Chapter 7
Araw na ng tournament ni Cassiopeia hindi niya ito nakausap bago ito umalis dahil maagap itong umalis kaya hindi na sila nagkita pa.
Alam niya kung gaano kahalaga ang tournament na ito para sa dalaga, bihira lang itong magseryoso pero sa tuwing maglalaro ito kitang kita niya sa mukha nito kung gaano kadeterminado itong manalo kaya sa tuwing may laban ito hinding-hindi niya iyon pinalalampas. Kung kailangan niyang icancel ang mga appointment niya para mapanood ito ginagawa talaga niya .
Marami ng tao na galing sa iba’t ibang school sa venue ng dumating siya kahit hindi pa nagsisimula ang laban. Kailangan niyang mahanap si Tyler na nauna na sa kanya dahil tiyak na may nireserve na itong pwesto para sa kanya.
“Mr. Sebastian Lee.”
Agad siyang napatingin ng may tumawag sa kanya at dagling napakunot ang noo niya ng hindi niya makilala ang magandang babaeng naktayo hindi kalayuan sa kanyang pwesto. “Sorry but do I know you?” Ang magalang niyang tanong habang lumalapit dito.
Maganda ang babae, ito iyong tipo na lilingunin at hindi agad makakalimutan ng kahit na sino pero ang mas nakakaakit dito ay ang purple nitong mga mata na para bang kayang icapture ang atensyon ninuman
“Nope, but I want to talk to you.” Ang nakangiti nitong sabi, at dahil mas malapit na siya dito hindi niya maiwasang ikupara ito sa isang anghel. She looks so innocent and pue na para bang wala itong kayang gawing masama.
“Sorry Miss ha kailangan ko na kasing umalis, nagmamadali ako dahi-”
“Don’t worry tinitiyak ko sa iyo na hindi mo mamimiss ang laban ni Cassie.”
Natigilan siya sa sinabi nito. “Miss, sino ka ba?” Ang nakakunot niyang tanong pero isang ngiti lang ang ibinigay sa kanya nito bago tahimik na tumalikod kaya wala siyang nagawa kundi ang sundan ito.
Sa likod ng gym siya nito dinala kung saan sila lamang dalawa ang tao. “Miss ano ba--”
Hindi na niya natapos ang anumang sasabihin ng walang babalang niyakap siya nito at hinalikan na kung hindi niya mabilis na naiwasan ay malamang na dumapo sa labi at hindi sa kanyang pisngi ang halik nito.
“Miss!” Ang nagulat niyang bulaslas bago mabilis itong inilayo sa sarili.
Hindi man lang ito naapektuhan sa ginawa niya bagkus ay mapang-akit itong ngiti bago dahan-dahang lumapit sa kanya kaya tuloy para siyang isang biktima na takot na takot habang dahan-dahan ding lumalayo dito hanggang sa napasandal na siya sa pader.
“Why? Am I not beautiful enough for you?” The girl said seductively.
Nang magtangka pa itong lalong lumapit sa kanya ay mabilis niyang naitaas ang dalawang kamay upang magkaroon ng harang sa pagitan nila. Bago mabilis na iniiwas ang mukha na tila ba nasisilaw kaya namn hindi nakita ng binata ang matinding pagkaaliiw sa mukha ng babae.
“Miss you’re beautiful and sexy pero hindi pwede okay?” Ang matatag niyang sabi habang umiiwas pa rin ng tingin dito. Hindi niya alam kung paano ito pakikiharapan o pakikitunguhan.
“Pwede ko naman siyang palitan.”
“No!” Mabilis na humarap si Sebastian sa babaeng nang-aakit pa ring ngumiti sa kanya. “Imposibleng mangyari yun” Ang marahas niyang sabi bago mabilis itong itinulak palayo bago nagmamadaling tumakbo paalis sa lugar na iyon.
Gift POV
Isang malakas na tawa ang napakawalan niya matapos tuluyang makalayo si Sebastian, nakakatawa ang itsura nito habang iniiwasan siya. Para itong takot na takot at hindi malaman ang gagawin. But one thing is very sure he is definitely in love with their dear Cassiopeia.
“So that was your plan?”
Agad siyang napalingon ng marinig ang pamilyar na boses ni Alexis Matthew na seryosong nakatingin sa kanya.
“Cute siya diba, First.” She said with a big smile on her lips.
“Gift.” Ang seryoso nitong sabi. Wala itong kaemosyon-emosyon sa mukha pero masyado niya itong kilala para hindi mabasa ang totoong nilalaman ng isip at puso nito.
“He is interesting.”
“Marami pa siyang kailangang patunayan bago makapasok sa buhay ni Cassie o sa TMS.”
“Well he seems to be a nice guy.”
“I don’t like him.” Ang nakasimangot na sabi ni Alexis Matthew.
Ngumiti si Gift bago nilapitan ang kanilang leader at masuyong pinisil ang pisngi nito. “I have this feeling that his presence will be constant in TMS.”
“Pwede pang magbago yun.” Ang sabi nito bago mabilis hinuli ang kamay ni Gift at masuyo iyong hinawakan.
“Pero malapit na iyong magbago.O pwede ring nagsisimula na ang lahat.”
“Anong ibig mong sabihin?” Nakakunot na tanong ni Alexis Matthew.
Isang misteryosong ngiti lang ang ibinigay ni Gift sa binata bago ito hinila papunta sa tennis court kung saan nag-uumpisa na tiyak ang laro.
Alexis Matthew POV
Isang malalim lang na buntong hininga ang napakawalan ni Alexis Matthew kilala niya si Gift alam niyang may binabalak ito pero alam niyang sasabihin lang nito iyon once na gusto nito. “Just don’t use that trick again Gift. Don’t touch him, wala siyang karapatan!” He said warningly pero gaya ng inaasahan nginitiian lang siya nito kaya napailing na lamang siya.
Wala itong ideya kung gaano kumulo ang dugo niya ng makita ang ginawa nito at kung hindi umiwas si Sebastian manangot talaga ang lalaki sa kanya.He will kill him if he touch Gift...
ITUTULOY…
*****************************************
Please continue reading
vote
comment
PLEASEEEEEEEEEEEE....TNXXXXXXXXXXXX
BINABASA MO ANG
Trouble Makers Section "The Devils in Disguise..."
RomanceThey are from the wealthiest clan in the country and for everyone they are nothing but spoiled rich kids who knows nothing about the real world. Wherever they are troubles sure will follows... They are the section that their whole s...