Chapter 6
Napapailing si Sebastian habang naglalakad patungo sa kanyang kwarto matapos siyang makaalis sa kwarto ni Cassie.
"Ano ayos na kayo ng kapatid ko?"
Napahinto siya at napatingin sa kaibigang mukhang kanina pa nag-iintay sa labas ng kanyang kwarto.
"I think so." Wala sa sariling sagot niya habang hinahaplos ang leeg.
Kunot noong napalapit sa kanya si Tyler bago masusing tinitigan ang kanyang leeg. "Is that a..."
"Bite mark...yes. You're sister bit me." He said with a smile.
Tyler look at him strangely.
"What?"
"Anong what?"
"Bakit ganyan kang makatingin?"
Tumawa si Tyler. " You are really a masochist." Anito at bago pa siya makapagsalita ay mabilis na itong nakaalis.
Wala sa sariling nahaplos niya muli ang kanyang leeg. Hindi man masyado malalim alam niyang magmamarka iyon pero hindi niya magawang maiinis o magalit sa dalaga ay hindi niya maiwasan ang mapangiti. Stange...
Noon halos yata ginagawa niya ang lahat para maiwasan ang bunsong kapatid ng bestfriend niya pero lahat iyon ay nagbago dahil sa isang insidente.
5 Years Ago…
Bata pa lang siya ay madalas na siya sa bahay ng mga Ventura kaya naman madalas na niyang makita si Cassiopeia at halos nasaksihan niya ang paglaki nito. Tandang tanda pa niya how much he hates her childishness lalo na at madalas mapatawag ang ama nito sa school dahil sa dami ng mga kalokohan nito pero sa kanyang pagtataka hindi man lang niya ito nakitang napagalitan.
Kaya nga siguro lumaki ng sobra ang ulo nito.Minsan naitanong niya iyon kay Tyler pero tinawanan lang siya nito.
Cassiopeia is his complete opposite. Kung gaano siya kaseryoso at kung paano niya pinaplano ang kanyang buhay mula pa pagkabata masyado naman isip bata na para bang wala itong kayang seryosohin na kahit na ano.
Kaya pilit niya itong iniwasan at kahit na matagal na niyang kaibigan si Tyler kahit kailan ay hindi pa niya ito nakausap o nakasama ng sila lamang dalawa.
Tatlong taon ang tanda niya dito pero kahit na bata ito sa kanya hindi pa rin noon maiijustify ang pagiging isip bata nito dahil kahit noong fifteen siya ay hindi niya natandaang gumawa siya ng kahit anong bagay na makapagpapasakit sa ulo ng kahit na sino.
Ginawa niya ang lahat para iwasan ito na hindi naman mahirap dahil mula ng una siyang tumuntong sa bahay ng mga ito kitang-kita niya kung paano iniiwasan ni Cassiopeia si Tyler kahit na na anong pilit ng kaibigan na makipaglapit dito.
Sa tuwing nakikita niya kung paano nasasaktan ang kaibigan ay mas lalo lumaki ang pagkadisgusto niya para sa kapatid nito.
But everything changed. Tandang-tanda pa niya ang nangyari noon.
Magkakasama sila ni Tyler sa may salas ng bahay nito para tapusin ang group project nila na isasubmit na rin kinabukasan kaya medyo dinodouble time nila ang pag-gawa. Pero lahat sila ay napatigil sa ginagawa ng tahimik na pumasok si Cassie pero ang talagang nakapagpatigil sa kanila ay ang magulo nitong buhok pati na rin ang putikan nitong damit na para bang gumulong ito sa kung saan.
BINABASA MO ANG
Trouble Makers Section "The Devils in Disguise..."
RomanceThey are from the wealthiest clan in the country and for everyone they are nothing but spoiled rich kids who knows nothing about the real world. Wherever they are troubles sure will follows... They are the section that their whole s...