Maxine's POV
Aburidong pumasok ako sa loob ng bahay at pilit kinakalma ang sariling hwag sipain ang couch sa harap ko. Gusto kong magsisigaw sa galit, ang kaibigan ko pa talaga ang pinili ng mapanghing pusa na yun ang kidnapin. Mapapatay ko talaga sila pag may nangyaring masama kay lance.
"Wifey, you already knew" wika ni Lucas na bumaba ng hagdan.
"Mga bwisit sila, hwag na hwag lang nilang masasaktan ang kaibigan ko dahil susunugin ko talaga sila ng buhay" nanggigigil at galit na galit na bigkas ko. Nanginginig na rin lahat ng kalamnan ko at Hindi ko alam kung paano kakalmahin ang sarili ko.
Lumapit si Lucas sa akin at hinila payakap.
"Calm yourself wifey. Nag-usap usap na kaming lahat kanina. Ang direction mo na lang ang kailangan" wika niya
"Hwag mong sabihin isasama natin ang dalawang bata!" Mabilis na bulalas ko
"Why not?"
"No!!!!" Matigas na tutol ko at sinamaan siya ng tingin.
"Kailangan natin ang kakayahan ng dalawa Maxine. Lalo na so Ralph" giit ni Lucas
"Absolutely not!!! Don't you dare Lucas. Hindi ko gusto ang plano mong yan, at bakit pa kailangan natin ang dalawang bata kung nandito naman ako" mariing turan ko
"Maxine-"
"Stop it Lucas, kung wala kang maramdamang pagmamahal sa kambal ako meron. Paano no nagawang pumayag na isasama natin ang dalawang bata." Singhal ko
"Yun ba ang akala mo na wala akong pagmamahal sa dalawang bata?? Ganun ba kababa ang tingin mo sa akin?" Puno ng pait na wika ni Lucas at umatras.
Parang nilamutak ang puso ko ng makita ang sakit sa mukha niya. Sinubukan kong lumapit sa kanya pero itinaas niya ang kamay at humakbang paatras.
"Mahal na mahal ko ang dalawang bata maxine. Hindi ibig sabihin na dhil gusto ko silang isama ay wala na silang halaga sa akin. Paano mo naisip yan? They are my son. Sige hwag na nating isama ang dalawang bata." Pagsuko nito bago mabilis na lumabas ng bahay.
"Lucas!" Malakas na tawag ko dito at sinundan pero wala na ito sa labas. Hinanap ng mata ko kung nasaan siya pero nanibago ako ng hindi ko makita si Lucas.
Anong nangyayari? Bakit pag si Lucas hindi ko siya makita. Pero pag iba madali ko lang silang makita? Saan ba nagpunta ang lalaking yun?
"Hindi kita masisisi kong ayaw mo talagang isama ang dalawang bata Maxine. Gusto mo lang silang protektahan. Mahal ng asawa mo ang anak ninyo, at may dahilan kung bakit gusto naming sumama ang dalawa" narinig kong wika ni moira na lumabas ng bahay at tumabi sa akin.
"Ang dalawang bata lang ang magliligtas sa asawa mo sa kapahamakan" dugtong pa niya
"Anong sinasabi mo?" Nalilitong bigkas ko
"Maxine, sa pangitain ko..." tumigil si Diego at mariing pumikit.
"Ano??" Di makahintay na bigkas ko
"Lucas will die" mahinang bigkas ni Diego
Nanlamig ang buong katawan ko sa narinig at napakapit ng mahigpit sa barandelyas ng porch. Maang din akong napalingon kay Diego.
"hindi mo magawang mahanap ang asawa mo gamit ang kakayahan mo Maxine, tanging ang kakayahan lamang ni Ralph na maramdaman ang nangyayari sa paligid niya ang magliligtas kay Lucas. Kahit hindi niya nakikita ang ama niya mararamdaman niya kung nasa panganib siya" wika ni Moira.
"Naguguluhan ako bakit hindi ko makita si Lucas, asawa ko siya." Frustrated na tanong niya
"Hindi namin alam siguro dahil may dugo siyang nananalaytay sa ugat mo or ewan ko Maxine. Wala akong makita sa propesiya ni inang halea" mahinang usal ni moira
"Pero hindi ba dapat makita ko siya kung may dugo siya sa katawan ko" naaasar na turan ko
Bumuntong hininga ang dalawa.
"Ikaw ang pumili Maxine, kung isasama natin ang dalawang bata o hayaan mong mamatay ang asawa mo." Bigkas ni moira bago nila ako iniwan.
Napahilamos ako sa mukha gamit ang mga kamay ko. Ayaw kong mapahamak ang dalawang bata pero si Lucas naman ang manganganib, and worst ang buhay niya ang nasa piligro. Hindi ko alam pero napaiyak ako dahil sa inis. Bakit ba palagi nalang na kailangan kong mamili sa lahat ng bagay. Hindi ba pwedeng-, humikbi ako.
"Lucas!!" Bulong ko, gusto ko siyang makausap. Nakalimutan kong kaya niya nga pala akong kausapin sa utak ko. "Talk to me please!!!" Pagsamo ko.
Pero lalo akong nafrustrate ng hindi man lang siya sumagot. "Lucas!!" Ulit kong tawag sa kanya
"Ayaw naman talaga ni papa na sumama kami, pero sinabi ni tito Diego ang tungkol sa pangitain niya. Giniit pa nga ni papa na kahit buhay niya ang kapalit hwag lang kaming malagay sa alanganin. Hindi naman yata namin mapapayagan na mamatay si papa. Kami ang may disisyon na sumama hindi siya." Turan ni Rolph. Yumakap siya sa akin
"Hindi mo naman kailangang pumili mama. Nangako naman sina Tito randy at tita Berlin na poprotektahan niya kaming dalawa." Wika ni Ralph.
Humilig ako sa balikat ni Rolph, "Ralph, nararamdman mo ba ang papa mo?" Tanong ko kay Ralph
Natahimik ito bago napaungol ng malakas na parang may kakaibang nangyayari na nararamdman niya
"What's wrong?" Agad na tanong nina Moira na biglang lumabas
"Sumugod si papa ng mag-isa sa hide out nina mitos" puno ng pag-aalalang sagot nito
"Shit!!! Let's get going. Quickly!!" Prantikong saad ni Diego.
Pakiramdam ko ay may malaking batong dumagan sa dibdib ko.
"What did I do" naiiyak na saad ko bago kami mabilis na lumabas ng bahay para sundan si Lucas.
............
BINABASA MO ANG
The Lion's Eye book-2 (Maxine&Lucas)-(Completed)
VampirPrologue Pinili ni Maxine na manirahan sila ni Lucas sa mundo ng mga tao. Doon ay mabubuhay silang isang normal at ordinaryong tao. Sa paglipas ng panahon ay marami na ang nagbabago sa kalakaran ng mundo. Meron ding biglang sumulpot na ibang nilalan...