Chapter 11
Sebastian POV
Agad na nagtungo si Sebastian sa library ng mga Ventura para mapag-isa. Galit na galit siya at parang gusto niyang magwala. Ang mga taong iyon! Sino ba sila sa akala nila! Siya lalayo kay Cassiopea! Nagpapatawa ba sila!
Sa sobrang galit hindi niya napigilang pagsusuntukin ang bookshelf sa harapan niya. Ano ba ang dapat niyang gawin para lang patunayan ang kanyang sarili! Buong buhay niya ginagawa na niya iyon! ANo pa ba! Ano pa! Darn it!
Hindi niya alam kung gaano niya katagal ginagawa iyon hindi rin niya alintana na nagdudugo na ang kamay niya basta galit na galit siya at gustong-gusto lang niya iyong ilabas sa kahit na anong paraan.
Ngunit biglang may dalawang kamay na pumigil sa kamay niya. Dahil sa pagkabigla malakas niyang nahawakan ang salarin sa magkabila nitong balikat at malakas na naisalya sa may bookshelf.
Para siyang binuhusan ng malamig na tubig ng marinig ang mahinang daing ni Cassie. Mabilis niya itong binitawan na para bang napaso siya. “I-I’m s-sorry.”
“Ano ba kasing ginagawa mo! Tuluyan na bang bumigay ang natitirang turnilyo dyan sa brain mo at pati nanahimik na bagay ay pinapatulan mo na rin!”
Wala siyang magawa kundi ang pagmasdan lamang ang nakasimangot nitong mukha.
“Are you okay? You’re acting really weird.”Ang nakakunot na tanong ni Cassie.
“Anong gagawin mo kapag may gustong-gusto kang isang bagay pero lahat ng tao against sa iyo?”He asked seriously.
Lalong lumalim ang pagkakakakunot sa noon g dalaga. “Bakit ba nagtatanong ka ngayong ng mga weird na bagay?”
“Just answer me, please…” He said desperately, wala siyang pakialam sa sasabihin ng lahat pero kung ito ang magsasalita pakikinggan niya iyon. Sa mga oras na iyon anuman ang magiging sagot nito ay siyang magdidikta ng mga susunod niyang gagawin.
Ilang saglit din siyang naghintay pero ng hindi ito magsalita ay malungkot siyang nagpakawala ng isang bungtong hininga. “Never mind.” Malungkot siyang tumalikod upang umalis. Ganito pala ang pakiramdam ng isang tao na naipatalo ang buong mundo niya. Napakasakit…parang naninikip ang diddib niya sa sakit!
Hindi pa siya nakakalayo ng bigla nitong hinila ng malakas ang kanyang kurbata mula sa kanyang likuran kaya naman agad siyang napatigil bago pa man siya nito masakal.
“ Talagang wala kang balak intayin ang sagot ko! Kailangan sagutin ko agad!Nagmamadali ka ba!”
Napakurap-kurap siya habang nakatingin sa naiinis na mukha nito.
“To hell with them I going to be happy.”Ang determinado nitong sabi.
“Ha?” He said stupidly.
“Ang sabi ko to hell with all of them I’m going to be happy at walang sinuman ang makakapigil noon!”
Ang bilis ng tibok ng puso ni Sebastian habang nakatingin sa seryoso at walang kangiti-ngiting mukha ni Cassie, para lang itong nagsasabi ng isang napakasimpleng bagay sa isang paslit .“Kahit na kalaban mo ang buong mundo?”
She look at him weirdly. “Pakialam ko sa buong mundo! Bakit kilala ko ba lahat ng tao sa mundo!” Sabi pa nitong tila sinasabi sa kanyang “Duh!”
“Per-”
“Alam mo Mr. Sebastian Lee masyadong marami ang tao sa mundo it could be billions of billions of billions and billions…who knows.”
He just looked at her blankly not really understanding her point.
“Ang ibig kong sabihin kung masyado mong iisipin ang sasabihin ng mga tao baka hindi ka na maging masaya dahil napakarami mong iisipin…at kapag nangyari yon baka tuluyan mo ng mapakawalan iyong dapat mo naman talagang ipinaglalaban in the first place.”
Isang malawak na ngiti ang napakawalan niya walang ideya si Cassie kung paano nito nabuo ang desisyon niya. Ang kaninang matinding lungkot na nararamdaman niya ay dagling napalitan ng saya kaya naman hindi niya napigilang yakapin ito ng napakahigpit.
“Hey!Ano ba…space, space and space you know!”
Tumawa lang siya ng malakas bago kumalas dito bago buong panggigil na pinisil ang pisngi nito gamit ang walang sugat na kamay. Hindi nito alam ang lahat but she is his savior sa paraang maging ito man ay hindi alam, pero baling araw malalaman din nito.
“Ano ba!” Mabilis nitong pinalis ang kamay niya na tinawanan lang niya bag nag-umpisa muling tumalikod paalis pero sa ikalawang pagkakataon muli na naman nitong hinigit ang kanyang kurbata.
“Kapag ipinagpatuloy mo iyan baka masakal mo na ako ng tuluyan Cassiopeia.” Aniyang nailing-iling.
Sa halip na sumagot ay inirapan lang siya nito bago buong ingat na hinawakan ang nasaktan niyang kamay.
Ramdam niya ang muling pagbilis ng tibok ng kanyang puso habang nakatingin sa mukha nito kung saan kitang-kita niya ang gentleness sa mga mata nito habang tinitingnan ang kamay niya.
“Sa susunod kung galit ka sumigaw ka na lang kaysa sinasaktan ang sarili mo.”
Napatango lamang siya habang pinapanood ito na abala sa pagbabalot ng kanyang nasaktang kamay sa panyo nito.
“Done!” Anitong tila proud na proud sa nagawa kahit pa nga hindi maayos ang pagkakabalot nito.
Nanpangiti lamang siya at bago pa niya napigilan ang sarili mabilis na niyang nailapit ang labi at nahalikan ito.
ITUTULOY…
****************************************
Please continue to read
Vote &
Comment
PLease......TNX
BINABASA MO ANG
Trouble Makers Section "The Devils in Disguise..."
RomanceThey are from the wealthiest clan in the country and for everyone they are nothing but spoiled rich kids who knows nothing about the real world. Wherever they are troubles sure will follows... They are the section that their whole s...