Chapter 40

422 12 3
                                    

Chapter 40

          Gusto niyang ipikit ng mariin ang kanyang mga mata dahil sa sinabi nito. Bakit ba mas lalong nagsisikip ang dibdib niya dahil sa sinabi nito? Gusto niyang utusan ang sarili na magsalita at lumayo ditto pero bakit hindi niya magawa lalao pa at kitang-kita niya nag matinding pagmamahal sa mga mata nito para sa kanya.

          “You know someday you might realize that I may not be the angel that you think.”       

          Tumawa ito ng mahina bago siya niyakap ng mahigpit. “And someday you will definitely realize how wrong you are.”

          “I’m serious Sebastian.”

          Dahan-dahan itong kumalas sa kanya and looks at her intensely. “So am I Cassiopeia.”

          Isang malalim na buntong hininga ang napakawalan niya bago ito seryosong tinitigan. “Then let us test it.”

          Bago pa man ito makapagtanong o mahulaan ang gagawin na niya ay mabilis na niyang naiyakap ang isang kamay sa leeg nito at mabilis itong kinabig at inagkin ang mga labi nito.

          Naramdaman niya ang paninigas ng katawan nito na para bang hindi nito alam ang gagawin bago niya naramdaman ang pagtugon nito.

          Their was so intense that took her breath away pero hindi niya magawang tumgil. It was not her first kiss pero iyon ang unang pagkakataon na naramdaman niya ang ganoon.

          Natigil lang sila ng pareho na nilang kailangan ang hangin. Masuyong pinagdikit ni Sebastian ang noo nila habang pareho nilang habol ang kanilang mga paghinga.

          “What was that?” He said after. Mahigpit ang yakap nito sa kanya na para bang takot na takot itong bigla na lang siyang mawala.

          “Magdate tayo.” She said seriously not answering his question.

          “What?”

          “Ang sabi ko magdate tayo ngayon.”

          “Date?Ngayon?” Para itong gulong-gulo na hindi maintindihan ang sinasabi niya.

          “Ayaw mo?”She asked challengingly.

          Sa halip na sumagot ay mabilis at mahigpit lang nitong hinawakan ang kamay niya bago siya hinila pasunod dito.

          Ang totoo hindi niya alam kung bakit niya hinalikan ito at kung bakit niyayaya niya itong makipagdate sa kanya pero habang nnakikita niya ang malawak nitong ngiti pakiramdam niya hinding-hindi niya pagsisisihan ang pagiging impulsive

“Teka lang.” mabilis niyang hinila ang kamay para huminto ito sa paglalakad na agad namang ginawa nito.

“Bakit?”

“Gusto kong sumakay ng motor.”

“Motor?”

“Oo motor. Iyong malaki at mabilis.”

Saglit siya nitong tiningnan bago walang imik siyang iginaya papasok sa kotse nito na agad naman niyang ikinasimangot. Hindi siya nagbibiro sa sinabi niya! Gusto talaga niyang sumakay sa isang malaking motorbike habang tumatak bo ito ng mabilis kung saan malaya niyang mararamdaman ang hampas ng hangin na para bang lumilipad lamang siya, pero mukhang wala itong balak na pakinggang siya.

Pareho silang walang imikan habang nakasakay sa loob ng kotse ni Sebastian.Tahimik lang ito habang nagdadrive at dahil nawalan na siya ng ganang magsalita minabuti na rin niya ang manahimik. Tutal naman wala itong balak pakinggan siya hindi na lang siya magsasalita dahil baka lalo lang sumama ang loob niya.

Pero sa kanyang pagtataka bigla na lang nitong itinigil ang kotse nito sa isang tindahan ng mga motorbike bago mabilis siyang inalalayan palabas.

“Pumili ka na kung ano ang gusto mo.”Ang masuyo nitong sabi.

          Napakurap siya ng ilang beses habang nakatingin sa nakangiti nitong mukha. “Ha?” Ang napakatalino niyang sagot.

          “Sabi mo gusto mong sumakay sa isang motor bike diba? Kaso wala ako noon eh kaya bumili na lang tayo.”

          Kung magsalita ito parang napakasimple lang ng ipinaliliwanag nito at ang akala niya ay nagbibiro lamang ito pero ng mag-umpisa na itong makipag-usap sa ahente alam niyang seryoso talaga ito.

          “Alam mo ba kung paano patakbuhin iyan?” She suddenly feels unsure.

          “Huwag kang mag-alala mamatay muna ako bago ko hayaang masaktan ka.”

          Napacorny nito pero bakit hindi niya maiwasan ang mapangiti.

          “May napili ka na ba?”

          Ilang sandali niya itong tiningnan at ng masiguradong wala na siyang choice kundi ang sumunod dito ay tahimik niyang iginala ang paningin sa loob.

          Hindi niya alam kung gaano siya katagal namimili pero ng makita niya ang hinahanap hindi niya maiwasan ang mapangiti ng malawak.

          “Oh come on Cassiopeia you must be kidding!”Nanlalaki ang matang sabi nito ng mapansin nito ang tinitingnan niya.

          She looks at him pouting. “Sabi mo ppumili ako tapos ngayong nakapili na ako ayaw mo naman!”

          Ilang sandali din siya nitong tinitigan bago napapailing na kinausip uli ang ahente ng motorbike at alam ni Cassiopeia na panalo siya.

          Napakacute ng motorbike na para bang idenisenyo talaga para sa mga babae.Napakatingkad kasi ng pagkapink noon at may kung anu-ano pang burloloy.

          “Let’s keep this between us please.” Para bang gusto ng magmakaawa nitong sabi kaya naman mas lalo niyang hidni maiwasan ang mapangiti ng malawak.

          “This will be fun Sebastian!!!” Ang masaya niyang sabi at isang alanganing ngiti lamang ang ibinigay nito sa kanya kaya naman gusto na talaga niya ang mapatawa ng malakas…

          Pero lihim talaga siyang umaasa na maging masaya ang gabing iyon kung saan ito ang pinili niyang makasama sa huling pagkakataon…

 

 

ITUTULOY…

         

         

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 08, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Trouble Makers Section "The Devils in Disguise..."Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon