Chapter 10
Para siyang nabunutan ng tinik habang pinagmamasdan si Cassie na masayang nakikipagkulitan sa mga kaibigan nito kaya naman hindi niya maiwasan ang mapangiti.
“At least mukha ng ayos ang kapatid ko.” Ang nangingiti ring sabi ni Tyler sa kanya.
“Yes...buti na lang may pakinabang rin pala ang mga kaibigan niya.” Ang natatawa niyang sagot.
Tyler laugh. “Dont be hard on them hindi mo alam baka kailanganin mo ang tulong nila someday.”
Siya naman ang natawa dahil sa sinabi nito. Siya mangangailangan ng tulong ng mga ito? Eh first encounter pa nga lang nila sobrang kapal na ng tensyon.
Agad na nawala ang ngiti niya ng lapitan siya ni Alexis Matthew na walang kangiti-ngiti sa labi.
“Let’s talk Mr. Lee.”
Maliwanag na hindi isang pakiusap iyon kundi isang utos na ikinainis niya. “At kung ayoko ko.”
“Hindi kita pinakikiusapan.” Alexis Matthew said seriously bago tumalikod.
“Mukhang nagsisimula na sila.” Ang tila amuse na sabi ni Tyler habang nakatingin rin sa papalayong si Alexis Matthew.
“Anong ibig mong sabihin?"
Isang tawa muli ang pinakawalan ni Tyler bago marahan siyang tinulak pasunod kay Alexis Matthew kaya naman kahit naguguluhan ay naglakad na lang siya pasunod dito.
Tyler POV
Bata pa lang siya ay alam na niya na may higit na kahulugan ang pagkakasali ng kapatid sa TMS. Hindi lang ito basta grupo para pagsamahin ang mga kabataan mula sa pinaka maiimpluwensyang angkan sa Pilipinas.
Natatandaan pa niya noon kung paano tumanggi ang ama niya na isali roon si Cassie pero sa bandang huli wala rin itong nagawa kundi ang sundin ang gudto ng lolo ni Cassie bagay na alam niyang hanggang nggayon ay pingasisisihan pa rin ng kanyang ama.
Sa bawat araw na nagdaan kitang-kita niya kung paano nahihirapan ang kapatid lalo pa at halos di numero ang kilos nito pati na rin ng ibang TMS. Minsan na niyang nakita kung paano nawala ang kinang sa mga mata ng kapatid at kung paano tila hindi na nito alam kung paano ngumiti.
Nabago lang ang lahat ng matutunan ng TMS kung paano ituring ang bawat isa na isang pamilya. Nakita niya kung paano protektahan ng mga ito ang bawat isa kaya naman nawala na ang pag-aalala nila para kay Cassie.
Hindi niya alam kung ano ang ginawa ng kaibigan at sa wakas ay napansin na rin ng TMS ang presensya nito pero sana malampasan ng kaibigan ang pagsubok ng TMS dahil kung may gusto siya para sa kaibigan ay wala ng iba kundi si Sebastian dahil natitiyak niyang aalagaan nito si Cassie.
Sebastian POV
Agad napakunot ang noo niya ng makarating sila ni Alexis Matthew sa may swimming pool at makitang halos yata ng lalaking TMS ay nandoon.
“Hindi na kami magpapaligoy-ligoy pa ,gusto naming layuan mo si Cassie.”
Napakuyom ang dalawa niyang palad sa sinabing iyon ni Alexis Matthew. Sino ba ito sa tingin nito ito para utusan siya ng ganito.
“At kung hindi ko gawin.” Matigas at puno ng galit na sabi niya.
Isang nakakalokong ngiti ang isinagot nito bago inihagis sa kanya ang isang folder na iniabot dito ng isa sa TMS.
“Paano mo patutunayan ang sarili mo kay Cassie kung ang sarili mo mismo ay hindi mo pa maayos?”
Nagtagis ang mga ngipin niya sa galit sa sobrang galit. Mukhang nahalukay na ng mga ito ang buong pagkatao niya.
“Layuan mo si Cassie at lalayuan ka namin.”
“Go to hell!” Mahina niyang sabi at muntikan na niyang ikangiti ng makita ang pagkabigla sa mukha ng mga ito. Layuan si Cassie! Nagpapatawa ba ang mga ito! Eh ano kung hindi maganda ang nakaraan niya hindi naman iyon mahalaga! At saka sino ba ang mga ito para utusan siya!
“Pardon!” Ani Wolfram na parang sasabog na sa matinding galit.
“Ang sabi ko Go to hell!”
“Tarantado ka ah!”
Hindi na niya hinintay pa ang sasabihin ng iba mabilis niyang sinuntok si Alexis Matthew at mahigpit itong kwenilyuhan. Kitang kita niya ng tangkain ng iba na sugurin siya pero mabilis iyong sinenyasan ni Alexis Matthew.
“Makinig kang mabuti Alexis Matthew dahil isang beses ko lang itong sasabihin! Wala akong pakialam kahit kayo pa ang hari ng Pilipinas o may-ari ng mundo pero hinding-hindi ko lalayuan si Cassie! At walang sinuman sa inyo ang makakapigil sakin para lapitan siya! Kaya tigilan ninyo ang pag-uutos sa akin!
Malakas niya itong sinalya bago ambilis na tinalikuran ang mga ito bago pa siya makagawa ng isang bagay na ikagagalit tiyak ni Cassie.
Alexis Matthew’s POV
“Ayos ka lang ba?”
Mabilis niyang tinanggap ang nakalahad na kamay ni Lance pagkatapos ay mabilis na pinahid ang dugo sa gilid ng labi niya.
“That guy!”
“Sino siya sa tingin niya para gawin iyon!”
Rinig na rinig niya ang protesta sa mga ito pero ang tanging atensyon niya ay nakafocus sa papalayong si Seb.
“But you deserved it you know.”
Lahat sila ay napatingin kay Gift na mukhang kanina pa nanonood. Mabilis naman niyang naiiwas ang kanyang mata hindi niya kayang salubungin ang walang ekspresyon nitong mga mata na para bang kahit wala itong sinasabi ay hindi niya maiwasan na makaramdam ng ng guilt.
ITUTULOY…
************************
Please continue reading
Vote
Comment
Please
TNXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX^___________^
BINABASA MO ANG
Trouble Makers Section "The Devils in Disguise..."
RomanceThey are from the wealthiest clan in the country and for everyone they are nothing but spoiled rich kids who knows nothing about the real world. Wherever they are troubles sure will follows... They are the section that their whole s...