chapter 3

1.8K 52 0
                                    

Maxine's POV

Napasulyap ako kay Lucas na abala sa pagcompute ng grades naming mga styudante niya. Seryoso siya at blangko ang mukhang. Tumitipa siya sa laptop na nasa harap niya.

"You are really in love with me baby. You can't take away your eyes with me" Hindi nakatinging saad niya. Tumaas ang kilay ko at bahagyang bumungisngis.

"Kailan kita tinignan?" Sumeryoso ang mukha ko at ginawang inosente ang mukha ko. Huminto siya sa ginagawa at pinasadahan ako ng tingin.

"I can feel it honey! Kahit hindi ako nakatingin sa iyo. Nararamdaman ko ang tingin mo sa likod ko. Why baby? Am I really handsome? Hindi mo kase maalis ang tingin mo saakin" sumasayaw sa kasiyahan at kapilyuhan ang mukha niya habang sinasabi yun.

"Ang yabang mo Lucas. Bakit ba ako na in love sa isang katulad mong conceited" pairap na saad ko

Mataginting siyang tumawa at tuluyang sinara ang laptop at na sa akin na ang full atensyon niya.

"Hey I'm not conceited, I'm just stating the fact. Una pa lang ay may gusto ka na sa akin" may halong katotohanan na saad niyo.

Pinagmasdan ko ang nakangiting mukha niya. Sa unang araw na nakilala ko siya ay marami na ang nagbago sa kanya. Hindi na siya laging nakasimangot at parang pasan ang mundo. Paminsan minsan din na ngumingiti ito sa harap ng klase. At naiinis ako dun, bakit naman hindi? Dahil sa ngiti niya ay may dahilan na ang mga kaklase ko na mag- swoon sa kanya. Eh nung minsan ngang ngumiti siya ay parang naging puso ang mata ng mga kaklase ko.

"Nahulog nanaman ang puso mo saakin. Ang gwapo ko talaga" boses niya ang nagpabalik ng kamalayan ko. Iningusan ko siya

"Ang kapal mo. Grabe tatangayin na yata ako ng hangin"

"Hindi ba totoo ang sinasabi ko. Or baka naman kaya ka nakatingin saakin ng ganyan dahil gusto mong tabi tayong matulog and you know" kumikislap ang mata niya habang sinasabi yon.

Nanlaki ang mata ko sa implikasyon ng sinasabi niya. Kung siguro normal ako katulad noon ay baka pulang pula na ang pisngi ko at pati anit ko.

"Gross" di ko napigilang sambit

Humalakhak ito na parang siyang siya sa kalokohang iniisip at sinasabi nito.

"What? Wala ba akong karapatsn na gawin—"

Tumili ako at tinakpan ang taynga ko para hindi marinig ang sinasabi niya. Goodness gracious! Ano nanaman tong bampira na to. Kung anu ano ang lumalabas sa bibig niya. Nang sa wakas ay wala akong marinig na boses niya ay sumulyap ako sa kanya. Amusement is evident in his eyes, naalarma ako ng tumayo siya at dahan dahang lumapit saakin.

"A—ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" Mabilis ang pagtambol ng dibdib ko ng makita ang desire at passion na baka ukit sa mukha niya. Napasandal ako sa sandalan ng couch ng itukod niya ang mga kamay sa mag kabilang gilid ko. Ngayon ay nakakulong na ako sa pagitan ng upuan at ng katawan niya.

Nahigit ko ang hininga ko ng ilapit niya ang mukha sa may bandang taynga ko, tumayo yata lahat ng blahibo ko sa katawan pati ang kilay ko ng tumama ang malamig na hininga niya sa mukha at leeg ko.

Hindi ko napigilang umungol ng marahang kagatin niya ang punong taynga ko. Parang sinilaban ang buong pagkatao ko sa pagkakalapit namin. Parang gusto kong hilahin siya at halikan sa labi. Napahingal ako ng bumaba ang labi niya at pumunta sa likod ng taynga ko. Parang may mga paru parong nagliparan sa sikmura ko sa ginagawa niya. Napapikit pa ako ng sipsipin niya ang leeg ko. Nang sa tingin niya ay naakit na ako sa ginagawa niya ay saka naman siya biglang lumayo saakin at puno ng kapilyuhan ang mukhang bumalik siya sa pwesto niya kanina. Napamulat ako ng mata, malakas pa rin ang pagsasal ng dibdib ko ng tumingin ako sa kanya.

Was he trying to seduce me??

Naningkit ang mata ko at dinaluhong ko siya. Malakas ang pakiramdam nito kaya mabilis na umiwas ito at nasa sulok agad ng sala. Lalong nalukot ang mukha ko ng makita ang nang iinis na ngiti niya.

"Ikaw?" Naggiyagis ang ngipin ko at hinablot ang isang libro sa mesa niya at malakas na ibinato ko iyon sa kanya. Walang kahirap hirap na sinalo nito ang libro at ipinatong sa fill in cabinet na nasa tabi nito.

Tinaas pa niya ang balikat at binigyan ako ng tingin na kung iyon lang daw ang kaya ko. Ngumisi ako at pumitik sa ere na agad naman lumabas ang apoy sa daliri ko.

"Nah ah! Not that! Susunugin mo ang buong subdivision kung iyan ang gagamitin mo" agad na pigil niya sa akin.

Agad kong pinatay ang apoy sa kamay ko. Ngumiti naman siya at humalukipkip, lalo tuloy humakab ang suot niyang T-shirt sa maskuladong katawan niya at kitang kita ko ang matitigas na kalamnan at muscles niya kahit natatakpan ng damit niya.

"Stop looking at me like that" sita niya sa akin. Naguguluhang sinalubong ko ang tingin niya. Nandun nanaman sa mata niya ang kakaibang init na nakita ko sa kanya kanina. Mabilis akong nag iwas ng tingin, tumikhim ako at naglakad paakyat sa hagdan.

"Matutulog na ako" sabi ko para iwasan ang namumuong maka mundong bagay sa katawan naming dalawa.

"Yeah!" Paos ang boses na narinig Kong sambit niya. Hindi ko siya nilingon dahil ayaw kung mag tama uli ang mata namin at kung saan pa mauwi ang tinignan namin.

…………

The Lion's Eye book-2 (Maxine&Lucas)-(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon