Chapter 18
Sebastian POV
“Anong ibig mong sabihin!” He said dangerously.
Para itong pagod na pagod habang nakaupo sa sofa at habang hawak-hawak ang ulo.
“Tyler!” Kapag hindi pa ito nagsalita patawarin siya ng Diyos pero masasaktan talaga niya ito sa kauna-unahang pagkakataon.
“Sit down Seb and I will tell you everything.”
Naupo siya sa harapan nito at tahimik itong inintay magsalita.
“Alam mo naman na anak lang ako sa labas diba? Mahirap lang ang mama ko pero nainlove sa kanya ang daddy ko pero dahil sa agwat nila sa buhay tumutol sa kanila ang mga magulang ni dad…hindi nagawang panagutan ni Dad ang mommy ko kahit na noong ipinanganak ako.”
“Hanggang sa magkaroon ng problema sa negosyo ang mga Ventura…kinailangan ni Dad na pakasalan ang mommy ni Cassie para tuluyang hindi bumagsak ang negosyo nila pero masyadong inaalagaan ng mga Fontejon ang kanilang reputasyon kaya kinailangang itago ni Dad ang tungkol samin ni Mommy.Pero namatay ang mommy ko noong six years old si Cassie kaya inilabas na ako ni Dad hindi iyon natanggap ng mommy ni Cassie na sa sobrang sama ng loob ay inatake sa puso.”Isang malalim na buntong hininga ang napakawalan nito.
“Nang mamatay ang mommy ni Cassie kumalat ang tungkol sa akin at unti-unting nasira ang reputasyon ng mga Fontejon. Galit na Galit ang lolo ni Cassie at sa sobrang galit niya unti-unti niyang sinabotahe nag negosyo ng mga Ventura. Hindi alam ni dad ang gagawin noon. T-Then nagkaroon ng balita na magbubuo ng isang grupo para sa mga anak ng mga maiimpluwensyang pamilya. P-Pinilit ni Mr. Fontejon na isali si Cassie at kahit na labag sa loob ni Dad ay wala rin siyang nagawa.”
“What happened then?” Udyok niya ng bigla itong tumigil sa pagsasalita.
“Everything changed after that Sebastian.”
Kitang-kita niya ang sakit sa mga mata ng kaibigan at alam niya na anuman ang marinig niya ay maaaring hindi niya magustuhan. “Anong nangyari Tyler?”
“Kitang-kita ko kung paano nagbago si Cassie. Kung paano nawalan ng kinang ang mata niya at kung paano niya nakalimutang ngumiti. Hindi na nga siya halos nagsasalita noon, at nag-umpisa na niya akong kamuhian ng sobra. Unti-unti siyang nagtayo ng pader sa paligid niya na kahit si dad ay hindi makuhang ireach out siya.”
Napakunot ang noo ni Seb parang hindi niya makita ang batang nilalarawan nito sa nakilala niyang si Cassie, at ayaw niyang makita ito s aganoong estado.
“Nang sabihin ni Mr. Fontejon na kukunin na nito si Cassie, my heart broke ng magmakaawa si Cassie kay dad at sa akin noon na huwag siyang ibigay sa lolo niya. Pero wala kaming nagawa.”
“She was only six, Tyler!” Nagtatagis ang bagang pigil na sigaw niya, parang nakikita niya ang batang si Cassie noon habang umiiyak ang sumisigaw ng tulong pero tinalikuran ito ng mga taong dapat ay tumulong dito. Hindi niya gustong isipin kung paano ito nasaktan ng sobra ng isuko ito ng mga taong dapat ay lumalaban para dito. Walang sinumang bata ang dapat makaramdam ng ganoong sakit…wala…at lalong hindi dapat iyon naramdaman ni Cassie.
“Sa tingin mo ba gusto ko siyang pabayaan noon!Gustong-gusto ko siya noong hawakan at ilayo pero bata lang ako Seb, bata lang ako…at wala pa akong akkayahan para ipaglaban siya.”
“She was just a child!” Galit niyang naihilamos ang kamay sa mukha. “Ano bang nangyari noon!” Ayaw na niyang marinig ang lahat pero alam niyang kailangan niya para kay Cassie.
“No one knows, ang alam ko lang lahat ng TMS ay sinanay ng sobra para mas amhawakan nila ang negosyo ng bawat pamilya. Ang alam ko lang anuman ang ginawa nila sa TMS lahat sila ay naapektuhan noon.”
“Pero ayos na sila diba?” He asked hping for a positive answer.
“Nang ibalik samin si Cassie she was normal again…Tumatawa at naglalaro ng tulad ng ibang bata pero kahit na ganoon nag-iba pa rin a ng lahat dahil sa pagkakataong iyon ang TMS na ang naging pamilya niya. Pamilya niya man kami pero alam ko na kapag pinapili between us and the TMS pipiliin niya nag TMS ng walang pag-aalinlangan.”
“Nandito siya sa amin pero ang puso niya ay kasama ng mga TMS. Naging isang pamilya sila na kahit ang totoong nilang mga pamilya ay hindi kaya ng sirain ang pundasyon na binuo nila dahil ng araw na talikuran sila ng lahat ang isa’t isa ang naging sandigan nila. Ang away ng isa ay naging away ng lahat. Kapag nasaktan ang isa ang buong TMS ang makakalaban.”
“Habang buhay kong ipagpapasalamat sat TMS ang pagkakaligtas nila kay Cassie pero kung maibabalik ko ang lahat…kung maibabalik ko ang panahon hinding hindi ko tatalikuran ang kapatid ko sa halip ay hahawakan ko ang kamay niya at itatakas siya.”
Kitang-kita niya ang napakatinding sakit sa mga mata ng kaibigan kaya namn wala siyang nagawa kundi ang mapabuntong hininga na lamang.
“Kailangan tayo ni Cassiopeia.” Ang maya-maya ay sabi niya.
“Alam ko.”
“Babawiin ko siya.” Sabi niya habang diretsong nakatingin sa mata ng kaibigan para ipahiwatig dito na kahit anong sabihin at gawin nito ay hindi siya nito mapipigilan. Babawiin niya ang dalaga at wala siyang pakialam kung ang maipluwensyang angkan pa ng mga Fontejon ang makalaban niya. Kailangan siya ng dalaga at sa pagkakataong iyon titiyakin niya na may lalaban na para rito.
“Sebastian.”
“Don’t Tyler…I love Cassiopeia. I love her so much…I love her more than anything. For her I will do everything..She is my life Tylere.” He said sincerely. Babawiin niya ito…
ITUTULOY…
![](https://img.wattpad.com/cover/19797826-288-k661119.jpg)
BINABASA MO ANG
Trouble Makers Section "The Devils in Disguise..."
RomanceThey are from the wealthiest clan in the country and for everyone they are nothing but spoiled rich kids who knows nothing about the real world. Wherever they are troubles sure will follows... They are the section that their whole s...