Chapter 3
Alam mo ba yung pakiramdam na nakipagbuno ka sa isang napakalaking tao o kaya naman yung pakiramdam na para bang tumakbo ka ng 21k run na walang tigilan habang may dala-dalang napakabigat na bigay? Iyon na iyon ang pakiramdam niya ng mga oras na iyon.
Grabe pakiramdam niya ano mang oras ay babagsak na siya sa sobrang pagod. Bilang parusa kasi sa pagpapasabog daw nila ng computer laboratory ay pinatakbo silang lahat ng kanilang Dean sa buong oval ng campus ground nila.
Madali namang tumanggi kung gugustuhin talaga nila pero habang tinitingnan nila ang nakangising mukha ng Dean nila na para bang inaasahan na talaga nito ang pagrerebelde nila ay hindi na nila nagawang magprotesta.
Alam naman nila kung ano ang tingin sa kanila ng karamihan pero hinding hindi nila bibigyan ng satisfaction ang mga na patunayan ang gusto nilang isipin sa kanila.
“You look really dead tired Cassie.”
Isang hikab lang ang naging sagot niya kay Caleb dahilan para tawanan siya nito. She is difinitely tired.
“Come on ihahatid na kita sa inyo bago ka pa man makatulog dito sa daan.” Nang kinuha ni Caleb ang dala niyang mga gamit at masuyo siyang inakbayan para alalayan ng mapansin nito ang pagsuray niya sa paglalakad ay pinabayaan lang niya ito kaysa naman mahalikan niya ang sementong dinadaanan nila.
Pero laking gulat na lang ni Cassie ng biglang may humila sa kanyang braso na kung hindi pa siya naalalayan ng humila sa kanya ay malamang na nadapa na siya at kasalukuyang humahalik sa lupa.
“What the h---?”Anuman ang sasabihin niya ay hindi na niya naituloy dahil ng tumingala siya ay nakita niya ang napakadilim na mukha ni Sebastian habang matalim ang mga matang nakatingin kay Caleb na ng tingnan niya ay siya namang kabaliktaran ni Sebastian dahil napakakalmado ng mukha nito habang buong tapang na sinasalubong ang tingin ni Sebastian na nakakatakot talaga ang expresyon ng mga oras na iyon.
“What are you doing here!” Bakit ba kapag iniiwasan niya ito para naman itong kabuteng bigla na lang susulpot sa tabi niya.
“May problema ba Cassie?” Ang malumanay pero seryosong tanong ni Caleb na kalmado pa ring nakatingin kay Sebastian na lalo yatang dumilim ang mukha.
Sa mga oras na iyon parang muling nakikita ni Cassie ang dating seryoso at hindi marunong ngumiting Sebastian at hindi niya mapigilan ang sariling mailang dahil kapag ganito na kasi ito ay hindi na niya alam kung paano ito ihahandle lalo pa at talagang napakaseryoso nito.
“Cassie?”
Muli siyang napatingin sa kaibigan na ngayon ay nakatingin na sa kanya ng buong pag-aalala. “Ahm…Wala?” She cursed herself for that stupid tone in her answer.
Hindi niya talaga alam kung bakit nagkakaganito si Sebastian. Pero dati na namang mainit ang dugo nito kay Caleb kahit noong unang encounter palang nito sa kaibigan na kahit anong gawin niyang pag-iisip ay hindi talaga niya malaman ang dahilan.
Tandang tanda pa niya ang nangyari noon sa pagitan ng dalawa.
Katatapos lang ng practice nila noon sa Tagaytay at wahil wala ang kapatid ay kay Caleb na lang siya sumabay pauwi dahil malapit lang naman ang bahay nila sa Subdivision ng mga ito.
"Anong ginagawa mo dito?" Ang nakakunot niyang tanong kay Sebastian na bigla na lang sumulpot sa kung saan.
"Susunduin kita." Anito habang seryosong nakatingin sa kanilang dalawa ni Caleb partikular na kay Caleb na tahimik lamang ding nakatayo sa tabi niya.
BINABASA MO ANG
Trouble Makers Section "The Devils in Disguise..."
RomanceThey are from the wealthiest clan in the country and for everyone they are nothing but spoiled rich kids who knows nothing about the real world. Wherever they are troubles sure will follows... They are the section that their whole s...