Chapter 32 "Forgiven"

230 22 1
                                    

Chapter 32

          “Ano ba bitiwan mo nga ako!” Halos mapatid ang litid niya sa kasisigaw pero mistula lang itong bingi.

“Sebastian Lee!!!”   

          Sa kanyang pagkagulat bigla siya nitong isnalya sa upuan ng kotse nito at bago siya makakilos ay mabilis na nitong naisuot ang seatbelt sa kanya at mabilis na nakasakay sa driver seat.

         

          “Sebastian Lee!!!”

          “Kapag hindi ka tumahimik patatakbuhin ko ang kotse ko ng napakabilis!”

          Napatahimik siya dahil sa sinabi nito at dahil natitiyak niyang hindi ito nagbibiro. Inis siyang napahalukipkip at masama itong tiningnan. Hindi niya alam kung saan siya nito dadalhin pero alam niyang wala rin naman siyang magagawa kundi ang pabayaan ito.

          Nang ihinto nito ang kotse at bumaba  ay hindi niya ito pinansin. Pinipilit siya nito pwes pahihirapan niya ito sa kahit anong paraan niya alam. Pero hindi niya maiwasan ang mapakunot ang noon g makita kung saan siya nito dinala. Sementeryo…

         

          Tahimik niya itong pinagmasadan mula sa loob ng kotse nito habang nakatayo ito sa isang lapida hindi kalayuan sa kinaroroonan niya.

          Nag-intay siya ng ilang sandali na lapitan siya nito at piloting bumaba pero parang nakalimutan na tila nito na kasama siya nito at hindi niya gusto ang pakiramdam na iyon. Wala na siyang pakialam pero hindi siya dapat iniignora nito matapos siya nitong buhatin na parang isang sako.

          “Hoy SEBASTIAN LEE!Kung wala kang planong pansinin ako pwede bang iuwi mo na lang ako!” Naiinis niyang sigaw ng makalapit dito pero sa kanyang pagkainis pang lalo  nakuha pa nitong ngumiti sa kanya ng masuyo bago muling tumingin sa lapida sa baba nila.

          “I told you Mama, she can be very loud and stubborn.” He said almost proudly.

          “Mama?” Nang basahin niya ang lapida isang Veronica Santiago ang nakasulat roon.

         

          “She is my mom.” Ang mahina nitong sabi na tila ba nabasa ang iniisip niya.

          Ok…ano bang sasabihin niya. this is so awkward.Kaya ayun siya tahimik lamang na nakatayo sa tabi nito habang nag-iisip ng tamang sabihin o gawin.

         

          “I was so excited for our date.” Ang maya-maya ay sabi nito.

          Napaismid siya sa sinabi nito. Kung excited ito bakit hindi siya nito sinipot.

          “I was so excited Cassiopeia, then dumating ang lalaking iyon!!! ANg kapal ng mukha niyang magpakita sa akin after ng lahat ng ginawa niya!”

          Randam na randam niya ang galit nito at kahit hindi nito sinasabi kung sino ang taong tinutukoy nito ay alam na niya na ama nito ang tinutukoy nito.

          “How dare him na magpakita sa akin! Maayos na ang buhay ko! Maayos na ako.”

Ang patuloy pa nito pero kahit hindi niya ito nakikita alam niyang umiiyak ito at hindi niya alam kung bakit parang may sumasakal sa dibdib niya ng mga oras na iyon habang pinakikinggan ang naghihirap nitong boses.

         

          “A-akala ko okay na ako Cassiopeia…P-pero bakit ng makita ko ko siyang parang nagbalik ang l-aahat?”

         

          Nang tumingin ito sa kanya hindi niya maiwaan ang mas lalong masaktan ng makita ang expression nito. He looks so lost. Isang malalim na buntong hininga ang napakawalan niya bago masuyong pinahid ang mga luha nito.

          “Kasi paulit-ulit natin sabihin sa sarili natin na wala na tayong pakialam sa kanila dahil  tinalikuran na nila tayo sa loob –loob natin hindi naman iyon totoo eh dahil kahit na anong mangyari nandiyan pa rin ang katotohanang nasaktan tayo kasi mahalaga sila sa atin…at dahil mahalaga sila  masasaktan at msasaktan nila tayo dahil binigyan natin sila ng karapatan.”

          “Cassiopeia.” He said her name so softly and lovingly that made her heart beats so fast pero instead na matakot parang mas kumalma siya.

          Tiningnan niya ito ng mabuti. “I still can’t forgive you dahil sa ginawa mong pang-iindian sa akin.” Ang nakahalukipkip niyang sabi.

          “Cassiopeia” Nang tangkain siya nitong hawakan mabilis niya itong iniwasan bago seryosong tiningnan ito.

          “Pero sa susunod na indianin mo uli ako mananagot ka na talaga sa akin!”

          Halos kuminang ang mukha nito sa sobrang pagliliwanag(syempre hindi iyon literal) at sa kanyang pagkagulat mabilis siya nitong niyakap ng sobrang higpit habang tumatawa na para bang nababaliw na ito pero pinabayaan lang niya ito…sa ngayon because he is forgiven.

 

ITUTULOY

 

 

         

         

          

Trouble Makers Section "The Devils in Disguise..."Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon