"Chapter 26 "My Beloved Angel"

299 27 5
                                    

Chapter 26

Enrique POV

          “Gusto kong ilayo mo ang lalaking iyon kay Cassie.”

          Seryosong sabi ni Mr. Fontejon na ikinailing niya, minsan na siyang naging bulag sa bawat desisyon at bsinunod lahat ng gusto ng lolo ni Cassie at hanggang ngayon pingsisisihan pa niya iyon.

          “Leave them alone Dad, Sebastian loves Cassie so much at alam kong kahit kalian hinding-hindi niya sasaktan ang anak ko.”

          “Sinusuway mo ba ako Enrique!”

          “Sa pagkakataong lang ito dad, dahil alam ko na ito ang pinakatamang gawin para kay Cassie.”

          “Ako ang lolo niya at alam ko ang makabubuti sa kanya!”

          “At ako ang ama niya! Dad alam ko nag alit nag alit ka sa akin dahil nasaktan ko ng sobra ang anak nyo pero hayaan naman ninyo akong maging ama sa anak ko.” Hindi na rin niya napigilang magtaas ng boses, ang daming taon niyang kinimkim ang lahat. At araw-araw halos mamatay siya kapag nakikita niya si Cassie na nagdudusa.

          “At kung masaktan si Cassie!”

          “Hindi siya sasaktan ni Sebastian.” He said confidently.

          “Bahala ka! Gawin mo ang gusto mo pero kapag ansaktan si Cassie ng lalaking iyon, humanda ka sa akin!” Hindi na hinintay pa ni Mr. Fontejon ang sasabihin ni Enriwue bago mabilis na tumalikod at naglakad paalis ng bahay ng mga Ventura.

          “Dad, sigurado po ba kayo sa ginagawa nyo?” Tyler said matapos tuluyang makaalis ang lolo ni Cassie. Kaibigan niya si Sebastian pero oras na magkamali ito alam niyang hindi nagbibiro ang matandang Fontejon, kukunin talaga nito sa kanila ang kapatid at this time natatakot siya na kahit ang mga TMS ay wala ng magagawa para mabawi pa ito.

          “Minsan ko ng tinalikuran ang kapatid mo at hanggang ngayon pinagsisisihan ko pa iyon. At sa pagkakataon na ito isusugal ko ang lahat para lang maibalik siya sa dati isang bagay na dapat matagal ko ng ginawa.”

          Sa nakikita ni Tyler na determinasyon sa mukha ng ama alam niyang wala na siyang magagawa pa para baguhin ang desisyon nito at buong puso niyang hinihiling na sana ay maging maayos din ang lahat.

Cassie POV

          “Bakit ba kasi ako Sebastian? By now alam mo na siguro kung gaano kakomplikado ang buhay ko? So bakait ako pa rin?” Aniyang nakatingin lang sa kamay niyang nakapatong sa kanyang kandungan.

          “Kailangan ba lagi ng rason kapag naiinlove ka sa isang tao.” Tinatamad na naibagsak ni Sebastian sa kama ng dalaga bago patagilid na humarap dito.

          Isang malalim na buntong hininga ang napakawalan ni Cassie. “I can be childish you know?”

          Marahang natawa si Sebastian dahil kung noon halos isumpa na niya ang pagiging isip bata ng dalaga nagyon naman parang hindi na kaya ng sistema niya ang hindi ito makitang kumikilos ng ganoon. “Alam ko na iyon.” He said with a laugh.

          “I can be selfish and sometimes irresponsible.” Mahinang sabi ni Cassie.

          “Don’t worry for you I can be selfless at sabi ng iba masyado dw akong responsible kaya pwede na sa ating dalawa iyon. Kung hindi mo kayang maging responsible ako ang gagawa noon para sa ating dalawa, sabi nga nila diba two is better than one.”

          Isang malalim na bungtong hininga ang napakawalan ni Cassie kahit ano yatang sabihin niya hindi na magbabago ang isip nito.

          “Baka masaktan kita Sebastian…alam ko na pwedeng mangyari na sobra kitang masaktan kahit hindi ko sinasadya.” She said seriously habang nakatingin pa rin sa kanyang mga kamay. Hindi niya kayang makita ang malaking trust sa mga mata nito para sa kanya.

          “Are you trying to change my mind Cassiopeia?” Ang amuse na sabi nito.

          Hindi naman niya napigilang mapasimangot. Hito siya at halos nilalait na ang sarili pero tinatawanan lang nito. “Seryoso ako!” Inis niya itong nilingon para lang matigilan ng yakapin siya nito mula  sa kanyang likuran bago masuyong ipinatong ang ulo sa kanyang balikat.

          “Sabi ko noon maraming iba, na makakakita ako ng katulad ko na seryoso sa buhay at alam kung ano talaga ang gusto, sabi ko rin noon mas makabubuting isuko ko na lang ang nararamdaman ko dahil wala namang mangyayari. Pero kinain ko rin ang lahat ng iyon kasi kahit na anong gawin ko hindi ka na talaga nawala dito sa puso ko eh, para kang isang permanenteng tattoo na kahit anong gawin ko ay hindi maalis dito sa aking puso.”

          “Sebastian.” Ang tangi niyang nasabi.

          “I know that you don’t love me pero pasensya ka na kasi kaya kung ibigay lahat para sa iyo pero hinding-hindi ko kayang kalimutan itong nararamdaman ko para sa iyon dahil alam ko na maliban sa iyo wala na aong ibang mamahalin.”

          “I can never be the responsible girl for you. I am what I am at hindi ko iyon mababago para sa kahit na kanino o kahit na para sa iyo.” She said warningly pero tinawanan lang siya nito at randam na randam niya ang mainit nitong hininga sa kanyang balat.

          “Hindi naman kita gustong baguhin eh. Tinanggap kita s akung ano ka. Lahat ng sino at ano ka ay minahal ko.”

          “Why me?” Ang mahina uli niyang tanong.

          “Kung sasabihin ko ang lahat ng mga posibilidad na sagot sa iyo ay baka abutin lang tayo ng umaga.”

          “Sebastian.” She said again warningly.

          Kumalas ito sa pagkakayakap nito sa kanya bago mabilis na lumuhod sa harapan niya at maingat  nahinawakan ang kanyang dalawang kamay at masuyo iyong ipinatok sa dibdib nito kung saan ramdam na randam niya ang malakat at mabilis na pintig niyon.

          “Can you feel it Cassiopeia?” He said while looking at her intently.

          Isang tango lamang ang naging sagot niya habang nakatingin dito kung saan kitang kita niya ang matinding pagmamahal sa mga mata nito.

          “Ikaw lang ang kaisa-isang babaeng kayang gumawa niyan sa puso ko. I love you Cassiopeia. And my heart beats this way only for you.”

          Hindi niya nagawang makaimik. His eyes held so much emotion that it makes her feels something that she cannot understand.

          “You don’t need to answer because my love for you is already enough for me. Mahal kita sa sa lahat ng rason na maari kong maisip. Hindi mo man ako mahal ngayon ayos lang makulit naman ako eh, gagamitin ko na lang iyon para maging pareho tayo ng nararamdaman at kapag nangyari iyon mas lalong hindi na kita papakawalan pa.”

          “Why?”

          Nangingiting masuyo nitong pinisil ang kanyang ilong.Simply because you are my beloved angel.”

ITUTULOY…

           

         

          

Trouble Makers Section "The Devils in Disguise..."Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon