First Date

63 0 0
                                    

Chapter XVI

 

 

“Got home, thanks for the wonderful night, baby girl.. I love you..” message na na-receive ko from Blaze.

“Woah, talagang sa message mo sinabi yan ha?” siyempre, ano pa, e di yung I love you.

Biglang nagulat naman ako nung nag-ring yung phone ko.

“H-hello?” sagot ko dito.

“I love you..” sabi naman nito sakin. Hindi ko alam kung anong ire-react ko kasi nabigla ako eh. Tapos kinikilig pa ko. “Hello, baby girl, dyan ka pa?” sabi pa nito.

Dahil sa kaba ko agad akong sumagot..”I love you too, baby boy..” sabay baba ko ng phone.

Haha, kala niya ha.

Nahihiya din naman ako no?

NKKLK.

Hindi ko tuloy alam ang iki-kilos ko habang nakahiga ako sa kama ko.

Nandito pa din ako bahay ngayon kasi need ko daw makasama family ko sabi ni MF kaya mag-stay daw muna ko.

“Mag-a-I love you tapos ibaba? Naks, ang shy ng baby girl ko ha?” sabi nito sa message niya, at nang-aasar pa ha? Hindi ko naman sinagot yung message niya kaya nag-post na lang ako sa IG ko.

Picture ni Sailor Moon na nahihiya.

Eeeh. Shy-type naman talaga ko eh. Pagdating sa kanya.

Tumunog naman agad ang phone ko at nagulat na yung pinost ko, e nilike pala ni Blaze.

OMG.

Di ko nga ni-replyan, naka-follow naman pala.

Nag-refresh naman ako ng newsfeed at chineck kung magpopost din siya.

After ng ilang secs, ayan na nga, nag-post din siya ng picture…

Picture ni Mamoru, aka Tuxedo Mask.

Nakangisi pa na parang nakakaloko yung pinost niya.

“Baliw ka. Tulog na. Hindi ko na ila-like yun at baka mapansin pa ng fans mo. Hehe. Pero love ko si Mamoru, promise..” message ko dito.

“I love you too, Usagi. Sleep na, late na oh..” nag-reply lang din ako ng good night.

Actually morning na nga eh, kasi alas dos na sila nagsi-uwian. Hindi ko naman malaman kung panong pwesto ng tulog ang gagawin ko, hawak-hawak ko ngayon yung phone ko at tinitignan yung picture namin ni Blaze. Hahaha. Kinikilig ako.

Pa-ikot-ikot na ata ko sa higaan ko eh.

Andyang nilagay ko yung unan sa side ng kama at dun ako nahiga. Hanggang sa iniusog ko ulit to bandang paanan naman so baligtad naman yung higa ko, nakapaa ko sa dapat ulunan. Hanggang sa ikot ulit. Hay nababaliw na ko. Waaaaaah. Dahil dun di ko maiwasang guluhin ang buhok ko sa lito kung pano ko matutulog kaya nagulat ako ng biglang bumukas yung door ng kwarto ko, di pala nakasara.

“Sis, what are you doing? Are you ok?” sabi ng kuya ko habang papalapit sakin.

“What now? Could you knock first?!” inis na sabi ko dito.

“Hey. Ka-e-eighteen mo lang, ang sungit mo na agad ha? E hindi naman talaga ko kumakatok sa pinto mo..” sabi nito na naka-cross ang arms.

“Well, whatevs. Why are you here kuya?” siyempre totoo naman sinabi niya eh. Ayoko lang i-explain kung bakit ganon niya ko nadatnan. Napaka-mangaasar kasi nito eh.

Hide and SeekTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon