Chapter 23
Cassie POV
Nagising siya dahil sa sunod-sunod na tilaok ng mga manok sa labas at ang una niyang ankita ay ang natutulog na si Sebastian habang nakaupo at nakasandal sa may dingding. Mukhang pinangatawanan nga nito ang sinabi nitong hindi ito matutulog at babantayan lang siya pero mukhang hindi na nito nakayanan ang matinding pagod.
Dahan-dahan siyang lumapit at lumuhod sa harapan nito. Hindi nito alam kung gaano siya nagpapasalamat dahil sa mga ginawa nito para sa kanya at habang buhay niya iyong tatanawing isang malaking utang na loob.
Nang humilik ito ng malakas hindi niya mapigilan ang mapangiti. he looks so cute…hehehe hinding-hindi niya iyon pwede sabihin dito dahil tiyak na maiinis ito. Hindi niya napigilang haplusin ang mukhha ng binata.
“Cassiopeia…” Nagulat siya ng magsalita ito kaya naman agad niyang inalis ang kamay sa mukha nito habang nag-iisip ng idadahilan pero agad siyang napatigil ng muli nitong tawagin ang pangalan niya doon lang niya nasiguradong natutulog pa ito.
“So stubborn even in your sleep. Cassie nga ang pangalan ko eh.” She said softly habang nakatingin pa rin dito. Habang pinagmamasdan ito hindi niya alam kung bakit parang may kung anong naglalaro sa dibdib niya dahilan para bumilis at lumakas ang tibok noon.
Napakunot ang noo ni Cassie habng sapo-sapo ang tapat ng puso. Mukhang magkakasakit pa yata siya.
“Gising ka na pala Nene.”
Mabilis siyang napatayo at napatingin kay Lola Socorro ang matandang babaeng nagpatuloy sa kanila ni Sebastian. Ramdam na ramdam niya ang pag-iinit ng magkabilang pisngi dahil sa matinding pagkapahiya dahil nahuli siya nito sa ginagawa niya kay Sebastian.
“Mabuti pa ay magkape ka muna ng mainitan ang sikmura mo.”
Tahimik siyang tumango bago sinundan ito pero bago siya umalis sinulyapan niya uli si Sebastian para lang muling mapahawak sa kanyang dibdib ng maramdaman na naman ang mabilis niyong pagtibok. Oras na makabalik siya sa kanila mapapacheck-up agad siya baka kung napapaano na siya mahirap na.
Ilang sandali pa ay panatag na siyang nakikipagkwentuhan kay Lola Socorro makwento ito kaya naman talagang nalibang siya sa pakikipag-usap dito. Hindi na nga niya napansin ang paglipas ng oras dahil sa pagkalibang.
“Cassiopeia!Cassiopeia!”
Pareho silang napatingin sa humahangos na si Sebastian, kitang-kita niya ang matinding pagkabahala at takot sa mukha nito na para bang galling ito sa isang napakalaking sunog.
Isang impit na tili ang napakawalan niya ng walang pasabing niyakap siya nito ng mahigpit. Pero anumang pagproprotesta n asana ay sasabihin niya ay hindi niya naituloy ng mapansin ang panginginig ng katawan ng binata.
“Sebastian?”
“A-akala ko nawala ka na.” Ang sabi lang nito na puno pa rin ng takot ang boses.
Hindi siya nakaimik sa sinabi nito. “Saan naman ako pupunta ng hindi ka kasama?” Ang tahimik niyang sabi pero mas lalo lang humigpit ang yakap nito sa kanya.
Hindi niya alam kung gaano siya katagal nitong yakap pero pinabayaan lang niya iyon kahit pa nga nahihiya siya kay Lola Socorro na nangingiti lamang habang nakatingin sa kanila.
Binitiwan lang siya ng binata ng mawala na ang panginginig ng katawan nito. Pero mahigpit nitong hinawakan ang kamay niya na para bang iyong lang ang assurance nito na hindi siya maglalahong bigla kaya naman pinabayaan na lang niya ito.
Hindi niya mapigilang malungkot habang nagpapaalam kay Lola Socorro ipinangako niya sa sariling babalikan ito st susuklian niya ang kabutihang ipinakita nito sa kanila.
Habang sakay ng taxi at tinitingnan ang mga tanawin na nalalampsan nila sa bintana hindi niya maiwasan ang muling kabahan at matakot. Alam niya kung gugustuhin ng lolo niya mababawi siya nito ng walang kahirap-hirap at kapag aniisip na kilangan niya ulit bumalik sa mansyon nito parang gusto niyang tumakbo palayo.
Nang makita niyang nangingig pala ang kanyang kamay mabilis niya iyong ikinuyom para kontrolin ang panginginig noon pero wala ding nangyari. Ngaulat na lang siya ng hawakan ni Sebastian ang kamay niya at ikulong iyon sa sarili nitong mga kamay habang banayad iyon hinahaplos.
“Sebastian?”
“Huwag kang mag-alala sabi ko naman sayo diba hindi ko hahayaang makuha ka nila.” He said seriously.
“Hindi basta-bastang tao ang lolo ko Sebastian kapag nalaman niya ang involvement mo sa pagtakas ko tiyak na pati ikaw madadamay.” She smiled softly at him. “Kung gusto mo umalis at iwan ako maiintindihan ko.” And she will understand him. Maiintindihan niya kung tatalikuran siya nito at hindi siya magagalit.
Sa pagkagulat niya marahas siya nitong hinila na halos ay wala ng pagitan sa kanilang dalawa.
“S-Sebastian?”
“Hinding-hindi kita bibitiwan kahit na ikaw pa mismo ang unang bumitiw sa akin. Kahit anong sabihin mo hindi na kita pakakawalan pa.” He said seriously and determinedly at alam ni Cassie na hindi ito nagbibiro.
“W-why are you doing this, Sebastian? Lagi kitang inaaway, Lagi rin kitang binubulyawan at lalong hindi rin ako mabait sa iyo. SO bakit mo ito ginagawa?” Hindi niya mapigilang tanong habang kunot noong nakatingin dito.
He looked at her intensely at kahit naiilang hindi niya magawang iiwas ang kanyang tingin. Parang may naghihipnotismo sa kanya at hindi niya magawang umiwas dito.
Hinintay niyang magsalita ito pero hindi ito nagsalita. “Sebastian?”
Naipikit niya ang kanyang mata ng masuyo nitong halikan ang kanyang noo. “You are so clueless Cassiopeia.” He said with a sigh pero may masuyong ngiti sa labi habang masuyong ginugulo ang kanyang buhok na agad niyang ikinasimangot.
Iyon na namang linyang iyon. Lagi na lang niya iyong naririnig. Hmp! Hindi porket hindi siya nagsasalita wala na siyang alam, I’m not that clueless. Pero pinili na lang uli niyang hindi magsalita.
“Matulog ka na lang muna at malayo pa tayo sa Maynila.”
Hindi na siya nakapagprotesta ng kabigin nito ang ulo niya at ihilig iyon sa dibdib nito. Ang lakas at ang bilis ng tibok ng puso nito pero para iyong panghele na humihila sa kanya sa karimlan hanggang sa hindi na niya namalayang nakatulog na pala siya.
Nang matiyak na nakatulog na ang dalaga saka lang hinayaan ni Sebastian na ipikit ang kanyang mga mata upang makapagpahinga na rin kahit paano. Kakailanganin niya ang lahat ng lakas niya dahil na tiyak na may malaki silang kakaharapin pagbalik nila.
Kung pwede nga lang na huwag na silang bumalik ay ginawa na niya pero alam niyang hindi pwede iyon pero isang bagay lang ang natitiyak niya kahit na anong mangyari at kahit na sinong makaharap niya hinding-hindi niya tatalikuran si Cssiopeia. Hinding-hindi!
ITUTULOY…
Please vote and comment…thank you so much
BINABASA MO ANG
Trouble Makers Section "The Devils in Disguise..."
RomanceThey are from the wealthiest clan in the country and for everyone they are nothing but spoiled rich kids who knows nothing about the real world. Wherever they are troubles sure will follows... They are the section that their whole s...