Lucas POV
nakaupo ako dito sa gilid ng talon at pinapanood ang paghahabulan ng dalawang anak ko. nakakatunaw ng puso ang mga halakhak nila.
"Papa, pag lumaki ako gusto ko kasing ganda ni mama ang magiging asawa ko" wika ni Ralph
"Pero ako papa yung kasing ganda ni moira. Hindi ba pweding siya na lang ang ligawan ko?" Bibong tanong ni Rolph na nakaupo sa sanga ng isang malaking puno
"Ilang siglo ang tanda ni Moira sayo anak. Gusto mo pa rin siya" I said amusedly
Parang matandang tumawa si Ralph.
"Hindi kayo bagay ni moira Rolph. Magmumukha kang kwago pag nadikit ka sa kanya" pang aalaska ni Ralph sa kambal niya.
Natawa ako sa sinabi ni Ralph.
"Hoy! Magkamukha tayo kaya kung sa tingin mo ay mukha akong kwago. Ganun ka rin" lukot ang mukhang angil ni Rolph kay Ralph na nakangisi.
Pansin ko lang na mas maloko itong si Ralph kaysa kay Rolph na palaging nakasimangot at parang pasan ang mundo. Laging nakasimangot si Rolph kahit na nagkukwenyuhan kami ng nakakatawa.
Sabi nga ni Maxine na nagmana fmdaw siya sa akin na bipolar. Syempre agad kung tinutulan yun.
"Mas gwapo ako sayo. Kahit itanong mo pa kay papa" hamon ni Ralph sa kapatid
"Pareho kayong gwapo sa paningin namin ng mama niyo. Hwag kayong magtalo tungkol diyan" awat ko sa kanila ng makita kong nagdilim ang anyo ni Rolph at parang handang sakalin ang kapatid niya na nakangisi.
"No papa, mas gwapo ako kaysa kay Rolph. Hindi siya marunong ngumiti lalo pag kaharap si yuni" nakataas ang sulok ng labing turan ni Ralph.
"Hey! Hindi ko naman kailangang ngitian si yuni." Katwiran naman ng isa
"Stop it kids. Baka awayin ako ng mama niyo pag nalaman niyang nagbabangayan kayo pag ako ang kasama niyo" gagad ko sa dalawa.
Tinikom naman nila ang labi nilang dalawa.
"Eh papa takot po ba kayo Kay mama?" Tanong ni Rolph at tumalon sa lupa. Umupo siya sa tabi ko. Ganun din ang ginawa ni Ralph.
"No. Hindi ako natatakot sa mama niyo. Ayaw ko lang na galitin siya. Nagger ang mama niyo" Biro ko.
Nang tignan ko sila ay parehong binata na ang dalawa. Panigurado magugulat nanaman si Maxine pag nakita ang dalawa. Ang mga bampira at mabilis lumaki pero nananatili na kaming ganito kahit lumipas ang panahon.
"Wow! Binata na agad kami. Pwede na palang magkaroon kami ng kapatid" pilyong biro ni Ralph.
Humalakhak ako at tinapik siya sa balikat.
"Sabihin mo sa mama mo yan" sagot ko
"Ikaw na lang Rolph ang magsabi kay mama. Baka batukan niya ako" agad na pasa niya Kay Rolph na sumimangot.
Habang nakatingin ako sa dalawang anak ko ay walang mag iisip na anak ko sila. Ngayon kasing binata na sila ay parang magkaedad na lang kaming tatlo.
At ngayong malaki na sila ay lalo silang pinagbiyak na bunga. Sa mga normal na tao ay walang makaka-guess kung sino sa kanila ang Rolph at Ralph. Magkamukhang magkamukha kase ang dalawa kaya mahirap matukoy ang katauhan nila.
"Bakit ako? Ikaw ang nakaisip, di ikaw ang magsabi" masungit na bigkas ni Rolph
"Ayoko rin. Sabi ni papa nagger si mama" wika ni Ralph.
"At ano yang tinuturo mo sa mga anak mo?" Masungit na singit no Maxine. Napatayo tuloy ako ng wala sa oras. Madilim ang mukha niya habang nakamata saakin.
"Wala naman akong tinuturo sa kanila. Nag bibiruan lang kami" mabilis na saad ko.
"Totoo—" naputol and sasabihin niya ng mapatingin sa dalawang anak namin. "Ano ba yan! Ni Hindi ko nga na enjoy na ihele sila nung sanggol sila tapos ngayon binata na agad sila" maktol niya
Masuyong inakbayan ko naman siya para aluin.
"Wifey! Hindi naman problema eh. Kung gusto mo uling maihele ang isang sanggol. Di gawa tayo ulit" pabirong wika ko
Inalis niya ang braso kong nakaakbay sa kanya at naniningkit ang matang inirapan ako.
"Yun ba ang pinag uusapan ninyong mag aama?" Singhal niya sa aming tatlo.
"Hindi ako kasali ma, sina papa at Ralph lang ang nag uusap tungkol diyan" panlalaglag ni Rolph saamin.
"Kayong dalawa, umuwi na kayo mag uusap lang kami ng hukluban na to" taboy nito sa dalawa naming anak.
Mabilis namang umalis ang dalawa at naiwan kami dito.
"Hindi ko sila tinuturuan ng ganung bagay" agad na sambit ko
"Alam ko, pinauwi ko lang sila dahil gusto kitang masolo" nakangiti ng wika niya.
Ayon naman pala eh! Gusto lang niya akong masolo kaya nag gagalit galitan siya.
Natatawang hinila ko siya at niyakap ng mahigpit. Nang tumingala siya ay binigyan ko siya ng makapugtong hiningang halik.
…………
BINABASA MO ANG
The Lion's Eye book-2 (Maxine&Lucas)-(Completed)
VampirePrologue Pinili ni Maxine na manirahan sila ni Lucas sa mundo ng mga tao. Doon ay mabubuhay silang isang normal at ordinaryong tao. Sa paglipas ng panahon ay marami na ang nagbabago sa kalakaran ng mundo. Meron ding biglang sumulpot na ibang nilalan...