Chapter 14
Sebastian POV
Mas magaan na ang pakiramdam niya ngayon kaysa noon. Madalas silang mag-away ni Cassie pero ang hindi nito alam kapag kausap niya ito gumagaan talaga ang pakiramdam niya kaya kahit na nag-aaway sila ayos lang sa kanya dahil kahit paano sa pamamagitan noon kinakausap pa rin siya nito.
“Stop smiling, you look like a fool.”Nakasimangot nitong sabi na tinawanan lang niya ng malakas.
“I’m happy.”
“Good for you.” Ang matabang nitong sabi.
Mamasyal muna tayo bago tayo umuwi.” He said excitedly.
“Ayoko gusto ko ng umuwi at matulog.”
“Oh come on, Cassie huwag kang KJ.”
“Ayoko tinatamad ako.”
“Hindi ba may utang ka pa sa akin.”
Agad itong napatigil sa paglalakad at napatingin sa kanya habang nakataas ang isang kilay. “Paano naman ako nagkautan sa iyo?”
“Remember during you're game.I helped you.” Ang nakangisi niyang sabi alam niyang malaki ang pagpapahalaga nito sa isang salita.
Cassie POV
“Just be alright..then after pag-usapan natin kung paano mo ako mababayaran.”
Syempre natatandaan niya ang sinasabi nito at hindi niya maiwasang mainis dahil natandaan pa nito iyon.
Naiinis na hinigit niya ang kamay dito at penawengan ito. She glared at him pero nakuha pa nitong ngumiti sa kanya. “Your irritating!”
“A promise is a promise Cassiopeia.”Anitong na masuyong pinisil ang kanyang ilong na kung hindi nito mabilis na naiiwas ay malamang na nakagat na niya.
She glared at him fiercely pero tulad ng dati ngumiti lamang ito. Naiinis na talaga siya dito. Gusto nitong mag-enjoy fine then…tuturuan niya ito kung paano mag-enjoy na tinitiyak niyang hinding-hindi nito makakalimutan. (Evil laugh!!!)
She smiled sweetly at him at ng nakita niya iang kaba sa mata nito na pilit nitong itinatago hindi niya maiwasan mapatawa ng lihim., dapat talaga itong kabahan dahil hindi siya magiging mabait dito.
Sinadya niyang unahan ito sa driver seat at kahit anong protesta nito ay hindi siya umalis doon. Ngingi-ngiti-ngiti siya habang nagdradrive lalo pa at kitang-kita niya kung paano lalo ito kinakabahan.
Ilang oras din bago sila nakarating sa kanilang distension pero ng makita niya ang pamumutla nito parang nawala halos lahat ng pagod niya sa mahabang pagdadrive.
“Ahm Cassiopeia diba gusto mo ng umuwi…” He said matapos parang napipilitan lang itong bumaba sa kanyang kotse.
“A promise is a promise, remember.”
“Okay lang naman kahit hindi mo tuparin iyon…” Nenerbyos pa itong tumawa at kung hindi lang niya napigil ang sarili ay malamang na napatawa na siya ng malakas.
“Pero hindi ba sabi mo sa akin noong nagkukulong ako sa aking kwarto gagawin mo ang lahat para lang lumabas ako.” She said with a very straight face which was actually hard dahil sa tingin niya kung makakatakbo lang na mga oras na iyon ang binata ay tiyak na ginawa na nito.
“Sinabi ko ba yon?” Anitong tila mas ang sarili pa ang tinatanong pero pareho nilang alam na hindi siya nagsisinungaling kasi kahit na nagkukulong siya sa loob ng kanyang kwarto malinaw pa rin niyang naririnig lahat ng pakiusap sa kanya nito noon.
“Oo kaya tayo na.” Hindi na niya inintay pa ang sasabihin nito hinawakan niya ito sa isang kamay bago hinila papasok sa Enchanted Kingdom na alam niyang ayaw na ayaw nitong pasukan dahil may phobia ito sa mga rides pero sa araw na iyon titiyakin niyang lahat ng ayaw nitong sasakyan ay masasakyan nito ngayon.
“Ano bang uunahin natin? Anchors Away, Bump N' Splash,Dodgem, EKstreme Tower Ride, Roller Skater, Up, Up and Away o Wheel of Fate?” Super excited niyang sabi habang halos magningning ang mga mata habang inililibot ang tingin sa paligid kahit pa nga parang lalong namutla ang kasama niya.
“C-Cassiopeia.”
Hindi niya pinansin ang panginginig ng boses nito sa halip ay mabilis niya itong hinila patungo sa unang attraction na nakita niya.
“She will definite enjoy this day!” Ang natatawa niyang isip habang hila-hila si Sebastian na walang nagawa kundi ang sumunod sa kanya kahit pa nga alam na alam niyang gusto na nitong tumakbo palayo. "God! She is so wicked."
ITUTULOY…
BINABASA MO ANG
Trouble Makers Section "The Devils in Disguise..."
RomanceThey are from the wealthiest clan in the country and for everyone they are nothing but spoiled rich kids who knows nothing about the real world. Wherever they are troubles sure will follows... They are the section that their whole s...