Chapter 25
“She’s my life.”
Halos walang nakapagsalita sa sinabi na iyon ni Sebastian, para siyang napapasong napabitiw dito pero sa kanyang pagkagulat mabilis nitong hinuli ang kanyang kamay at mahigpit iyong hinawakan habang hindi inaalis ang tingin sa kanyang lolo na ngayon ay matiim ng nakatingin sa seryosong mukha ni Sebastian.
“She’s your life?” Walang kangiting-ngiting ulit ni Mr. Fontejon sa sinabi ni Sebastian.
“Yes.”
“Why?”
Sa halip na sagutin ang kanyang lolo humarap sa kanya si Sebastian at matiim siyang tinitigan at gustuhin man niyang mag-iwas ng tingin ay hindi niya magawa para siyang nahihipnostismo ng mga mata nito.
“Because I love her.” Ang madamdamin nitong sabi. Seryoso at punong-puno ng damdamin ang mukha nito habang nakatingin sa kanya. “I am in love with her for almost five years…” Muli itong tumingin sa lolo niya. “Kaya hindi ko hahayaan ang kahit na sino ang kunin siya sa akin.”
“Handa kang isakripisyo para kay Cassie?”
Hindi gusto ni Cassie ang tono ng kanyang lolo.Pinilit niyang higitin ang kamay niya kay Sebastian pero tulad ng dati mas lalo lang humigpit ang hawak nito sa kanya.
“Kaya kong isuko ang lahat para sa kanya.” Ang walang kagatol-gatol pa nitong dugtong.
“Hinahamon mo ba ako Sebastian Lee!”
Tulad ng dati hindi man lang kakikitaan ng takot ang mukha ng binata. “Para kay Cassiopeia kahit iyon gagawin ko.”
Ilang sandaling nagtitigan ang lolo niya at si Sebastian na tila ba sinusukat ang bawat isa.Hindi lalo siya mapakali sa ginagawa ng binata, hindi nito alam ang ginagawa nito. Hindi nito kilala kung paano magalit ang kanyang lolo.
“Sebastian.” Mahina niyang babala.
Pero hindi man lang siya nito tinapunan ng tingin.
“Mabuti pa Sebastian ihatid mo muna si Cassie sa kwarto niya ako na ang kakausap sa lolo ni Cassie.”
Para siyang nabunutan ng tinik ng sa wakas ay marinig niya ang boses ng kanyang ama. Hindi na niya hinintay na magdalawang salita ito mabilis na niyang hinila si Sebastian palayo sa mga ito at ang laking pasasalamat niya ng hindi itoo magprotesta.
Cassie POV
Nakaupo siya sa kanyang kama (Indian sit) habang pinagmamasdan si Sebastian na kanina pa pauli-uli sa harapan niya. Wala na ang Sebastian na puno ng detirminasyon kanina habang kaharap ang kanyang lolo na tila ba wala itong balak magpatalo dito pero ngayon ang kaharap niyang Sebastian ay punong-puno ng kaba ang mukha habang pasulyap-sulyap sa kanya.
“Look Cassiopeia, seryoso ako sa sinabi ko kanina…I mean I l-love you…Ang ibig kong sabihin ay m-matagal na kitang mahal…Ang ibig k-kong…God!” Naiinis na sabi nito na tila malapit na nitong masabunutan ang sarili sa sobrang inis.
Hindi niya alam kong matatawa ba o maawa sa gawi at itsura nito pero mas pinili niyang manahimik at panoorin ito habang pilit na kinakalma ang nagreregodon niyang puso…mukhang kailangan na niyang itigil ang pag-inom ng kape dahil napapadalas na ang pagpapalpitate niya.
Sa kanyang pagkagulat bigla na lang itong lumuhod sa harapan niya at masuyong hinawakan ang dalawa niyang kamay.
“I love you Cassiopeia Ventura…noon at ngayon at sigurado ako na wala ng iba pang babae akong mamahalin ng tulad ng nararamdaman ko sa iyo. Alam ko na biglaan ito at wala akong balak sabihin sa iyo ang nararamdaman ko sa ganitong paraan pero sana maniwala ka na kahit kalilan hindi ko hinangad ang kahit na anong bagay na makakasakit sa iyo. Mahal na Mahal kita Cssioepeia.”
Randam niya ang pag-iinit ng pisngi niya habang nakatingingin dito. Hindi niya alam kong paano sisimulan dito ang kanina pa niy gustong sabihin.
“I know mahirap paniwalaan pero maniwala ka na hindi ako nagbibiro. Totoo ang lahat ng sinabi ko at lahat ng narinig mo.” Halos desperado na nitong sabi.
“Please say something.”Mahinang pakiusap ng binata sa pananahimik ng dalaga.
“Isang malalim na buntong hininga ang napakawalan ni Cassie bago iniiwas ang tingin dito. “I know.” She said almost inaudibly.
Napakunot ang noo ni Sebastian ng hindi maunawaan ang gustong sabihin ng dalaga.“Excuse me?”
Isang malalim na buntong hininga ang napakawalan ni Cassie pakiramdam niya isa siyang bata na umaamin sa magulang niya ng isang kasalanang matagal na niyang ginawa. “Ang sabi ko matagal ko ng alam ang tungkol doo.”
“Ang alin?” May ideya na si Sebastian kung ano ang tinutukoy ng dalaga pero gusto pa rin niyang linawin kong tama ba ang pagkakaintindi niya.
“About your feelings for me.” She said weakly.
Hindi alam ni Sebastian kung ano ang dapat sabihin o reaksyon. H-How?W-When?...”Really?” Sa dami ng gusto niyang itanong dito iyon lang ang lumabas sa bibig niya at parang gusto niyang batukan ang kanyang sarili.
“I accidentally heard you and my brother talking two years ago.” Ang mahinang sabi ni Cassie.
“Oh…”Ang tanging nasabi ng binata.
“Aksidente lang iyon ha. Hindi ko sinasadya.” Mabilis na sabi ni Cassie. Noong una niya iyong marinig akala niya nagbibiruan lamang ang dalawa pero habang tumatagal at nakikita niya ang kakaibang kilos ng binata sa kanya alam niyang seryoso talaga ito pero masa pinili na lang niyang manahimik at magkunwaring may alam lalo na at hindi naman talaga niya alam kung ano ba ang dapat gawin at sabihin.
“Then why didn’t you say anything to me?” Ang mahinang sabi ni Sebastian habang nakatingin pa rin sa dalaga.
“Dapat ba? It’s your feelings at ikaw lang ang may karapatang magsabi noon kung kalilan mo gustuhin.”
Napangiti si Sebastian sa sinabing iyon ng dalaga. She is so innocent. “Ngayong wala na akong maisesekreto pa sa iyo pwede ko bang malaman ang opinion mo?”
Mabilis na nag-iwas ng tingin si Cassie. Isa iyon sa dahilan kung bakit nagkunwari siyang walang alam, ayawn niya ng komplikasyon at kahit na wala na silang sekreto hindi pa rin niya alam kung ano ang sasabihin.
Masuyong ngumiti si Sebastian bago hinaplos ang pisngi ng dalaga. “Hindi mo kailangang sumagot ngayon naiintindihan ko at saka nakapag-inaty nga ako ng limang taon maano bang mag-intay pa uli ako.”
“Sebastian.” Hindi niya mapigilang anas.
Masuyong hinalikan ng binata ang pisngi niya. “I love you Cassiopeia.”
ITUTULOY…
BINABASA MO ANG
Trouble Makers Section "The Devils in Disguise..."
RomansaThey are from the wealthiest clan in the country and for everyone they are nothing but spoiled rich kids who knows nothing about the real world. Wherever they are troubles sure will follows... They are the section that their whole s...