Chapter 27 "The Sacred Rules"

281 26 1
                                    

Chapter 26

Cassie POV

          Nang imulat niya ang kanyang mata ang una niyang nakita ay ang nakangiting mukha ni Sebastian habang nakaupo sa isang upuan malapit sa kanyang kama. Mukhang nakatulugan na niya ang pakikipag-usap dito.

          “Good Morning Cassiopeia.” He said softly while looking at her with so much fondness in his eyes.

          “Good Morning.” Ang mahina niyang sabi habang kinukusot pa ang kanyang mga mata.

          “Maligo ka na at maagap pa ang pasko mo.”

          Tumango siya pero mabilis din niyang ipinikit uli ang mata upang ipagpatuloy ang pagtulog. Gusto pa niyang matulog dahil sobra pa talaga siyang inaantok. Rinig pa niya ang mahinang pagtawa ni Sebastian bago niya naramdaman ang kamay nito sa kanyang kamay bago maingat siya nitong ibinangon kaya naman napilitan siyang bumangon kahit napipilitan lamang siya.

          Isang malalim na buntong hininga ang napakawalan niya matapos makapagbihis at matuyo ang kanyang buhok. Tahimik siyang naglakad patungo sa kanilang dining area para lang makita ang kanyang ama at kapatid na masayang nakikipagkwentuhan kay Sebastian.

          Tahimik siyang naupo sa tabi ng kanyang kuya Tyler. Medyo nagulat pa siya ng may biglang lumanding na napakaraming kanin at ulam sa kanyang pinggan.

          “A big breakfast for a growing lady.”

          Nnag tumingin siya kay Sebastian na siyang naglagay ng pagkain sa kanyang pinggan parang gusto niyang masilaw sa napakalawak  nitong ngiti.

          “Are you calling me fat?” She asked irritatedly.

          “Of course not!” Mabilis nitong sagot. “ Gusto ko lang na medyo magkalaman ka.” Mabilis uli nitong dagdag.

          “At ngayon tinatawag mo naman akong payat.” Ang nakataas ang kilay na sabi niya.

          “N-no…Ang ibig kong sabihin.”

          Hindi niya mapigilang matawa ng makita ang pagkalito sa mukha nito habang nag-iisip ng magandang paliwanag sa kanya. Nakakatuwa pala ito kapag natataranta.

          “Cassiopeia!” Sebastian said irritatedly but with a smile on his face ng marealized nitong binibiro lamang ito ng dalaga.

          Pati sina Enrique at Tyler ay natatawa na lang habang pinanonood ang dalawa.

          “But honestly Sebastian, hindi ko kayang ubusin ito.” Inilipat niya ang kalahati ng plato niya sa kapatid na hindi naman ngreklamo.

          “You need to eat, Cassiopeia.”

          She smiled at him softly. “And I will eat hindi nga lang ganoon kadami, I am not a pig you know.” She said amusedly habang nagsisimula ng kumain at dahil nakatungo hindi niya napansin ang pamumula ng pisngi ni Sebastian dahil sa ngiti niyang iyon na lihim namang ikinatawa ng dalawa nilang kasabay sa hapag.

GIFT POV

          Habang pinagmamasdan si Sebastian habang inaalalayan si Cassie pababa ng sasakyan nito alam niyang may nagbago na sa dalawa.

          “Hanggang nagyon hindi ko pa rin maintindihan kung bakit mo pinaalis sina Wolf sa pagsunod noong isang gabi kina Cassie.”

          She looked at Alexis Matthew briefly bago muling tumingin sa dalawa. Nakatayo sila sa second floor ng katapat na building hindi kalayuan sa may entrance kayang kitang-kita nila ang pagdating ng dalawa.

          “Look at Them, First.” She said with smile.

          “I am looking at them.”

          Kahit na hindi tumitingin alam niyang nakasimangot ang katabi. “Cassie is happy. “

          “She is just not used to his presence.”

          Tumawa si Gift kahit sa kanyang pandinig walang sense ang sinabi ni First. “Mas magiging Masaya pa siya pagdating ng mga susunod na araw.”

          “How do you know that?”

          “Look at Mr. Lee.” She said .

          “I am…and I can see someone that I really don’t like.” Alexis Matthew said with disdain in his voice that made Gift smiled wider.

          “You know that It was not his fault that I tried to kiss him.” She said pointedly at ng hindi umimik si First tiningnan niya ito para lang makita ang madilim nitong mukha na ikinaiiling niya.

          “Sebastian clearly loves Cassie.” Ang pag-iiba niya ng usapan kapag nagpatuloy pa siya alam niyang hindi nila pareho magugustuhan ang kalalabasan.

          “Malay mo naman he is just fascinated to her.”

          Umiiling ng mariin si Gift bago muling tumingin kay Sebastian.

          “He look like someone who is willing to jump for Cassie.”

          “I am willing to jump for you.” Mabilis na sabi ni Alexis Matthew.

          Mahinang tumawa si Gift. “But I am not Cassie and you are not Sebastian.” She said softly.

          Isang malungkot na buntong hininga ang napakawalan ni Alexis Matthew tama ang dalaga hindi ito si Cassie at hindi rin siya si Sebastian na hindi myembro ng TMS na kailangan sumunod sa rules nila. The sacred rules that they follow no matter what…

ITUTULOY

Trouble Makers Section "The Devils in Disguise..."Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon