Chapter 17 "Lost Without Her."

337 27 3
                                    

Chapter 17

Cassie POV

          Walang pinagbago ang lugar na iyon, mababakas pa rin sa bawat sulok ang karangyaan pero para sa kanya isa lang batong nababalutan ng diamante ang Mansyon na iyon na kapag nawalan ng kinang mawawalan din ito ng buhay.

          “Welcome home Cassie.”

          Para siyang namatanda habang nakatingin sa matandang lalaki na ngayon ay apaplapit na sa kanya. Kahit matanda na ito ay kitang kita pa rin ang taglay nitong kakisigan noong kapanahunan nito. Ang bawat hakbang nito ay kakikitaan ng senyales na hindi ito basta-bastang tao lamang.

          Pinili niyang manahimik ahabng pilit na kinakalma ang sarili. Pilit niyang pinapakalma ang sarili kahit pa mas lalong nagiging prominente ang panginginig ng kanyang kamay.

          “Bakit ang tahimik mo hindi mo man lang ba ako babatiin?”

          Kahit  ayaw man ay napilitan siyang lapitan ito at bigyan ng isnag halik sa pisngi. “Kumusta po, lolo?” Ang mahina niyang sabi pero natiyak niyang rinig nito.

          “Mabuti naman ako apo pero alam ko na napago ka sa byahe, bakit hindi ka muna magpahinga sa iyong kwarto at mamaya ay magkwentuhan tayo pagkagising mo?”

          Gusto niyang magprotesta at sabihing mas gusto niyang umuwi pero isnag tingin pa lang nito sa kanya ay hindi na niya nagawang magsalita pa sa halip ay para siyang robot na sumunod sa bawat utos nito.

          Nang makapasok sa dating kwarto pagod siyang napasalampak sa sahig. Maganda ang silid na punong-puno ng mga paborito niyang stuff toys pero pakiramdam niya tinutuya siya ng mga ito dahil sa kaduwagan niya pero ano nga ba ang magagawa niya?

          Mahigpit niyang nayakap ang kanyang tuhod bago umiyak ng umiyak. Akala niya matagal na siyang nakalaya mula sa kulungan na ito pero mukhang magsisimula na naman ang bangungot niya. Oo makukuha pa rin niya ang lahat ng naiisin niya pero alam niya na ang kapalit noon ay kalayaan at kaligayahan niya…tulad noon.

Sebastian POV

          Lumalalim na ang gabi pero wala pa rin si Cassie, kanina pa nila pinipilit kontakin ito pero nakapatay iyon, hindi naman nila makontak ang TMS dahil wala silang contact number ng kahit na sino sa mga ito.

          Pauli-uli siya sa malawak na salas ng mag Ventura, hindi niya mapgilan ang kaba at takot na kanina pa niya nararamdaman, kahit kalian hindi pa ito ginawa ni Cassie kung gagabihin man ito lagi itong tumatawag. Kahit kalmado ang kaibigan alam  niya kung paano ito kinakaban  tulad niya.

          Halos sabay sila ni Tyler na napatakbo palapit sa may bintana ng marinig ang ugong ng papalapit na kotse at ng makilala nila ang kotse ni Cassie agad silang tumakbo sa may pinto para salubungin ito.

          Pero pareho rin sila natigilan ng mula sa pinto ng kotse ng dalaga ay lumabas ang isang lalaki pero mukhang kilala ito ni Tyler base sa reaksyon ng mukha nito.

          Matangkad ang lalaki at sa tingin niya mas matanda lamang ito ng ilang taon sa kanila ni Tyler. Mukhang may ibang lahi ito dahil sa natural na pagkablond ng buhok nito at pagiging mistiso ng balat nito at kulay asul nitong mata na tiyak niyang hindi gawa ng contact lense.

          “Ikaw! Nasaan ang kapatid ko!” Galit na kwenelyuhan ni Tyler ang lalaki.

          Nagulat si Sebastian sa inasal na iyon ni Tyler kahit kalian hindi ito naging marahas sa kahit na anong  pangyayari, lagi itong kalmado at nag-iisip muna bago kumilos o gumawa ng kahit na anong desisyon.

Trouble Makers Section "The Devils in Disguise..."Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon