Lucas's POV
Pagkatapos ng engkwentro namin ni Maxine kanina ay dumeretso na ako dito sa hide out nina mitos. Nandito ako sa may kalayuan at nagmamasid sa mga lalaking nakatayo sa may pinto at parang gwardia sibil ang ayos.
Hindi ko pinapansin ang boses ni Maxine na tumatawag sa pangalan ko. Sa totoo lang hindi naman ako galit. Nagtatampo lang dahil nga sa sinabi niyang hindi ko mahal ang mga anak ko. Nang marinig ko uli ang boses niya ay bumuntong hininga ako. Wala na akong balak umatras pa, total nandito naman na ako sa hide out nina mitos.
Ipinilig ko ang ulo ko at pilit na kinakausap si Lance sa isipan niya. Ilang saglit lang narinig ang malakas na ungol niya na parang nasasaktan.
Hindi na ako nagulat ng marinig ang boses ni yuni sa loob. Tumalon na ako sa kinapupwestuhan ko at derederetsong naglakad papasok sa nakabukas na kinakalawang na gate.
Napaangil tuloy ang dalawang lalaki na nasa may pintuan at nag anyong malaking pusa. Bang sumugod sila ay mabilis ang galaw na tumalon ako sa ere at hinaklit ang leeg ng isang leopard bago pinilipit iyon. Narinig ko pa ang malakas na paglamutok ng mga buto nito.
The other one growled loudly, ilang saglit na nga ay marami nang leopards ang nakapalibot sa akin. Umaangil sila saakin habang nanlilisik naman ang mata kong humahanda kung sabay sabay na silang aataki sa akin.
Nang sabay sabay nga silang sumugod ay mabilis na tumalon ako. Sila tuloy ang nagsalubong sa gitna at nagkagatan. Nakangising sumibat na ako papasok sa loob. Sinundan ko ang ungol ni lance na naririnig ko.
Sa isang nakasarang pinto ako napahinto. Nang may marinig akong mga yabag ay parang butiking kumapit ako sa kesami. Pumasok ang dalawa sa pinto
"Hír mitos, may nakapasok na bampira dito" imporma ng lalaki kay mitos
"Shit!!! Nandito si Lucas! I know his smell" Narinig kong mura ni yuni sa loob
"What???" Galit na sigaw ni mitos.
Tumalon na ako at pumasok sa loob habang nakatutok ang mata kela mitos at yuni na nakatayo doon. Nasa may maliit na kama si lance na may nakakabit ng kung anu-anong tubo sa katawan nito.
"Maligayang pagdating" nakabuka ang dalawang kamay at na kangising wika nito
Tinaas ko ang noo ko at sinalubong siya ng matalim na tingin.
"Pakawalan niyo na si lance!" Mariing utos ko
"At bakit namin gagawin yun eh siya ang nahanap namin na kakaiba ang dugo at malakas ang genes na magdadala ng dugo ng bampira at leopards" malagom ang boses na bigkas ni mitos. "Mabuti na nga at nandito ka dahil ikaw ang balak naming kuhanan ng dugo para sa ekspirimento ko.
Ngumisi ito at may pinindot na kung ano. Nanlaki ang mata ko ng may mga taling bakal na pumalibot sa paa, kamay at baywang ko. Gumalaw ako at pilit na hinihila ang mga bakal.
Lumapit si yuni saakin na may hawak na herngilya, pilit kong iniiwas ang mukha ko pero naitusok niya sa leeg ko ang injection at kumuha ng dugo ko.
" bakit yuni" nagawa ko pa ring itanong sa kanya.
"Hindi mo alam? Pinagloloko mo ba ako?" Nang uuyam na singhal niya sa mukha ko. Lumayo siya sa akin at ibinigay kay mitos ang kinuha niyang dugo sa akin.
"Dispatsahin mo na yan" utos ni mitos kay yuni. Nakita kong bahagyang natigilan ang babae bago napatingin sa akin.
"Ano pang tinatayo mo diyan?" Sita ni mitos kay yuni.
Umiling ako ng malamig na tumingin sa akin si yuni.
'Hindi mo magagawa to yuni' kausap ko sa sensitibong parte ng ulo niya.
'Akala mo ba hindi kita kayang saktan Lucas. Simula nung sinaktan mo ako at piliin mo si Maxine para sa akin ay nangangati na akong patayin ka.' Sigaw din ng utak nito
Hinablot nito ang isang malaking steel bar at malakas na ibinato yun saakin. Bumulwak agad ang dugo sa bibig ko ng tumama iyon sa mismong sikmura ko. Kahit nanghihina ay ginawa ko ang lahat para maalis ang mga bakal na nasa katawan ko. Nagtagumpay naman akong gawin yun pero napaluhod ako at hinugot ang steel bar na natusok sa sikmura ko.
Napaungol ako ng maalis yun at pilit na tumatayo. Nang mag-angat ako ng tingin ay nawala sa paningin ko. Ni hindi pa nga ako nakakabawi ng lakas ay may sumipa na sa akin kaya tumilapon ako at tumama ang katawan ko sa pader.
Wala pang isang Segundo ay may biglang sumakay sa may balikat ko at pilit na pinaghihiwalay ang ulo at katawan ko. Kahit hindi nakikita ay nagawa kong hawakan ang kamay ni yuni at hinila siya sabay hagis sa banda ni mitos.
"Bullshit!!" Malakas na mura nito. Hindi nakaligtas sa mata ko ng tuluyang itusok nito ang injection sa may leeg ni lance na parang kinokombulsyon.
Napatukod ang kamay ko sa sahig ng maramdaman ko uli ang bakal na tumusok sa tagiliran ko. Nang magmulat ako ng mata ay nakatayo na sa harap ko si yuni at may tagumpay na ngiti sa labi.
"Kung hindi kita magiging akin. Hindi ko mapapayagang angkinin ka rin ni Maxine" nanlilisik ang matang bigkas nito.
Saglit itong huminto ng malakas nang humalakhak si mitos na parang nagtagumpay sa ekspirimento nito. Bumaling uli si yuni sa akin at itinaas ang hawak na espada. Nang akmang puputulan niya ako sa ulo ay may humagis na apoy sa katawan nito kaya nagsisigaw itong napalayo sa akin at nabitawan ang hawak na espada.
Napaubo ako ng may bumulwak uling dugo sa bibig ko. Nakita ko pang patakbong lumapit sa akin si Maxine bago ako tuluyang inagaw ng kadiliman.
…………
BINABASA MO ANG
The Lion's Eye book-2 (Maxine&Lucas)-(Completed)
VampirePrologue Pinili ni Maxine na manirahan sila ni Lucas sa mundo ng mga tao. Doon ay mabubuhay silang isang normal at ordinaryong tao. Sa paglipas ng panahon ay marami na ang nagbabago sa kalakaran ng mundo. Meron ding biglang sumulpot na ibang nilalan...