Chapter 1 "Sadist and Masochist!!!"

1.8K 55 4
                                    

 Chapter 1

         Tahimik na pumasok si Cassiopeia A.K.A Cassie sa kanilang bahay. Nitong mga nakaraang araw masyado na  siyang naging abala sa practice nila ng lawn tennis kaya naman  hindi nakapagtatakang pakiramdam niya ay mauubos na talaga lahat ng kanyang lakas. Malapit na kasi ang major tournament at bilang team captain kailangan niyang mas lalo pang galingan lalo pa at ayaw niya ang pakiramdam na natatalo at wala siyang balak na maramdaman iyon.

         Sa mga oras na iyon wala siyang ibang gustong gawin kundi ang pumunta sa kanyang kwarto at magbabad ng wantosawa sa kanyang bathtub habang nakikinig ng music. Isipin pa lang iyon ay parang gusto na niyang tumakbo ng mabilis papasok sa kanyang kwarto.

       Mabilis niyang inihagis ang mga gamit niya sa kanyang kama bago naglakad patungo sa kanyang banyo habang unti-unting hinuhubad ang kanyang uniform.O______OO______OO______OO______O

        "AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!" 

        Parang bumalik lahat ng enerhiya niya sa katawan habang para siyang namatanda na di alam kung ano ang gagawin kundi ang tumili na lang  ng tumili habang nakatingin pa rin sa lalaki hindi man lang nag-abalang takpan ang sarili.

         “God! Lower your voice.” Ang sabi ng lalaking trespasser  na agad naman niyang ginawa sa pagkataranta bago nagdudumaling lumabas ng banyo at malakas na isara ang pintuan nito.

         Habang nasa labas randam na randam ni Cassie ang mabilis na pagpintig ng kanyang puso dahil sa nangyari.   "Oh God! Oh God! Yung virgin eyes ko tuluyan ng napollute!!! 

         “Okay Cassie…Inhale Exhale kalma ka lang isipin mo na lang isa siya sa.....sa....palakang dinisect mo noon? God anong connect?AHHHHHHHHHHHHHH he's nude!!!!AS IN NUDE!!!!

        Inhale exhale na kasi!

        Fine!!!

        Inhale..Exhale…Inhale…Exhale....

     Hindi na niya mabilang kung Ilang ulit din niya iyong ginawa bago tuluyang napakalma ang halos nagreregodon pa rin niyang puso, para lang mapatigil ng sa wakas ay marealize na niya kung sino ang pangahas…tampalasan…talipandas…at kung anu-ano pang pangalan ang nasa loob kanyang banyo…Tama KANYANG BANYO!!!

        How dare he!!!Hanggang dito ba naman iniinvade pa rin ng lalaking iyon ang AKING privacy!!!

       Agad na nagsalubong ang kanyang kilay bago tila isang amasonang humarap sa pintuan ng kanyang banyo at malakas na kinatok ang pinto (kinatok meaning kung mahuna lang ang pintuan malamang nasira na ito).

        “Hey!You! Get out of there!” Malakas pa at paulit-ulit pa niyang kinalampag ang pintuan.

     “Oh Come on can you give me a break for once Cassiopeia?” at parang naiimagine niya na umiiling-iling ito sa loob.

       Napakalumanay ng boses nito gaya ng dati. Masyado itong kalmado... ang totoo hindi nga niya matandaan na nataranta na ito o narattle kahit kailan, he is always too organize compared to her. Pero ang mas ikinasimangot niya ay ang pagtawag nito sa buong pangalan niya, he knows how much she hates it pero iyon at iyon pa rin lagi ang itinatawag nito sa kanya.

      “Sebastian! Hindi ako nakikipagbiruan sa iyo ha! Lumabas ka diyan ngayon din!” God!!!Bakit ba palagi kailangan niyang pagtiisan ang pangbubully ng lalaking ito!

         Parang nakikinita na niya ang nakakaiirita nitong ngiti sa loob lalo pa at alam nitong napipikon na siya. 

         Nang  bumubukas na ang pinto agad siyang namewang at nakataas ang kelay na hinanda ang sarili para harapin ito pero kung gaano kaasar ang itsura niya ay ganon naman ito kakalmado habang tila aliw na aliw na nakatingin sa kanya .Nakuha pa nitong sumandal sa pinto na tila walang pakialam sa kanyang galit.

Trouble Makers Section "The Devils in Disguise..."Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon