chapter 14

1.4K 43 0
                                    

Lucas's POV

Nandito kami sa kwarto ni Alex na matamang nakatingin sa aming dalawa ni Maxine na takang taka na rin.

"I won't you to see something" Simula ko

"Napaka importante ko talaga sayo hír Lucas at ikaw pa ang dumayo sa kwarto ko" Biro ni Alex.

Nangingiting napailing ako.

"Seryoso ang ipapakita ko sayo. Maxine" tawag ko kay Maxine na walang kamalay malay kung ano ang nangyayari sa paligid niya ngayon.

Napaubo si Alex ng makita si Maxine na halatang kinakabahan at naiilang. Dumilim kase ang mata ni Alex sa pagkakatingin sa kanya.

"Ano ba kase ang nangyayari?" Alanganing tanong ni Maxine at lumapit sa akin.

"May gusto lang akong kompirmahin" tugon ko

"Ano yun?" Clueless pa ring ingit niya.

"Hwag kang magalit ha. Don't worry walang halong malisya kung hahawakan niya ang puson mo" bigkas ko

"Eh…" pinag lipat lipat niya ang tingin niya sa aming dalawa.

"Sige na Alex" pang uudyok ko kay Alex.

Lumapit naman siya kay Maxine na halatang naguguluhan sa nangyayari. Inilapat niya ang kamay sa puson ni maxine na mukhang naiilang. Napahinga ako ng malalim ng makita kong natigilan si Alex bago nakangising nilingon ako.

Lumayo siya kay Maxine na hindi pa rin nawawala ang pagkakangisi niya. Parang inaalaska ako dahil sa ekspresyon niya.

"Hindi ka nga nagkamali ng sapantaha hír Lucas. Masaya ako para sa niyong dalawa." wika niya at nginitian si Maxine na kiming gumanti ng ngiti.

"What's happening? Bakit ang saya saya mo na parang may nalaman kang dapat na icelebrte?" Untag ni Maxine sa akin. Hindi ko siya pinansin at binalingan ko si Alex

"Thank you Alex. Balik muna kami sa silid namin" paalam ko at hinila na si Maxine palabas ng kwarto.

"Congratulations" pahabol ni Alex nung lumabas kami ng kwarto. Iwinagayway ko lang ang kamay ko patalikod bago isinara ang pinto.

Sa isang kurap lang ay nasa silid na kami at nakatingin sa isat isa.

"Tell me Lucas, your killing me in surprise" nawawalan ng pasensyang bigkas ni Maxine. Nang Hindi ako nagsalita

"You're pregnant" mahinang amin ko sa nalaman ko kaninang sinabi niyang may pumipintig sa puson niya.

Namilog ang bibig niya at nanlaki din ang mata niya sa gulat. Napahawak din siya sa tiyan niya at maang na tumitig sa mukha ko.

"I'm what?" Nangangatal na bigkas niya

"You heard me wifey. You're pregnant" ulit ko

"Stop fooling around would you?" Di makapaniwalang saad niya.

Nalaglag ang balikat ko sa reaksyon niya.

"Ayaw mo ba? " malungkot na tanong ko.

Sa gulat ko ay tumatawang naglambitin siya sa leeg ko at pumaikot ang dalawang binti niya sa baywang ko. Awtomatiko namang pumaikot ang dalawang braso ko sa baywang niya.

"Of coarse gusto ko. Ang magkaroon ng anak sa iyo ang isa sa hinahangad ko" humahagikgik na sambit niya

Natatawang humigpit ang pagkakapulopot ko sa baywang niya.

"So pwede na bang hindi natin ituloy ang pag ensayo ko?" Malambing na sambit niya.

Ibinaba ko naman siya at umupo siya ng kama.

"Silly! Itutuloy pa rin natin ang pag ensayo mo wifey" masuyong pinisil ko ang tungki ng ilong niya

"Pero buntis ako" gagad niya

"Believe me wifey, weeks from now naisilang mo na ang sanggol na yan. And kahit mag ensayo ka hindi siya masasaktan. Pagbutihin mo ang pag ensayo dahil may anak na tayong kailangan nating protektahan" halos lumabas na sa rib cage ko ang kaligayang nararamdaman ko sa oras to.

Ni Hindi namin pinag usapan at pinlano na magkaroon ng anak pero ito at bigla na lang namin nalalaman na buntis na itong asawa ko.

"Eh paano ang pag aaral ko? Paano tayo makakabalik sa mundo namin kung ito at buntis ako?" Hirit niya

"Wifey, nakikinig ka ba sa sinabi ko kanina. Weeks from now ay magsisilang ka na ng sanggol" ulit ko sa sinabi ko kanina

"Agad agad?" Namimilog ang bibig na bulalas niya.

"Hmm—hmm!!! Magugulat ka na lang binata na agad ang anak natin" natatawang wika ko

"Inaasar mo ba ako?" She hissed

"Hindi ah, nagsasabi ako ng totoo. Ako nga ilang araw lang parang edad kinse na ako pero nung edad 18 na ako. Tumigil na ang pagtanda ko so frankly speaking ganito na ako mula 18 gang ngayon." Mabilis na sambot ko sa sinasabi niya

"Eh ilang ilang taon ka na ba?" Tanong niya sa akin

"Hindi ka maniniwala kung sasabihin ko sa iyo" tugon ko

Iningusan niya ako "syempre maniniwala ako"

"103 I guess?" Patanong na sagot ko

Napasinghap siya at napatutop sa bibig

"Ganun ka na katanda? Gurang ka na pala talaga" sumimangot ako sa tinuran niya.

"Mukha ba akong gurang sayo. eh ito nga at nahulog ka sa karisma ko" mayabang na wika ko at iniliyad pa ang dibdib ko

She rolled her eyeballs and touch her tummy.

"Naku anak kung lalaki ka hwag mong tularan ang ama mong mahangin na to ha" kausap niya sa anak namin.

Seeing this scenario makes my heart flows with love. Nakakatunaw ng galit at nagpapasaya naman ng puso.

………………

The Lion's Eye book-2 (Maxine&Lucas)-(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon