Chapter 31 "More than That."

289 23 3
                                    

        Chapter 31

Wolfram POV

          Gusto niyang matawa ng malakas ng makitang halos mahirapan na si Tyler sa pagpigil kay Sebastian para sugurin siya. It’s seems that his plan worked, pero hindi pa siya tapos.

         Hindi niya gusto si Sebastian pero mukhang inaabprobahan ito ni Gift at knowing Gift alam niyang alam nito ang ginagawa nito. He will never question her.

          “Touch her again and You’re dead!”

          Malinaw niya iyong nabasa sa galaw ng labi ni Sebastian at kung hindi man ay kitang-kita niya ang galit na galit nitong mukha habang nakatingin sa kanya pero wala siyang pakialam. He might respect Gift’s opinion pero hindi noon mababago ang pagkadisgusto niya sa lalaking ito.

         Nakakalokong ngumiti siya sa dalawa at parang gusto na talaga niyang humalakhak ng lalong dumilim ang mukha ni Sebastian.

         “You’re being weird Wolfram.” Ani Cassie na wala pa ring kaalam-alam sa mga nangyayari.

         

        Nailing lang niya itong inakbayan. “I am normal, you are just hallucinating.”

         

        Nang sumimangot ito napangiti si Wolfram. Maaring super childish si Cassie sa mga taong hindi ito kilala pero ito marahil ang isa sa pinakainosente sa kanilang lahat at isa marahil iyon sa dahilan kung bakit ayaw niya kay Sebastian. Nag-aalala siya na kapag nahulog ang dalaga dito at magkamali ito sinasadya man o hindi ay masaktan nito ng sobra si Cassie.

          Contrary to popular belief hindi sila gawa sa bato…nagkataon lang na natutunan na nilang huwag pansinin ang mga bagay o mga taong wala namang kinalaman sa kanila. Lumaki silang sila na nag bawat isa lang ang sinasandigan kaya siguro napakahirap na magpapasok ng ibang tao sa buhay nila.

        

          “Wolfram!” Naiinis na sabi ni Cassie.

        

          Napangiti uli si Wolfram bago mabilis na tumingin sa deriksyon ng dalawa nilang stacker at muling ibinalik ang tingin sa kaibigan para masuyong hinalikan ito sa noo na alam niyang lalong ikagagalit ni Sebastian. Nasubok na ito ng ibang TMS sya naman ang susubok dito.

         

         Hindi na siya nagulat ng maya-maya lamang ay maramdaman na niya ang malakas na suntok sa kanyang kanang pisngi.

Sebastian POV

          When that wolf guy kissed Cassie he literally saw red. Wala na siyang pakialam mahuli man sila ng mga ito o hindi, basta ilalayo niya si Cassie dito.Malakas niyang itinulak ang kaibagan at bago pa siya nito mapigilan mabilis na siyang nakatakbo sa kinaroroonan ng dalawa at malakas na sinuntok si Wolfram.

          “Wolfram!”

Nang tangkaing lapitan ni Cassie si mabilis niyang hinawakan ang isa nitong braso upang pigilan ito.

“Hey! Let me go! Ano bang ginagawa mo!”

Kung nakamamatay lang ang talim ng tinging ibinibigay sa kanya ni Cassie malamang na kanina pa siya bumulagta, pero wala na siyang pakialam total kahit na ano namang gawin niya ay hindi siya nito pinakikinggan then he will make her listen to him whether she likes it or not.

“Cassiopeia I’m sorry but I need to do this” He said seriously.

“What the hell a--”

Hindi na niya ito pinatapos bagkus ay mabilis niya itong ipinsan sa kanyang balikat ignoring her shout pati na rin ang paghampas nito sa kanyang likuran.

TYLER POV

          Hindi niya alam kung hahabulin ba ang kaibigan at pipigilan ito o pababayaan na lang niya ang dalawa. Pero sa bandang huli pinili niya ang ikalawang option, desisyon ito ni Sebastian at hahayaan niya itong harapin ang anumang mangyayari at saka may tiwala naman siyang hindi nito sasaktan ang kapatid niya.

          “Hindi mo ba sila susundan?” He asked Wolfram curiously, nakatayo na ito habang pinupunasan ang gilid ng labi nito na pumutok dahil sa panununtok ni Sebastian.

          “Nah…It’s been a very long day…at wala na akong balak sumali sa anumang gulo ng dalawang iyon.” Wolfram said almost boredly.

          “Why did you do that?” Tyler asked.

          “I don’t know what are you talking about.” Ang balewala nitong sabi bago siya tinalikuran.

          “Sebastian loves my sister so much…so stop making his life miserable.”

          Isang nakakinsultong tawa ang isinagot ni Wolfram bago walang expresyon na tumingin sa kanya. “I’m not making your friend miserable…Gusto niyang pumasok sa buhay ni Cassie pero nakalimutan mo yatang ipaalam sa kanya na hindi basta-basta ang buhay na maaari niyang makita oras na magtagumpay siya…At alam ko rin na alam mo na darating ang panhon that he will hurt her kahit hindi niya gusto.”

          “Sebastian will never do that.” He said confidently.

        

          Sunod-sunod na umiling si Wolfram “ I didn’t know that you are this naïve.”

         

        Napakunot ang noo ni Tyler. “What do you mean?”

         

         Pero sa halip na sumagot ito ay isang mapang-uyam lang na ngiti ang ibinigay nito bago siya tuluyang iniwan.

        

          At ayaw man ni Tyler pero unti-unti parang nakaramdam siya ng hindi maipaliwanag na kaba lalo pa at alam niyang hindi nagbibiro ang kaibigan ng kapatid.

WOLFRAM POV

          Alam niyang nagkamali siya ng magsalita pero hindi niya mapigilan ang hindi sagutin ang kapatid ng kaibigan. Ang dami hindi nito alam at hindi niya ito masisisi pero sooner or later malalaman din nito that they are not just a TMS na binuo para sa makakapangyarihan at maimpluwensyang pamilya…They are more than that…

 

ITUTULOY…

Trouble Makers Section "The Devils in Disguise..."Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon