Maxine's POV
Ito ako at nagkukulong sa dati kong kwarto. Parang nilalapirot ang puso ko nung marinig ko ang nasasaktang sigaw ni Randy kaya lumabas na ako ng basement. Hindi ko pala kayang panoorin ang makita kung gaano siya nasasaktan.
Pakiramdam ko ay ako ang Nasasaktan. Ginulo ko ang buhok ko at bumuntong hininga. Kailangan ko na bang magdisisyon ngayon sa sinabi ni Diego na magsanay ako. Kahit tahimik si Lucas at hindi nagsasalita ay alam Kong yun din ang gusto niya.
Nang bumukas ang pinto at pumasok si Lucas na seryosong nakatingin sa akin ay alanganin akong napangiti. Gumanti naman siya ng tipid na ngiti at umupo sa gilid ng kama.
"What's the matter?" Tanong niya
"I'm just thinking if magsasanay ako para maiwasan na ang ganitong pangyayari" tinatamad na sagot ko
"Maxine, kung talagang gusto mong hwag masira ang mundong to. Piliin mo ang makakapag pabuti dito sa mundo mo. Lahat tayo ay may karapatang mabuhay ngayon sa gusto natin. Pag tuluyan ng sirain ng ibang lahi ang mundong to hindi na nila magagawa ang mga bagay na gusto nila. Hindi sila mabubuhay ng payapa. Palaging kaguluhan at pasakit ang mararanasan nila. Ang mabuhay sa mundong ibabaw ay isang magandang regalo ng mga nilalang sa mundong to. At kung masisira ito saan na ang regalong binigay niya saatin. Sa pangitain ni Diego ikaw ang susunog sa lahat. Mapapayagan mo bang ikaw ang sumira dito" seryosong saad niya.
Ngayon lang siya nagsalita pero tagos talaga sa puso ko.
"Pero bakit kailangan kasing sa Havilland?" Nakalabing tanong ko
"It's the only safe place na magsanay ka na kontrolin ang kakayahan mo. Dapat ay sa isang sekluded na lugar para wala kang masaktang iba. Tahimik doon at walang gagambala sayo. Hindi basta basta ang pagpapakawala mo ng apoy. Masyadong mapanganib kung dito ka magsanay" Sagot niya
Bumuntong hininga ako at ngumuso. Wala na ba talaga akong pagpipilian?
"Pero, Lucas pag bumalik tayo ng Havilland. Baka samantalahin naman ng mga leopards ang pag ataki dito. Tapos wala pa tayo dito na pipigil sa kanila" biglang saad ko ng maisip yun.
"Nandito sina Moira at Diego, at si Berlin at Randy"
"Pero wala sa kondisyon si Randy. Paano niya matutulungan sina Diego?" Giit ko
Napailing si Lucas at hinaplos ang ulo ko.
"Ang dami mong sinasabi wifey. Ayaw mo lang talaga na bumalik sa Havilland" bigkas niya.
Napatutop ako sa bibig para itago ang pag ngiti ko. Alam talaga niya ang dahilan ng mga tanong ko.
"I can read your mind" bigkas pa niya.
Napanguso ako. Bakit ko nga ba nakalimutan ang bagay na yun. Wala nga pala akong maitatago sa lalaking to.
"Hey dapat Hindi mo na ginagawa na basahin ang saloobin ko" maktol ko
"I can't help it. Kahit seryoso ang mukha mo ay alam Kong iba ang nasa isipan mo" aniya
"Pero unfair pa rin yun" paingos na turan ko
"Hey it's not my fault na kaya kong basahin ang nasa isip mo. Atsaka may advantage sa akin yun. Malalaman ko agad kung may lalaki ka?" Nakangising bigkas niya
"Wala akong lalaki at hindi ko balak mang lalaki" iritadong angil ko sa kanya.
Tumawa siya kaya lalong nag init ang ulo ko. How dare him! Pagbintangan ba naman akong nanglalalaki? Ang sarap sunugin ng bampirang to.
"Yan ang dahilan kung bakit ka namin gustong mag sanay" sumeryoso na ang mukha at boses niya.
"What?" Paangil pa rin na sita ko sa kanya.
"Hindi mo kayang kontrolin ang galit mo. At kung palaging ganyan more or less makakapanakit ka na talaga ng iba." Aniya
Napayuko ako at kinagat ang pang ibabang labi ko. Tama nga siya. Katahimikan ang bumalot sa aming dalawa ng oras na to. Nakatingin lang ako sa kanya at inaarok kung hindi na siya nagbibiro katulad kanina.
"Sige" sa wakas ay pagpayag ko. Bumukas ang relief sa mukha niya ng marinig ang sinabi ko.
"Sasamahan kita sa pagsasanay mo wifey, ako lang ang pweding lumapit sa iyo" nakangiti na pati ang mata niya.
Gumanti ako ng ngiti "salamat Lucas. Kung siguro wala ka ay hindi ko alam ang gagawin ko" madamdaming bigkas ko
Hinila niya ako at napasubsob ako sa dibdib niya. Basta talaga nasa tabi ko siya ay kontento na ako sa buhay ko. Mahigpit niya akong niyakap.
"im mel cin, nin mel" he whispered in my ears and gently kiss my temple.
"And I love you too my love" pabulong na ganti ko.
………………
BINABASA MO ANG
The Lion's Eye book-2 (Maxine&Lucas)-(Completed)
VampirePrologue Pinili ni Maxine na manirahan sila ni Lucas sa mundo ng mga tao. Doon ay mabubuhay silang isang normal at ordinaryong tao. Sa paglipas ng panahon ay marami na ang nagbabago sa kalakaran ng mundo. Meron ding biglang sumulpot na ibang nilalan...