Chapter 23
Cassie POV
Kanina pa sila nakatayo sa labas ng bahay nila pero parang hindi pa rin niya gustong pumasok sa loob. Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya dahil hindi niya alam kung ano ang madadatnan nila sa loob oras na pumasok sila ni Sebastian.
“Alam mo Cassiopeia kaya naman kitang ipaglaban eh, sabihin mo lang.”
Napatingin siya kay Sebastian para lang mahuli itong seryosong nakatingin sa kanya.
Umiling siya, masyado na itong maraming nagawa sa kanya para tuluyan pa niya itong isama sa gulong tanging siya lamang dapat ang madamay.
“Pumasok ka na Sebastian, dito muna ako papasok din ako mamaya.”
Nagulat na lang siya ng pitikin nkito ng malakas ang kanyang noo. “Ilang beses ko ba namang sasabihin sa iyo na kahit anong mangyarin hindi kita bibitawan.”
Marahan niyang nahaplos ang kanyang noo bago napatingin sa magkahawak pa nilang kamay. Kanina pa niya hinihila ang kamay niya pero ayaw talaga nito iyong bitiwan kaya pinabayaan na lang niya ito.
“Kapag pumasok tayo at gusto mo ng bitawan ako maiintindihan ko.”
“Cassiopeia!”Tila naiinis na nitong sabi.
Umiling lang siya ng sunod-sunod. “Seryoso ako Sebastian, kung bibitiwan mo ako hindi talaga ako magagalit.” Sanay na siyang tinatalikuran kaya kung gagawin nito iyon hindi siya magagalit.
“Well too bad, gusto ko ang pakiramdam habang hawak ko ang kamay mo kaya mukhang kailangan mo na ring masanay na hawak ang kamay mo dahil wala na talaga akong balak na bitiwan ka.”
May pakiramdam si Cassie na higit pa sa magkahawak nilang kamay ang gusto nitong iparating sa kanya pero pinili na naman niyang manahimik. Muntik na siyang mapakunot ang noon g maramdaman na naman ang pagbilis at paglakas ng pintig ng kanyang puso…hindi na ito maganda uso pa mandin ang atake sa puso, oras na matapos ang lahat ng problema niya papatulong siya kay Waine (Mr. Killer Smile) para magpatingin sa hospital ng mga ito.
Bahagya niyang ipinilig ang kanyang ulo bago napalabas ng isang malalim na buntong hininga at nagsimulang humakbang papasok sa loob.
Pero kapapasok pa lang nila s apintuan ay parang gusto na niyang magtatakbo pa labas ng makita kung sino ang kanilang bisita. Nagtatalo ang isip niya kung dederitso ba siya o tatalikod para umalis muli. Mas madali nag option B pero bago pa nya iyon maisagawa ay nakita na siya ng mga ito kaya wala siyang pagpipiliian kundi ang maglakad palapit sa mga ito.
Nang makita niyang napadako ang tingin ng kanyang lolo sa magkahawak nilang kamay dali-dali niya iyong hinila pero sadya yatang yari sa adobe ang ulo ng binata dahil binitawan nga nito ang kamay niya pero inakbayan naman siya nito bago hinapit palapit dito.
Lihim siyang napailing lalo pa at nakita niya kung paano napakunot ang noon ng kanyang lolo dahil sa ginawa na iyon ng binata.Kung kanina iba na ang iniisip ng kanyang lolo ngayon tiyak niyang may nabubuo ng hinala sa utak nito tungkol sa kanila ni Sebastian.
“Huwag kang makulit Sebastian Lee, gusto mo bang maibaon ng buhay ng lolo.” Mahina niyang bulong dito pero nakuha pa nitong ngumiti ng pagkatamis-tamis sa kanya kaya naman napailing na lang siya.
“Lolo,Dad, kuya Tyler.” Mahina niyang bungad sa mga ito.
“Alam mo bang kagabi ka pa naming hinahanap.” Ang matigas namang bungad sa kanya ng kanyang lolo.
BINABASA MO ANG
Trouble Makers Section "The Devils in Disguise..."
RomanceThey are from the wealthiest clan in the country and for everyone they are nothing but spoiled rich kids who knows nothing about the real world. Wherever they are troubles sure will follows... They are the section that their whole s...