Kilig Much, Katy? SRSLY. :)

101 0 0
                                    

Chapter VIII

"Katy please naman oh. Kausapin mo ko.."

"Di ba nga sabi ko tigilan mo ko? Ayokong magpaligaw! Why can't you understand?" nakakainis na tong lalaking to. Masyadong makulit, parang every month nag-aask siya. Hoping that my feelings might change.

"Kasi naman since high school gusto na kita, sana naman bigyan mo ko ng chance oh.." pagmamakaawa niya sakin.

"Chance? Ayoko nga mga bf. Bawal akong mag bf. So get lost, ok?!" hindi naman ako ganto talaga sa mga gusto manligaw, kaso kasi ang kulit na niya, minsan natatakot na din ako. His name is Gab and yun lang ang alam ko from him. I have no interest at all.

Hinila naman ako ni Gab papalapit sa kanya para yakapin ako.

"Shit!" pagkarinig ko nun. Naramdaman ko na may humila kay Gab at sinuntok sya dahilan para bumagsak sya.

"Ok ka lang ba Katy?" nakita ko sila Kuya's.

"Ok lang ako KZero. Thanks ha?" sabi ko pagkaharap ko kay KZero.

"Sa oras na gawin mo ulit kay Katy yun, mananagot ka samin. Alis na!" sigaw ni KLoki. Hahaha. Sya na ata pinakamainit na ulo kaya no wonder na sya talaga sasapak dun.

"Sino ba yun Katy?" tanong ni KJin.

"Obsessed suitor nya." sabi ni KBlaze habang nakahalukipkip sa tabi ni KLoki.

"Yep. Nakwento ko na kay KBlaze yun para in case na may mangyari sakin, si Gab lang hahanapin niyo. Hahaha. Joke." Pagpapa-kalma ko sa lahat pati sakin.

"Baliw ka talaga. Hinarass ka na nagbibiro ka pa." sabi ni KJin.

"Sanay na ko dun. Kung di kayo dumating, ako naman dapat sasapak dun eh.." pagyayabang ko sa kanila.

"Yabang talaga ng bunso natin. Mahirap yan hahaha." sabi ni KZero.

"Totoo naman yun. Kung di kayo dumating, ako sasapak.." trained ata ako.. ni KBlaze. Konting self-defense.

"Yun nga. Kaso mukhang masukista yang obsessed fan mo kaya kung di kami ang gagawa para sayo e baka di ka nyan tigilan." Sa bagay, lage namang ganon, kaso di pa din sya tumitigil. Mabuti na rin to at alam nyang may nakabantay na sakin.

α ∞ Ɖ  α ∞ Ɖ  α ∞ Ɖ  α ∞ Ɖ  α ∞ Ɖ  α ∞ Ɖ  α ∞ Ɖ  α ∞ Ɖ  α ∞ Ɖ  α ∞ Ɖ

Naging busy na sila Kuya's sa graduation nila. After nun sa debut naman nila. Masaya ko na yung hard work nila sa training e ma-te-test na sa debut nila.

Minsan nakatambay ako while nag-pa-practice sila, nakikisabay minsan sa pag sayaw.

Kaya siguro halos lahat ng kanta nila sa debut e kabisado ko na. Ha ha ha. Sarap ng feeling kasi nae-exercise na ko, nakaka-bond ko pa sila kasi after training kumakain kami sa labas or nagluluto sila sa unit nila para dun na lang kumain pag tinatamad na sila.

"Girl! Baba ka na. As in now na." sabi ni Lia sa kabilang linya.

"Bakit naman? Anong meron?" pagbibiro ko sa kanya.

"Che. Anong meron ka dyan. O di sige, bahala ka magpunta sa pagpapagawaan mo ng gift mo para sa kanila ha?" sungit naman ng bestfriend ko. Hahaha.

"Ikaw naman. Ha ha. Joke lang. Sige bihis na ko. Papunta na dyan."

Ilang weeks na lang at debut na ng mga kuya ko. At dahil dun naisip kong regaluhan sila ng dog tag na may initials nila. KB, KJ, KL at KZ.

Haha. Ayos ba? Para kahit saan suot nila yun at kasama nila ko hahaha.

Hide and SeekTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon