Chapter 22
ALEXIS MATTHEW POV
Tulad ng inaasahan galit na galit si Mr. Fontejon ng madatnan nito ang magulo nitong mansyon lalo na ng makita nito sina Alexis Matthew at Gift na kalmado lang nag-iintay dito habang nakaupo sa sofa.
“Anong ibig sabihin nito!” Ang malakas at halos dumagundong nitong sigaw.
“Let’s talk Mr. Fontejon.” Alexis Matthew said in a strong and determine voice.
“Siguraduhin mo lang na may saysay ang sasabihin mo Alexis Matthew dahil kung hindi wala akong pakiaalam kahit na sino kappa dahil talagang mananagot kayong lahat SA AKIN.”
“This is about Cassie.” Ang walang kangiti-ngiting sabi ni Gift.
“Anong tungkol sa apo ko? Everything is doing fine. Nandito siya sa poder ko at natitiyak ko na walang nangyayaring masama sa kanya.Naaalagaan ko siya.”
“Naaalagaan! You are treating her as a prisoner!” Hindi maipigilang diin ni Matthew.
“Ginagawa ko lang ang alam kong tama!”
“Hindi pa ba kayo natuto sa pagkakamali ng nakaraan at muli ninyong inuulit ang ginawa ninyo noon?”
Natahimik si Mr. Fontejon sa sinabi na iyon ni Gift. “Ginagawa ko lang ang lahat para sa apo ko.Gusto ko kapag dumating ang panahon na maipasa ko ang lahat sa kanya hindi siya lalamunin ng totoong mundo.”
“Malakas si Cassie , Mr. Fontejon,kailangan mo lang maniwala sa kanya at kung dumating man ang araw na kinatatkutan ninyo hindi siya ang-iisa, kaya nga ninyo kami binuo diba para sa isa’t isa.”
“Tama si Gift Mr. Fontejon, Binuo ninyo kami noon kahit labag sa loob namin. Dahil sa ginawa ninyo sa amin noon natutunan namin na asahan ang bawat isa at natutunan din namin na alagaan ang bawat isa kahit na sino at sa kahit na anong paraan. Mahihirapan at mahihirapan kami pero hinding-hindi naming pababayaan ang bawat isa.”
“Gusto kong masigurado na hindi mapapahamak si Cassie.”
Umiling is Gift ng sunod-sunod bago matiim na tumingin kay Mr. Fontejon at sa kauna-unahang pagkakataon natagpuan ng matandang Fontejon ang sarili na hindi matagalan ang titig ng isang tao.
“Kailangan nyo ng tanggapin na hindi na ninyo responsibilidad si Cassie. Matagal na ninyo iyong isinuko ng isama ninyo siya sa TMS.”
“Apo ko si Cassie.” He said not really knowinh kung ano pa ang sasabihin dahil kahit ayaw man niyang aminin ay tama ang mga ito.
“Pero kayo ang nagdesisyon nito kailangan ninyo itong harapin.”
Isang malalim na buntong hininga ang napakawalan ni Mr. Fontejon dahil sa sinabing iyon ni Alexis Matthew. “Sige panalo na kayo hindi ko na pakakailaman pa si Cassie pero may isa akong kondisyon.”
“Sabihin ninyo.” Halos sabay na sabi nina Gift at Alexis Matthew.
RANDOM POV
Parehong tahimik at walang imik sina Sebastian at Cassie habang nakatingin sa maliit na papag kung saan sila itinuro ng mabait na matandang babae. Inalok na sila nitong doon magpahinga dahil malapit na rin namang mag-umaga at dahil parehong pagod ay hindi na sila tumanggi.
Si Sebastian ang nag-ayos ng tutulugan nila samantalang tahimik lang niyang pinanonood ito.
“Ayan ayos na, sige na magpahinga ka na.”
“Eh ikaw saan ka?”
“Syempre tabi tayo.”Ang masaya pa nitong sabi na para bang napakaobvious naman ng sagot sa tanong niya.
Halos manlaki ang mga mata niya sa narinig. “Ano ka siniswerte.”
“Huwag kang mag-alala kahit gapangin mo ako hindi ako lalaban.” Anito na nakuha pang ngumiti na talaga namang nakakaasar.
“Gusto mo isalya uli kita?” She said warningly pero sa pagkainis niya ay tinawanan lang siya nito bago walang pakialam na inakbayan siya.
“Ikaw naman hindi ka na mabiro. Sige na matulog ka na at ako naman ay dito lang sa tabi at babantayan kita.”
Napakunot ang noo niya sa sinabi ng binata.“Wala kang bang planong matulog?”
“Mamaya niyan kapag pumikit ako bigla ka na lang maglaho at sa pagkakataong iyon hindi na talaga kita makita.” Ang nakangiti pa rin nitong sabi.
Kahit nakangiti si Sebastian pakiramdam ni Cassie hindi ito nagbibiro pero sa bandang uli pinili na lang niyang ipagsawalang bahala iyon lalo pa at pagod at antok na rin siya.
Nahiga siya sa papag at tulad ng sinabi nito naupo nga lang ito sa isang tyabi at tahimik na nakatingin sa kanya. Dapat mailing siya o maging uncomfortable ang pakiramdam niya pero hindi sa halip ay pakiramdam niya ligtas siya at walang anuman ang maaring mangyari sa kanya dahil nandoon ito.
“Ayos ka lang ba diyan?”Ang pamaya-maya ay tanong nito.
Ngumiti siya habang nakapikit. Kung tutuusin kahit matigas ang kinahihigaan niya ay mas komportable iyon kaysa sa pwesto nito, pero ito ngayon ito at siya pa ang tinatanong. “Oo naman, sanay naman ako sa ganito eh, Madalas kasing mag-outing ang TMS kaya minsan kung saan saan kami naabutan ng gabi at kung saan-saan din kami natutulog.”
“Close talaga kayo ng TMS ano?”
“They are my…f-family.” She said softly habang unti-unti na siyang idinuduyan ng pagod at antok.
Natawa si Sebastian. “Sleep my Angel.” Mahina niyang sabi ng makitang tuluyan ng nakatulog ang dalaga.
Ang totoo kahit pilitin niya ang sariling matulog ay tiyak ng hindi niya magagawa. Natatakot siyang kapag ginawa niya iyon ay bigla siyang magising na wala na ito at marealize niyang bigala na panaginip lang pala ang lahat.
“Mahal na mahal mo siguro talaga siya ano.”
Napatingin siya sa nagsalita para lang makita ang matandang dalaga na nakasilip sa may pintuan at nakangiting nakatingin sa kanya.
“Sobra po….” More than my life .Ang tahimik pa niyang dagdag.
“Maswerte siya sa iyo.”
Napangiti siya sa sinabi nito. “Mas maswerte po ako sa kanya. Siya po ang aking Angel.”
Napangiti naman ang matanda sa sinabi niya bago maya-maya pa ay nagpaalam na ito sa kanya.
Tama si Cassiopeia ang kanyang Angel, at kapag nawala ito baka…hindi dahil natitiyak niya titigil ang mundo niya kapag nawala ito.
ITUTULOY…
![](https://img.wattpad.com/cover/19797826-288-k661119.jpg)
BINABASA MO ANG
Trouble Makers Section "The Devils in Disguise..."
RomanceThey are from the wealthiest clan in the country and for everyone they are nothing but spoiled rich kids who knows nothing about the real world. Wherever they are troubles sure will follows... They are the section that their whole s...