Chapter 28 "Her Heart is Crying!!!"

285 26 3
                                    

Chapter 28

Cassie POV

          Hindi siya madalas magalit pero kapag nagalit siya sobra kaya naman hangga’t maari ayaw niyang nakakaramdam ng ganoon .Pero habang nakatingin sa screen ng TV niya at nanood parang hindi niya maappriciate ang nakakatawang scenes doon para kasing mas gusto niyang magwala sa inis.

          “Tok…Tok…Tok..”

          Saglit lang niyang tiningnan ang pinto niya bago muling ibinaling ang tingin sa pinanonood na hindi naman talaga niya maintindihan kanina pa. Kahit hindi niya pagbuksan alam na niya kung sino ang kumakatok.

          “Cassiopeia?”

          Agad siyang napasimangot ng marinig ang boses ni Sebastian na may halong pag-aalinlangan at nerbyos ang boses.

          (Dapat lang dahil talagang gusto nya itong ibalya sa paraang mababali ang spinal cord nito!!!!!)

          “Come on Cassiopeia alam ko na nadiyan ka. At alam kong medyo galit ka sakin.”

          “Medyo!Sobrang galit ako sa iyo!!!!”  Gusto niyang isigaw dito pero ayaw niya itong kausapin kaya pinalaksan na lang niya ng sobra ang kanyang TV para naman malaman nito kung gaano siya kagalit.

Sebastian POV

          Isang malalim na buntong hininga ang napakawalan ni Sebastian ng marinig ang malakas na volume sa loob ng kwarto ni Cassie. Mukhang ayaw talaga nitong makipag-usap sa kanya.

          “Just leave her alone Seb…kapag nagpumilit ka baka itapon ka na ng kapatid ko palabas ng kwarto nya.” Ang natatawang sabi ni Tyler na katabi niya.

          “Shut up…”Mahina niyang sinuntok ang braso nito pero tinawanan lang siya nito. “Pare tulungan mo na lang kasi ako. Baka hindi na talaga ako kausapin ni Cassiopeia.”

          “Kailan ba kita natulungan pagdating kay Cassie? Alam mo naman ang kapatid ko, may sarili siyang isip at walang kahit na sino ang makakabago noo.”

          Nahahapong napaupo siya sa may pinto ng kwarto ni Cassie. “Kailangan niya akong kausapin para naman makapagpaliwanag ako.” Ang mahina at malungkot niyang sabi…Hindi niya sinasadya ang nagyari at kung may choice lang talaga siya hinding-hindi na niya iyon gagawin.

          Napailing si Tyler bago naupo sa tabi ng kaibigan. “Bata pa lang si Cassie hindi na mahaba ang pasensya niya kaya naman ayaw na ayaw niyang nag-iintay. Kaya…” Hindi na alam ni Tyler kung paano sasabihin sa kaibigan na mahihirapan itong kumbinsihin ang kapatid niya na kausapin ito.

          “She will talk to me right?” Sebastian said in a sad voice.

          “Oo naman.” Ang mabilis na sagot ni Tyler.

          “Tommorrow?”

           “Maybe?” He said unsurely at kung hindi lang siya magiging masamang kapatid baka natawa na siya ng sobra ng makitang parang pinagsakloban ng langit at lupa ang itsura ng kapatid.

          “The day after tomorrow?”

          Napakamot ng batok si Tyler pakiramdam niya isang batang paslit ang kausap niya na umaasang dadalhin niya ito sa isang amusement park. “Honetly Sebastian…hindi ko alam…kakausapin ka ni Cassie when she’s ready.”

          Naiiinis na naisabunot ni Sebastian ang dalawang kamay sa kanyang buhok bago mabilis na tumayo at muling kinatok ang pintuan ni Cassie.

Trouble Makers Section "The Devils in Disguise..."Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon