Chapter XXIII
“Totoo ba?
Totoo ba na ang leader ng Knight Kisses na si Blaze ay seen daw kagabi with singer Luya?”
Bungad nung showbiz reporter habang nanonood ako ng TV. May ipinakita pa itong picture ni Blaze with Luya, at magka-hawak pa ang kamay nila ha?
Simula kagabi hindi pa ko nakakarinig mula kay Blaze. Tapos ngayong umaga, eto pa mapapanood ko?
I tried to call him pero walang sumasagot ng phone niya.
Kainis! Ano ba namang ginagawa ni Blaze?
I tried to call him again pero wala pa din.
Sumasakit ang ulo ko, pati ang puso ko. Sa totoo lang, bakit ginagawa ni Blaze to? Ang daming tanong na pumapasok sa isip ko. Bakit ba hindi ka man lang tumawag or sumagot!
I started browsing the net to check on some other news related to this. And to my dismay, madami pa pala silang pics na nakunan. May nakahawak sa braso si Luya. At mukhang kumain pa sila sa labas ha? Mukhang maganda at chill pa ang usapan nila.
Shit!
Gusto kong mag-mura! We were never like that! Ni isang date nga lang na kasama siya simula nung debut namin e hindi namin magawa, tapos ganto? Iba pang babae ang unang nakasama niya sa isang date na dapat ako?!
“Luya????” sigaw ko. Naiinis ako. Buti na lang nasa bahay ako.
“Bakit Katy? Anong gagawin mo sa luya?” sabi naman ni manang.
“Waaaaah! NKKLK! Pangalan ba yun? Luya? Ano taong luya? Mukhang luya? Amoy luya?! ARRRGGGGGGH!” sabi ko habang nagpapa-balik-balik ako ng lakad.
“Gulay yun anak. Nasa bahay kubo nga yun eh. Magluluto ka ba?” isa pa tong si manang eh, nakakainis. Sa kanya ko kaya ibaling inis ko? Sakalin ko kaya siya? Tadtarin na parang luya? Iburo kasama ng luya? Bwisit!
Tinignan ko na lang ng masama si manang. Mukhang na-gets na niya kaya umalis na siya agad.
“Katy, ano ba yan? Rinig na rinig kita sa labas?” sabi ng.. ah andito ka na palang siraulo ka ha?
Sa sobrang inis ko kay Blaze nabato ko sa kanya yung hawak kong phone. Kaso masyadong mabilis ang reflexes niya kaya nailagan niya ito.
“SHIT!” galit na sabi ko.
“Ikaw pa galit? Bakit ba, baby?” tanong nito na palapit sakin.
“Don’t you even dare to take a step!”
“Ano bang problema? Katy, wala tayong maayos kung di mo sasabihin..”
“Ah talaga? So wala kang alam na ginawa mo kagabi?” sabi ko dito.
“Alin ba? Yung kay Luya?”
“Nagtataka ka pa talaga ha? Oo! Sa taong Luya na yun! Bwisit!” sabay bato ko ng unan.
“Katy ano ka ba? Let me explain..”
“Wala ka namang ibang gagawin kundi i-explain yun eh!”
“E kasi.. si ano…”
“Sino????!”
“Si MF. Nararamdaman daw niya tayo. I mean, na may something daw.”
“H-huh? Pano?” tanong ko dito na medyo kumakalma na ko. Umupo na ko sa couch at agad namang lumapit si Blaze sakin at niyakap ako.
“Nakita daw niya yung convo natin sa twitter, parang nakakaramdam daw siya na may iba. Plus yung mga sinasabi daw ng mga fans natin. Kesyo makatotohanan daw..” sabi nito na medyo may lungkot. Na para bang hindi lang yun ang pinag-usapan nila.
“E pano napasok yung taong Luya?” sabi ko.
“She was his friend’s daughter. Ngayon, she’s very vocal daw about her feelings para sakin..” malungkot na sabi nito.
“And ask you to date her?” tanong ko.
Tumango naman siya sakin.
Hay nakakainis, yun lang pala. Akala ko naman kung ano na.
Naalala ko yung holding hands at pag-kawit sa braso niya kaya bigla kong napaghahampas si Blaze.
“Aray, bakit na naman?” sabi nito habang hinahaplos yung braso niya na hinampas ko.
“E bakit nagpa-hawak ka dun? Pag date kailangan may hawak? Tapos may media pa?”
“Hay naku. Set-up. Sinet-up nila ko. Nagulat na nga lang ako eh, wala na kong magagawa kundi magpanggap.
“Nakita ko nga, ngiting-ngiti ka pa..” sarcastic na sabi ko. Tinignan ko pa mukha niya, naghahanap ng bakas ng kasiyahan. “E ikaw, gusto mo din siya?”
“Ano ka ba Katy. Oo, maganda siya, mabait at talented talaga (A/N: oh walang aangal. Ako nga si Luya, e ano? Haha pagkalat mo. Siyempre love your own). Pero etong puso ko..” sabay turo niya nun. “Ikaw lang ang laman. At alam mo yan, diba?” kalmado na sabi niya habang hinahaplos ang pisngi ko.
Eeeh. Kikiligin na ba ko? O later nalang? Wahahahahahaha.
Lande!
Hay. Alam ko naman na mabait si MF, kaso very strict talaga siya sa rules niya. This is really gonna be tough. Lalo na’t alam namin na nakamasid pa si MF.
Dito na nag-spend ng araw niya si Blaze. I asked him kung hindi ba siya hahanapin, sabi naman niya hindi naman daw.
Gantong pag-tambay lang masaya na kami. Quality time na to for us.
Sa sobrang pagod hindi na din naman namin maiisip pang umalis, lalo na at bawal kaming makitang magkasama.
Ngayon nga lang na pumunta siya dito, nag-palit pa siya ng kotse na di alam ng kahit na sino na sa kanya yun, para lang sure na di siya makikilala. Naka-park to sa old friend niya na di naman kilala nila MF kaya lalong mas madali itago.
Trust. Yun ang isa sa mahalagang bagay na dapat kong ibigay sa kanya.
Sana lang wag niyang masira yung tiwala na yun.
Nagpatuloy pa din ang mga fans namin sa mga videos na ginagawa nila. Nakakakilig dahil kahit di nila alam na totoo nga yun, e, naniniwala at umaasa pa rin sila na totoo nga yun.
Kaya eto ako ngayon, magpo-post ulit ako sa instagram.
Picture ni SailorMoon na nagsasabi ng I love you, Mamoru.
Kailangan ko pa din alagan yung pag-asa na meron sila.
So fans, relaks lang. haha.
α ∞ Ɖ α ∞ Ɖ α ∞ Ɖ α ∞ Ɖ α ∞ Ɖ α ∞ Ɖ α ∞ Ɖ α ∞ Ɖ α ∞ Ɖ α ∞ Ɖ

BINABASA MO ANG
Hide and Seek
FanfictionWhat if your dreams are coming true? And habang inaabot yun, may isa ka pang dream na dumating.... the man of you dreams... but what if, under the circumstances, hindi kayo pwede? Will you choose your dream career or the man of your dreams?