Unexpected Approach

617 3 2
                                    

Chapter I

"Hello, World! Hello New Chapter!"

Unang katagang nabitawan ko pagtapak ko sa unit na titirhan ko habang inaabot ko ang mga pangarap ko.

Ang dream ko na maging sikat na singer!

Yipee! At nagstart yun ng may makakita sakin na talent scout sa isang mall sa metro manila.

"Katy, kantahin mo yang susunod ha?". Ang paulit ulit na litanya na naririnig ko mula sa bestfriend ko tuwing magpupunta kami sa arcade.

"Lia girl, baka naman gusto mo munang pagpahingahin ang very beautiful  voice ko? Baka lang... Kasi parang pang 7th song ko na to. At take note, puro matataas at mabibilis ah. Baka sa susunod bumulagta na lang ako bigla.. Ikaw din, mabigat bigat ang timbang ko.." natatawang sabi ko sa bestfriend ko.

"Katy, sige na pls.. Last na then we'll go home na after.. :) Favorite ko kasi yan eh.. :)" sabi nya na may pa-beautiful eyes effect pa.

"Girl, lahat naman ata favorite mo eh" sabi ko habang inaayos ko yung buhok ko na medyo humaharang na sa mukha.

"Last na, promise!” sabi nya na tinaas pa yung right hand nya. “At saka di ba dapat nga pagbigyan mo ko kasi ako ang no. 1 and only fan mo dito” sabi nya na nakapout pa ang lips na nakaduck face.

Lumingon lang naman ako pagkasabi niya yun.

Paano ako lumingon? Simple lang naman noh? Unti-unti kong inilingon ang face na akala mo kasama ko sa isang commercial. Ha ha ha.

And guess what, tama sya..

Siya lang naman ang only fan ko..

Kasi siya lang ang fan ko na nag-chi-cheer.

Pero naman, hello, sangkaterbang usisero/a naman ang nakapalibot. Waaaah.

Nakakahiya! Umepek pa ko na akala mo kasama sa commercial tapos… waaah… de joke lang… haha… Wala ako masyado nun.. ng tinatawag na hiya.. Haha..

Sa crush ko lang ako mahiyain.. :) lande!

"Sige na, Katy.. Treat kita ng DQ after.. :)" sabi nito na confident ang peg sa sinabi nyang paglibre sakin.

"Ha ha ha.. Pagkatapos mo kong pakantahin ng mga yan, papakainin mo ko ng malamig? Sisirain mo ata ang boses ko, friend.." habang nakataas ang kilay sa kanya. Pero siyempre alam ko namang joke lang nya yun.

"Joke lang siempre noh" hehe sabi ko nga sa isip ko diba? Hahaha

"IkR! O sya, sige, last na to ha? Treat mo ko sa Max's.. Ha ha.. Kahit basic lang.." I know naman kahit anong hilingin kong pagkain dito ibibigay niya, hello? Naka pitong song ata ko. NKKLK!

"Kfine! Hala, sige, kumanta ka na!" sabay tulak pa sakin para mas malapit sa machine.

At para na kong videoke na nahulugan ng barya na kumakanta.

Feel na feel ko eh, with full of emotions ha ha ha.. Ewan ko ba, iba ata talaga ang nagagawa ng confidence ko, pagdating sa ganto, di ko na naiisip na may ibang nanonood.

After kong kumanta, nagulat na lang ako ng biglang nagsipalakpakan ang mga taong nanonood, as if I was not expecting it dabah? Wahaha charot. Pero mas nagulat ako ng may lumapit sakin na lalaki at nagbigay ng card nya..

"Hi! Katy, tama?" sabi nya sakin ng patanong habang nakataas yung right eyebrow niya.

"Yes? Ano pong meron?" sabi agad ni Lia.

"Uhm, well.. Can I invite you for lunch? To talk about an offer?” inabot naman nya kamay nya samin ni Lia. “BTW, I am Fran, you may check the card for proof na di ako masamang tao hehe.." sabi niya na all smiles sa amin..

"Executive ng isang tv station?? Omg.. Katy, diba sabi mo gusto mo maging sikat na performer? Eto na un!" excited na sabi nito sa’kin at feel na feel ko na super happy sya for me. Somehow I felt excited too and happy na may gantong offer.

"Lia, wag ka ngang maingay. Lakas ng boses mo." Nahihiyang sabi ko habang napapahawak na lang ako sa batok ko.

"So, lunch?" sabi nung executive habang nakangiti samin.

"Ok! Sige po!" agad na sagot ni Lia.

Nakaka-excite na di ko alam ang feeling. Parang katulad ng feeling ko nung unang nilapitan  ako ng prof ko para yayain akong sumali sa banda nila.

Unexpected, unbelievable at unexplainable! OMG. This is it! :)

Agad naman kaming sumunod kay Sir Fran. Dinala nya kami sa Max's. Saktong sakto sa cravings ko. Siguro narinig nya ko kanina. Oh well. :) haha di halata sakin na excited wohohoho…

"Do you wanna hear my offer now?" sabi nito pag katapos namin kumain.

"Ah, Sir Fran, kasi di naman ako magaling na performer. Nakakahiya naman baka mataas expectation niyo po sakin." paliwanag ko sa kanya habang kabang-kaba ako na parang may butterfly sa aking stowwwmachk. Waaah.

"Katy, ano ka ba? Napaka-humble mo talaga. Chillax." sabi ng aking very supportive best friend.. Well, di naman halata hahahaha.. “At saka baka pag umayaw ka pabayaran pa sa’tin yung mga inorder ni Sir oh." pagbibiro nito sabay turo kay Sir Fran.

“Oo nga naman, Katy. Don't worry, hindi naman kita isasabak agad sa ganyan eh. Siempre, there are trainings na gagawin mo while staying with our team, para maging flexible, mabawasan yang unwanted fats mo at maging ok din yung paghinga mo while performing” And so on and so forth. Amaze na amaze lang ang peg ko habang nag-e-explain samin si Sir Fran.

He told me that I need to stay sa isang unit habang ginagawa nila ‘kong isang total performer. Girl group ang balak niya. Counterpart ng Boy group na idedebut nila soon. Well, technically, ako palang. Kaya ako daw magiging leader sa group na bubuuin nila.

Naging ok naman ang offer ni MF (yan daw kasi gusto niyang itawag ko, short for Manager Fran). Ok ang compensation while training. May unit na provided at ang maganda pa, malapit sa school. Well, sabi nya kasi same daw kami ng school nung mga boys na tini-train nila. Ang maganda pa, lahat ng gamit at pagkain while nasa unit, sila na din bahala. So para na kong buhay artista.

HuWow talaga! Hihi. :)

Free clothes din. Yun nga lang, di na ko masyadong allowed magpunta sa kung saan, kasi yung freetime ko ay para sa training na. Bawal din daw mag boyfriend, lalo na kung ang ka-date e isa sa mga artist na nasa network. Baka makasira daw kasi sa career.

Huwow ulit! May career daw oh.. Omy! :)

α ∞ Ɖ  α ∞ Ɖ  α ∞ Ɖ  α ∞ Ɖ  α ∞ Ɖ  α ∞ Ɖ  α ∞ Ɖ  α ∞ Ɖ  α ∞ Ɖ  α ∞ Ɖ

Hide and SeekTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon