Chapter XXXI
“Is it true that you and Katy were together for almost 5 years?”
Tanong ni Boy Abunda kay Blaze.
“Yes, Tito Boy..” simpleng sagot niya.
“Pero ayon sa source ko, wala na kayo ngayon? Is that right?”
“Yes po, Tito Boy..”
“Why was that? What happened in the relationship? Pero bago yan, can you tell ask how did the relationship started?” tanong nito na nakatingin ng diretso kay Blaze.
Nasa isang showbiz talk show si Blaze ngayon at eto ang plano na sinasabi niya. Wala ng kasinungalingan, puro totoo na daw ang sasabihin namin.
“Under na po kasi ko ng MF entertainment as trainee while studying po, and that time, may project po ko and need ko pumunta ng mall. Then, I was passing by an arcade, and heard her.
At first, I thought that she could be a part of our company, kasi maganda talaga boses niya eh, kaso nung pag-silip ko sa arcade. Nag-dalawang isip ako kung sasabihin ko ba kay MF..” sabi nito na medyo napapatigil sa mga kwento niya.
“And then?” curious na tanong ni Tito Boy.
“When I saw her kasi Tito Boy, I was really stunned. Hindi ko agad sinabi kay MF yun talaga. Pabalik-balik ako thinking na baka lage siya dun. True enough, it was their tambayan. I even got the chance to talk to her..”
“So anong sinabi mo nung unang nakausap mo siya?”
“Nakakatawa lang Tito Boy, kasi nung nabunggo niya ko, imbis na mainis ako, hello lang nasabi ko, at di ko na nasundan..” sabi nito na ngiting-ngiti. Sa totoo lang Blaze, kinikilig ka ba?
“Hindi mo siya nasabi agad kay Fran. What has held you back? Ano yung dahilan bakit nagdalawang-isip ka?” takang tanong ni Tito Boy.
Halata naman na nalungkot ang expression ni Blaze.
“Kasi po under sa verbal policy niya samin, bawal po kami makipag-date sa co-artist namin sa loob..”
“Knowing that ganon na nga, na bawal kayo mag-date pag nasa same company na kayo, bakit naman naisip mo na ipakilala na siya kay Fran?”
“I can’t see her lage eh, kung pupunta ko sa mall, wala ding assurance na andun siya.”
“And then?”
“Then, I decided na sabihin na lang kay MF at pigilan yung nararamdaman ko sa kanya..” sabi nito na naka-ngiti pero halatang fake lang yung smile, more of like lungkot yung dating.
Bigla namang nag-pause sila for a commercial break.
“SUSUNOD!”
“Anong dahilan ng paghihiwalay niyo? Bakit mo inaamin to ngayon? Hanggang ngayon ba mahal mo pa rin si Katy?”
Sunod-sunod na tanong ni Tito Boy. Hindi ko alam ang lahat ng sasabihin ni Blaze kaya ngayon may halong kaba ako habang nanonood ng interview niya. Patayo-tayo ako, lakad dito lakad doon. Inom ng tubig, tipong nasasamid pa.
“We’re back. So Blaze, kanina nung sinabi mo na pipigilan mo na lang, nakangiti ka pero ang totoo nalulungkot ka, tama ba?”

BINABASA MO ANG
Hide and Seek
FanfictionWhat if your dreams are coming true? And habang inaabot yun, may isa ka pang dream na dumating.... the man of you dreams... but what if, under the circumstances, hindi kayo pwede? Will you choose your dream career or the man of your dreams?