Chapter 9 "FRIENDSHIP"

481 31 2
                                    

Chapter  9

Sebastian POV

          Isang malalim na buntong hininga ang napakawalan ni Sebastian ng hindi siya pagbuksan ni Cassie. Mula ng matapos ang tournament hindi na ito lumabas sa kwarto nito talagang masyado  nitong dinamdam.

       Habang nakatingin sa nakasaradong pinto ng kwarto nito parang nakikita na niya doon ang dalaga na walang tigil sa pag-iyak. Mrahas siyang napabuntong hininga parang hindi niya gustong isipin sa ganoong sitwasyon si Cassie.

       “Cassiopeia, please lumabas ka na naman diyan o…Nag-aalala na kami sa iyo. Pangako pag lumabas ka gagawin ko ang lahat ng gusto mo.” He said desperately pero wala pa ring nangyari kaya naman malungkot na naman siyang umalis.

        “Ayaw pa rin bang bumaba ni Cassie?”

          Isang buntong hininga lang ang naging sagot niya kay Tyler. Kahit anong sabihin nito ay hindi pa rin niya maiwasan ang mag-alala para sa dalaga. “Isang lInggo na siyang nagkukulong dun  Tyler buti nga kinakain pa rin niya iyong pagkain na iniiwan natin sa labas ng kwarto niya pero maliban doon wala na.”

        "Ito kasi ang unang pagkakataon na natalo si Cassie."

        Napatingin siya sa kaibigan. "As in?"

        Tumawa si Tyler ng mapait at hindi niya alam kung para saan ang bitterness na nakikita niya sa mata nito na mabilis din nawala. "She grew up in a very unsual way, Seb."

        "What do you mean?" Ang nakakunot na noong sabi niya.

        "Ask Cassie." Ang seryoso nitong sabi.

        Siya naman ang napatawa sa sinabi nito. "As if naman magkukwento iyon sa akin."

        "Tigilan mo kasi ang pang-aasar sa kanya."

        "It's not intentional...nangyayari na lang." He said defensively na tinawanan lng ng kaibigan.

        "Wala ka bang alam na paraan para lumabas si Cassiopeia?"

         “Si daddy tiyak na makakapagpalabas sa kanya kaya lang next week pa ang dating ni Dad eh.”

        “So isang linggo pa akong mag-iintay bago lumabas si Cassiopeia!” He said disbelievingly .

         “Or we can ask their help.” Tyler added suddenly.

          “Who?” Nakakunot niyang tanong.

          “The TMS.”

     Natigilan siya sa sinabi nito. Alam niyang myembro ng TMS si Cassie pero sa loob ng pagkakaibigan nila ni Tyler hindi pa talaga niya nakakausap ang mga ito maliban kay Caleb kaya hindi niya kilala ang mga ito.

          “Then call them.” He said quickly.

          Saglit siyang tiningnan ni Tyler anumang sasabihin nito ay hindi na natuloy ng bumukas ang pinto at mula doon ay pumasok ang mga taong kasama niya noong nag-iintay kay Cassie sa labas ng clinic.

          “Mukhang hindi ko na kailangang tawagin sila.”

          Tahimik niyang pinagmasdan ang mga ito. Noon lang niya lubos na naobserbahan ang mga ito. Bawat isa sa mga ito ay may mga katangian na hindi mo basta-basta iapgsasawalang bahala. Sila iyong grupo na agad makakaattract ng kahit na sino at siguro kung hindi lang siya bulag para kay Cassiopeia malamang naakit na siya sa mga babaeng kasama ng mga ito.

Trouble Makers Section "The Devils in Disguise..."Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon