Chapter 39

157 9 2
                                    

CHAPTER 39

          Hindi niya alam kung saan na siya dinadala ng kanyang mga paa basta lakad lang siya ng lakad ng walang particular na distinasyon at ng tumigil siya soon lang niya napansin na nasa harapan na siya ng Manila Bay.

          Tahimik siyang natayo paharap sa karagatan kung saan malapit na ang paglubog ng araw. Hindi niya maiwasan ang mapatingin sa mga batang naglalaro para lang makaramdam ng matinding inggit. Kailan ba siya tumawa ng malakas ng hindi natatakot sa kahit na ano?Sa tanong na iyon hindi niya alam kung bakit bigla na naman niyang naisip si Sebastian.

          Isang malalim na buntong hininga ang napakawalan niya. Si Sebastian…paano niya sasabihin ang lahat dito? Kung dati madali lamang pero bakit nagyon parang natatakot na siyang masaktan ito. Ano bang nagbago?

          Muli siyang napahugot na isang malalim na buntong hininga habang inaalala ang nangyari kanina.

          Halos hindi siya gumagalaw habang nakaupo at tahimik na nilalaro ang nasa harapang tea. She really hates tea pero mas pinili na lang niyang manahimik.

          “Relax ka lang Cassiopeia.”

          She stiffened hearing her full name from him. Bakit ba kapag si Sebastian ang tumatawag noon sa pangalan niya ay hindi siya nakakaramdam ng takot at kaba na kabaligtaran sa nararamdaman niya ng mga sandaling iyon.

          “Ano po bang dahilan at ipinatawag ninyo ako dito?” Aniyang hindi na lang pinansin ang sinabi nito. The sooner na matapos ito the sooner na makakaalis siya dahil masama amng aminin pero hindi talaga siya komportable sa presensya ng kanyang  abuelo.

          May dumaan emosyon sa walang ekspresyon ng kanyang lolo  bago ito bumalik sa pagiging poker facepero dahil sa bilis noon ay hindi niya agad nabasa“Padating na nag taong iyon.”

          Mahina lang ang pagkakasabi nito pero pakiramdam niya daig pa nito ang sumigaw. Biglang nanlamig ang katawan niya at randam din niya ang kanyang pamumutla.

          “Alam mo naman siguro ang ibig sabihin nito hindi ba?”

          Mariin niyang naipikit ang kanyang mga mata habang tahimik na hiniling na sana ay malaking panaginip lang ang lahat na pagmulat niya matatapos ang bangungot na iyon.

          “Cassiopeia.”

          Nang imulat niya ang kanyang mata at tingnan ang seryosong mukha ng kanyang lolo ang dami niyang gustong sabihin to the point na gusto na nga niya itong sigawan pero tulad ng dati isang tahimik na tango lang nag naging sagot niya.

          “Maghahanda kami ng malaking party at aasahan kong darating ka Cassiopeia.”

          Alam niya na hindi iyon isnag pakiusap kundi isang mahigpit n autos na hindi niya pwedeng suwayin. Muli isa na namang tango ang naging sagot niya.

          Ang dami talaga niyang sabihin noon. Ang dami niyang gusting isigaw at isumbat sa kanyang lolo pero hindi niya magawa dahil hanggang ngayon wala pa rin siyang lakas ng loob na salungatin ito.

          Wala sa sarili niyang sinagot ang kanyang cellphone ng sa wakas ay mapuna niya ang pagtunog noon.

          “Cassiopeia where are you! Pinuntahan kita s aschool ninyo pero wala ka doon! Nasaan ka na ba?”

          Rinig na rinig niya ang pagkataranta sa boses ni Sebastian pero hindi gaya ng naging reaksyon niya sa kanyang lolo wala siyang naramdaman  negatibong naramdaman.

          “I just want to watch the sunset.” She answered vaguely.

          “What?”

          “I will wait for the sunset Sebastian.”

          “Nasaan ka ba talaga at pupuntahan kita? Cassiop---”

          Hindi na niya narining ang anumang sasabihin nito dahil tuluyang ng naubos ang battery ng kanyang cellphone pero mas mabuti na rin siguro iyon dahil habang naririnig niya ang boses nito hindi siya makapag-isip masyado.

          “Ano bang gagawin ko?”

          Napatingin siya sa langit ng may maramdamang tubig na pumatak sa kanyang braso. Papadilim na ang langit mukhang hindi rin niya makikita ang sunset pero ayaw pa niyang umalis.Wala rin naman siyang alam na pupuntahan.

          Kaya kahit na tuluyan ng pumatak ang ulan ay nanatili siyang nakatanaw sa karagatan at walang pakialam sa mga nagtatakbuhang tao para maiwasan ang patak ng ulan.

          Mariin niyang ipinikit nag kanyang mata ng maramdaman ang pamumuo ng kanyang mga luha. Mukhang kahit ang mga iyon ay ayaw makisama sa kaniya dahil randam niya na anumang oras ay papatak na ito.

          Pero agad siyang napamulat ng may marandamang tumakip sa ulo niya at bago pa siya makakilos at ng lingunin niya kung sino ito ay mabilis niyang nakilala si Sebastian.

          “Sebastian? Paano mo ako nahanap?”

          Inaayos nito ang pagkakapandong ng jacket nito sa ulo niya. “Ito lang ang alam ko na malapit at pwedeng panooran ng sunset.”

          Natahimik siya sa sinabi nito.

          “May problema ba Cassiopeia?”

          Isang malalim na buntong hininga ang napakawalan niya. “Anong gagawin mo kapag nawala ako?” She tried to sound as casual as possible.

          Pero mabilis na nagseryoso ang mukha nito bago mahigpit na hinawakan ang kamay  niya. “May nangyari ba?”

          “I’m just curious.” Ngumiti pa siya dito.

          He looks at her intensely na para bang may hinahanap ito sa kanyang mukha. “  Don’t ask stupid things.”

          Napasimangot siya sa sinabi nito. Stupid things bagang…seryoso kaya siya. “Ano ngang gagawin mo?”

          “Hindi mangyayari iyon.”

          “Paano kung mangyari.”

          “Imposible.”

          “Paano ka naman nakakasigurado?”

          “Basta.”

          Napikon na talaga siya sa pabalewala nitong mga sagot. “Sebastian Lee!” Inis niyang hinarap ito para lang makitang seryos at walang katinag-tinag pa rin itong nakatingin sa kanya pero wala siyang balak magpatalo. Hindi niya alam kung bakit pero kailangan niyang marinig ang sagot nito.

          “Hindi mangyayari iyon kasi wala akong balak pakawalan ka.” He said determinedly and she swears her heart will explode if it will not stop beating erratically.

          Sebastian gently held her face. “You don’t have any idea how long I’ve  waited for you so you must bear with me because you will never get rid of me from your side.”

ITUTULOY…

         

         

         

          

Trouble Makers Section "The Devils in Disguise..."Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon