll going to burn this world" sagot ni Diego.
Napipilan ako sa sinabi ni Diego. Bakit ko susunugin ang mundong to eh mahal na mahal ko ito.
"And what are you trying imply!" Napatayo si Lucas and glared at Diego.
Kalma lang si Diego at hindi ginatungan ang galit sa mukha ng asawa ko..
"Wala Lucas. Yun ang pangitain ko. Alam mong biglang naging limitado na ang kakayahan ko kaya pangitain lang." Mahinahong wika ni Diego
"Kasalanan mo rin naman yan kung bakit ganyan." Si Lucas
"Please hwag kayong mag debate tungkol diyan. May dapat tayong pagtuunan ng pansin ngayon" awat ni Moira sa dalawa.
"Mata ng lion? Ako? Bakit?" Naguguluhang tanong ko
"Ang mata ng lion ang may pinaka matalas na paningin sa lahat. Wala ka bang napapansin na kakaiba sa sarili mo? Kahit malayo o hindi mo nakikita ang isang tao ay biglang nakikita mo sa balintataw mo na may parating?" Tanong ni Moira sa akin.
Bigla kong naalala ang nangyari noon sa Havilland. Nung makita ko ang pagdating ng grupo nina Isidoro.
"Nangyari na sa akin minsan ang sinasabi mo Moira. Nung nasa Havilland tayo at lumusob ang grupo ni Isidoro" mabilis na tugon ko
"Kung ganun si Maxine ang mata ng mga bampira" Lucas stated
"Yes," tipid na sagot ni Moira
"Kung ako ang mata ng mga bampira. How could I burn this world? Hindi ko magagawa yon" nalilitong bigkas ko
"Hindi mangyayari yon at mapipigilan ang bagay na yan kung papayag kang mag sanay" wika ni Diego
"Kung para sa kabutihan ay papayag ako. Bakit naman Hindi" sagot ko
"Are you willing to go back in Havilland?" Hamon ni Diego
Parang nabahag ang buntot ko sa tinuran ni Diego. Alam nilang ayaw Kong tumira sa Havilland. Dahil pag nandun ako ay hindi maitatago kung ano talaga ang meron sa amin. Na Hindi ako Normal na tao katulad noon..
"Just as I thought. Then you won't save this world ikaw pa ang sisira sa mundong iniiangatan mo" may katotohananang sabi ni Diego.
"Hindi ka namin pipilitin kong ayaw mo Maxine. Gusto ka lang namin tulungan" sabi ni Moira.
Nang tumingin ako kay Lucas ay tahimik lang siya at nakatingin lang din siya sa akin. Alam kong hinihintay lang niya kung ano ang magiging disisyon ko.
Gusto ko bang bumalik sa Havilland?? Para sa iniingatan kong mundong to???
………………
BINABASA MO ANG
The Lion's Eye book-2 (Maxine&Lucas)-(Completed)
VampirePrologue Pinili ni Maxine na manirahan sila ni Lucas sa mundo ng mga tao. Doon ay mabubuhay silang isang normal at ordinaryong tao. Sa paglipas ng panahon ay marami na ang nagbabago sa kalakaran ng mundo. Meron ding biglang sumulpot na ibang nilalan...