chapter 25

1.6K 39 0
                                    

Maxine's POV

Pagdating namin ng hide out nina mitos ay nagkakagulo na at waring hinihintay talaga ang pagdating namin. Malakas ang pagkabog ng dibdib ko habang nakikipag bakbakan sa mga leopards.

Kasama ko ang kambal ay parang may pakpak ang paa na umakyat kami sa taas. Iniwan na namin doon sina moira at sila na ang bahala sa labas.

Pagkarating namin sa isang kwarto kung saan naririnig namin ang matagumpay na tawa ay naabutan namin sina mitos na tinitignan ang parang kinokombulsyon na si lance.

"Mama, si papa" bulalas ng kambal kaya agad na hinanap ng mata ko si Lucas. Napadinghap ako nang makitang iniumang ni yuni ang hawak na espada sa may leeg ni Lucas na sumusuka ng dugo.

"I won't let you kill my husband" wika ko at nagpakawala ng apoy na tumama kay yuni. Nabitawan nito ang hawak na espada habang nagsisigaw bago naging abo.

Mabilis akong tumakbo at dinaluhan siya pero nalugmok na si Lucas sa sahig na nawalan ng malay.

Agad akong napalingon sa gawi ng mga anak ko na nakikipagpambuno kay mitos. Nang makita kong humagis si Rolph sa isang sulok. Nabitawan ko tuloy si Lucas at kinuha ang espada na nabitawan ni yuni kanina. sinugod ki si mitos na sakal sakal ni Ralph. Tinabig ni mitos si Ralph na agad humagis sa ere. Nag ibang anyo si mitos at naging malaking pusa.

Napa angil ako ng malakas, nang tumalon si mitos at sinalubong ko siya sa ere. Nang tumapak ang paa ko sa sahig ay hawak ko ang sanadata na may tumutulong dugo. Nang lingunin ko si mitos ay nakahiwalay na ang ulo nito sa katawa.

Hindi ako nakahuma ng may dumaluhong sa akin at humagis ako sa ere. Pero nakuha ko pa ring lumuhod sa sahig.

I hissed and lift up my head just to meet lance gaze.

"Lance" bulong ko ng makitang ito ang sumipa pala sa akin.

Nanlilisik ang itim na itim na mata nito habang nakatingin sa akin.

"Lance it's me" saad ko at baka marecognize niya ako. Pero parang wala sa sarili ang kaibigan niya dahil dinaluhong siya nito.

Bago pa man ito makalapit sa kanya ay sabay na sinugod ng kambal si lance na walang kahirap hirap na sinipa ang dalawa at humagis sa ere.

Nilingon ako ni lance, bumagsak ang luha ko sa mata ng maisip na hindi na ako kilala ng kaibigan ko. Labag sa loob na nagpakawala ako ng apoy at pinatamaan ito pero hindi man lang ito tinablan ng apoy.

Nagulat ako dahil doon "paanong??" Umungol ako ng mabilis niya akong dinaluhong at binigyan ng malakas na sipa kaya humagis ako at tumama ang katawan ko sa nakasalansan na bakal sa gilid. Napaigik ako ng tumama ang ulo ko sa isang bakal, umagos ang dugo sa sentido ko pero hindi ko pinansin yun.

Tumayo pa rin ako at kumuha ng malaking steel bar. Nang dinaluhong ulit ako ni lance ay bumwelo ako at inihampas sa katawan niya ang steel bar.

Umangil ito ng bumagsak ito sa sahig. Umsngat ako sa ere at gamit ang lakas ko ay nagpakawala nanaman ako ng mas malaking apoy na pinatama ko sa mismong dibdib ni lance. Humagis lang ito sa ere ngunit nakatayo pa rin ito.

Hinablot ni lance ang isang matulis na bakal at inihagis sa gawi ko. Hinanda ko ang sarili ko para iwasan iyon pero nanlamig ang buong katawan ko at parang namanhid ang kaluluwa ko ng iharang ni Lucas ang sarili at tumama iyon sa may sikmura ni Lucas.

"Papa!!" Magkapanabay na sigaw ng kambal at galit na dinaluhong nila si lance. Sa pagtakbo ni Rolph ay kinuha niya ang isang bakal bago tumalon sa ere at ibaon iyon sa mismong batok ni lance. Si Ralph naman ay ibinaon nito ang kamay sa may likuran ni lance sa bandang dibdib at pinisi ang puso ni lance.

"Maxine!!" Usal ni lance na siguro ay bumalik na sarili. Nalaglag ang luha ko.

"I'm sorry lance" lumuluhang bulong ko bago inihagis ang sandata na tumama uli sa leeg niya kaya naghiwalay ang ulo at katawan niya bago naging abo.

Mabilis na umapak ako sa sahig at dinaluhan sina Rolph at Ralph na nakaluhod sa magkabilang gilid ni Lucas na puro dugo ang katawan at sa bibig.

"L-lucas!!" Bulong ko at lumuhod sa may bandang ulo niya. Kinalong ko ang ulo niya at pilit ko siyang ginigising.

Sakto namang dumating sina Moira at Diego na may dugo na rin sa damit. Nakatulala ang dalawa habang nakatingin sa nakahigang si Lucas.

Lumapit si Diego at maingat na hinugot ang bakal sa katawan ni Lucas.

Umiiyak na napasubsob ako sa may leeg ni Lucas. Hindi umiyak ang dalawang bata pero nakita ko ang pait at sakit sa mukha nilang dalawa.

Humagolhol ako habang mahigpit na yakap yakap siya.

"He's not turning into ashes" bulalas ni moira.

Napaangat tuloy ako ng tingin at pinagmasdan ang maamong mukha ni Lucas. Nagkaroon ng pag-asa ang dibdib ko pero agad ding nawala yun ng unti-unti siyang nawawala sa kandungan ko.

Pakiramdam ko ay namanhid ang katawan ko at walang luhang lumabas sa mata ko. Nakaluhod lang ako at tulalang nakatingin sa kandungan ko.

"L-Lucas!!" Nangingig na bulong ko bago tuloy tuloy na namalisbis ang luha ko at umatungal ng iyak. Nagpakawala na rin ako ng malakas na sigaw.

"Hindi mo kami dapat iwan lucas" bulong ko. Niyakap ako ng dalawang anak ko.

Tahimik lang din sina Diego at moira na namumuo ang luha sa mata.

"Let's go" mahinang wika ni moira at bago kami lumabas ng gusali ay inilibot ko ang tingin sa paligid.

"Mahal na mahal kita Lucas" bulong ko

............

A/N:: ang tunay at wagas na pag-ibig ay hindi yan nasusukat kong kasama mo man siya o hindi. Dahil ang tunay na pag-ibig, lumipas man ang maraming taon ay Hindi siya nawawala sa puso mo at siya pa rin ang tinitibok ng nito.

The Lion's Eye book-2 (Maxine&Lucas)-(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon