Chapter XXIX
“YES! Magandang Gabi Kapamilya!” sabi ng isang sikat na comedian/host.
Andito kami sa Gandang Gabi Vice, dahil sa anniversary special namin e naanyayahan kami dito sa show ni Vice, yes, the infamous Vice Ganda.
“Tonight, makakasama po natin ang MF Family! Siyempre, sino ba namang hindi nakakakilala sa kanila?
Well ako, hindi ko kilala yung mga girls, pero yung mga boys! Waaaah, neggy, saluhin mo ko dali..
EEEH..
Hihimatayin ata ko sa mga boys na to..” sabi ni Vice na kunwari nahihimatay pa.
“Mama! Nakakawala ng ganda, umayos..” sabi naman ni neggy na nasa gilid niya kunwari sinasalo siya.
Agad namang tumayo si Vice at inayos kunwari ang sarili niya.
Nagpakita naman ng slide show sa screen ni Vice kaya agad na napatili ang mga audience.
“Ok. Kumalma kayo. Mag-relax lang at mag-enjoy! Dahil magpapakasaya tayo kasama ang isa sa tinuturing na Royal Family when it comes to entertainment industry!
Hindi man sila buo ngayon dahil yung iba nasa shooting pero karamihan naman sa kanila ay nandito para pasayahin tayo..” agad namang nagpalakpakan muli ang mga tao.
“Oh, wala pa, pero di na kayo magkanda-ugaga, pano pa kaya kung tawagin ko na sila?” sabi nito na kunwari tatawagin na, tumili naman ulit lahat ng tao. Dinig na dinig namin dito sa backstage.
Yep, lahat kami andito kahit si Blaze, hindi pa sila umaalis pabalik ng US. Mag-guesting daw muna sila para sa anniversary ng company. Pero halos 2 buwan na din ang nakakalipas simula nung nag-hiwalay kami ni Blaze. Masakit pa rin at ganon pa din, halos araw-araw na pag-iyak, mas lalong masakit kasi lage ko siyang nakikita, pero ni hindi ko makausap.
“Handa na ba kayo? Simulan natin sa mga lalaking to. Sino ba naman ang makakalimot sa duo na to, na halos kasing tanda ng company nila. Sa pagpapatawa at pagkanta, legendary na sila. Please let us welcome, Jinu and Sean!”
“Sa ganda niya, hinding hindi din papatalo ang boses niya! Dahil kung sa papatiran lang ng litid, ay teh, bonggang-bongga siya. Come on in, Tammy!”
“Eto mga teh, hindi ko mga kilala tong mga to. Hello? A Y O K O ng ma-nga- ma-ga-gan-dang ba-ba-e. Eeh! Kasi naman nangangabog ang ganda ng mga to eh! Kaya nga ko nakaganto oh, kita niyo ba? Ang ganda ko diba?” sabay tingin nito sa camera at nag-pose pa ng parang nagpapa-cute. “Diba? Makakabog ko din sila! Please welcome ang mga Diyosa at pinagkakaguluhan ng mga boys, The Brother’s Sisters! Katy!” sabay labas ko at bumabati at kaway sa kanila. “Clay! Bei! And ang pinakasexy sa kanilang si Marion!” sabi pa nito.
“Diba? Kung ganyan naman talaga kagaganda e talagang di ako papatalo. Bwahahahahaha..” sabay lapit ulit niya sa camera at nagpa-cute pose ulit.
“At eto na dali! Neggy! Retouch mo muna ko, dali! Baka isa na sa kanila ang soulmate ko..” tawanan naman ang mga tao sa arte ni Vice.
“Ang mga lalaking mala-adonis ang peg. Pawisan na pero yummy pa din ang dating. Ang mga ideal guy ko. Halika na kayo dito, dali!!! Knight Kisses! Siyempre unahin natin ang asawa ko.. Blaze! Sunod ang ex ko, Zero! At nandito din ang kabit ko, Jin! At ang lalaking kumumpleto ng pagkatao ko, Loki!” sabay labas ng mga to na hinihimatay epek pa si Vice kaya sinalo kunwari ng mga boys, pero nagulat ang mga ito na yumakap pa si Vice. Natatawa din sila sa ginagawa ni Vice. Kahit ako no, yayakapin ko yang mga yan. Hahahaha. Kahit sandali, alam ko medyo mawawala yung problem ko.

BINABASA MO ANG
Hide and Seek
FanficWhat if your dreams are coming true? And habang inaabot yun, may isa ka pang dream na dumating.... the man of you dreams... but what if, under the circumstances, hindi kayo pwede? Will you choose your dream career or the man of your dreams?