Chapter 36 "Crazy for her..."

180 17 1
                                    

CHAPTER 36

CASSIE POV

            Halos manlaki ang mga mata niya sa ginawang iyon ni Sebastian. Tinangka niyang itulak ito pero mas lalong humigpit ang hawak nito sa kanya. Then he suddenly bit her lips gently making her gasped out of shock na mabilis naman nitong sinamantala.

            She feels his tongue explore her mouth. She tried to push him again pero talagang ayaw nitong paawat. Huminto lang ito ng pareho na ngailangan ng hangin para huminga.

            “What the hell Sebastian!”

            Pero muli siya nitong ginulat ng walang babalang itinulak siya nito sa pader hanaggang sa mapasandal siya at pagkatapos ay mabilis nitong pinigil ang pagkilos niya gamit ang sarili nitong katawan.

            “Are you out of your mind!” Pilit niyang pinagtakpan ng inis ang tunay na nararamdaman pero sapat na ang pag-iinit ng magkabila niyang pisngi para ipakita ang totoong nararamdaman.

            “You’re beautiful when you are blushing.” He said huskily making her body shuddered involuntary for unexplainable reason. 

            “I-I’m not blushing…saka pwede ba lumayo ka nga sa akin y-your are violating my personal space!”

            “Why? does my closeness bothers you?”

            Oh God! Hindi niya alam kung bakit sobra siyang naapektuhan nito. Tama ito, his closeness bothers her. “Shut up!”

            He looks at her intensely at hindi niya iyon magawang salubungin kaya naman mabilis niyang ibinaling sa iba ang kanyang paningin.

            “If you will not look at me I will kiss you again.” He said seriously pero wala siyang pakialam dahil sa mga oras na iyon ayaw niyang makipagtitigan dito dahil kapag ginawa niya iyon baka tuluyan ng sumabog ang kanyang dibdib sa lakas at bilis ng pagtibok ng kanyang puso.

            “It is a very good thing that you are stubborn.”

            Before Cassie knows it Sebastian kissed her again. His kiss is so intense na para bang hinihigop nito ang lahat ng kanyang lahat kaya kinailangan niyang humawak dito ng maramdaman niya ang panlalambot ng kanyang tuhod.

            “S-stop…” She said in a small voice ng magkaroon ng pagkakataon and he did pero by that time pareho na silang habol ang hininga.

            “Silly girl, When will you realize how crazy I am for you?” Maya-maya ay sabi nito sa napakaseryosong boses.

            Muli niyang naiiwas ang kanyang mata. God! Dati ang dali-dali lang nitong barahin pero bakit ngayon parang hindi na niya magawa? Bakit parang suddenly naputulan siyan ng dila at hindi makaimik dito.

            “If you will not look at me I will kiss you again.”

            Mabilis siyang napatingin dito lalo pa at alam niyang hindi ito nagbibiro pero muntik na niyang maiiwas ang kanyang mata ng makita ang iba’t ibang emosyong naglalaro sa mga mata nito.

            Sebastian smiled and traces her face lovingly.  “Almost five years din akong nag-intay to make my move and now I am finally ready.”

            Hindi na naman siya nakapagsalita. Pakiramdam niya ibang Sebastian ang nakikita at kinakausap niya ngayon…

            “I do love you Cassiopeia more than anything….more you can comprehend. You are my life Cassiopeia at kung kinakailangan ko iyong ipaintindi sa iyo araw-araw din so be it.”

            His closeness made her feels dizzy. Nawawalan siya ng kakayahang makapag-isip o makakilos kaya naman ang tanging nagawa niya ay tingnan lamang ito.

            “Cassie nandito ka b-“

            Muling nanlaki ang mata niya ng walang anu-ano ay sumulpot si Caleb sa may pinto ng rooftop at nanlalaki ang matang nakatingin sa kanila when his mouth slightly open.

            She tried to push Sebastian away pero mabilis itong nakakilos bago mahigpit siyang niyakap mula sa kanyang likuran na tila ba wala itong pakialam sa presensya ng kanyang kaibigan.

            “Sebastian!” Ang mahina niyang saway at babala dito pero but to her mortification nakuha pa nitong paulanan ng muntik halik ang kanyang leeg.

            Oh God! Parang gusto na niyang lumubog sa sahig sa matinding hiya. Tinangka niyang sikuhin ito pero mas lalo lamang na humigpit ang pagkakayakap nito sa kanya. Ano bang ginagawa ng lalaking ito! Hindi ba nito alam na hindi nakaktuwang magpakaPDA sa harap ng ibang tao!

            “Ah….T-tapos na ang o-operasyon ni Wolfram.”

            “Sige pupunta na kami.” Ang balewalang sagot ni Sebastian habang nakasandal ang baba sa kanyang balikat.

            Hindi niya alam kung anong nangyari pero mabilis na napalitan ang pagkabigla sa mukha ni Caleb ng kaseryosohan habang titig na titig kay Sebastian at kahit na hindi niya nakikita ang mukha ng huli pakiramdam niya naglalaban ang mga ito sa pamamagitan ng tingin.

            Randam na randam niya ang tension sa pagitan ng dalawa at hindi niya maiwasang pagpawisan ng malapot dahil doon.

            “Nasa Nursing Station 7 na si Wolfram iintayin ka na lang naming doon Cassie.” Hindi na nito inintay ang sagot niya, tumalikod na ito at nagsimulang lumakad palayo.

            Isang marahas na buntong hininga ang napakawalan niya bago mabilis na kumawala sa yakap ng binata na sa pagkakataong iyon ay pinagbigyan na siya.

            “What the hell Sebastian!”

            “Language Cassiopeia.” Ang balewala pa nitong sabi.

            “Sebastian!”

            Sa kanyang pagkainis nakuha pa nitong ngumiti sa kanya ng matamis. Naiinis niya itong tiningnan ng masama bago nagsimulang maglakad paalis. Baka maitulak pa niya ito sa roof top kapag nagtagal siya roon.

            “Hey Cassiopeia!”Tawag nito hindi pa man siya tuluyang nakakalayo.

            Naiinis niya itong tiningnan ng masama. Kung nakamamatay lang ang tingin malamang criminal na siya ngayon. “WHAT!”

            “You are my answered prayer Cassiopeia  kaya wala akong balak na pakawalan ka pa.” He said with a very confident smile on his face.

            Napakurap-kurap lang siya habang nakatingin dito. “You are crazy!” Hindi niya makapaniwalang bulaslas.

            “Yes…I am crazy and you are my medicine so better watch out because I’ll make you mine.” Kung makapagsalita ito para lang itong nagdedescribe ng isang napakasimpleng bagay. Na para bang sinasabi lang nitong matamis ang chocolate at candy,.

            Mariiin niyang ipinikit ang kanyang mata bago inis itong inirapan at muling naglakad palayo. Kung hindi siya aalis hindi man siya maging criminal ay mabaliw naman siya dahil dito.

ITUTULOY…

            This Chapter is for my friend Mr. Jomar Robert Cabuyao…tnx for encouraging me…you don’t know how much I appreciate it lalo na at ginawa mo  iyon sa panahong handa na akong sumuko…tnx frnd…hehe            

Trouble Makers Section "The Devils in Disguise..."Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon