No Name

36 1 0
                                    

Chapter XXVII

 

 

I was calling him all day pero wala pa rin siyang sinasagot kahit isa man dun.

5pm na ngayon pero yung luha ko parang hindi pa rin nauubos.

Nagulat ako ng biglang sumigaw si Manang.

“Yung sinampay ko! Naku! Dali Sita, tulungan mo kong kunin yung sampay..”

Pag tingin ko sa bintana umuulan na pala.

Dali-dali akong bumaba para tignan yung pagpatak nito. Hindi ko alam pero parang ang gandang panoorin ng ulan. Parang hinahatak ako nito na lumabas at makipaglaro sa kanya.

Hindi ko namamalaya na mula sa pagsahod ng kamay ko ng patak ng ulan eh unti-unti na pala akong hinahatak ng paa ko sa mismong gitna ng ulan.

“Anak, baka magkasakit ka?” tawag sakin ni Manang.

“Ok lang po ako. Ngayon lang to..”

Tuwang-tuwa ako na parang bata na sumasayaw pa sa ulan. Hindi ko namamalayan na kasama ng tuwa na yun e unti-unting pumapatak na pala ang luha ko kasabay nito.

Ang sakit talaga. Shit! Bakit kasi naisip ko pa yung mga ka-praningan na yun tapos ako din naman nasasaktan.

“BLAZE! KUNG NAKIKINIG KA!

BUMALIK KA NA NAMAN OH!

BWISIT KA!

BAKIT SUMUSUKO KA AGAD!

AYAW MO NA BA SAKIN?

KUYA BLAZE!

MAHAL NA MAHAL NA MAHAL KITA!”

Buong puso at lungs ang ginamit ko sa pag-sigaw nay un. Pag hindi pa narinig ni Blaze yun, ewan ko na lang.

“Hoy! Kung ayaw mong matulog! Magpatulog ka!”

Nagulat ako ng may biglang nagsabi nun. Ganon ba talaga kalakas yun? Shit. Narinig kaya nila lahat?

“Hoy ka din. Ikaw na lang tong nakikinig, nagagalit ka pa..” bulong ko sa sarili ko.

Dahil dun pumasok na lang ako sa kwarto ko para dun na ituloy yung paliligo ko.

Nakakapagod din palang umiyak at magmaktol. Naisip kong lumabas na lang ng bahay para naman makapag-pahinga sa mga bad vibes.

Nandito ako ngayon sa isang coffee shop malapit sa bahay. Hindi ko alam bakit andito ko, pero dala na din siguro na eto yung fave coffee shop namin ni Blaze.

Kung marunong lang talaga kong magtiwala at magtiis baka kasama ko si Blaze ngayon dito, nagkakape.

Sabi nila pag iniisip mo daw ang isang tao, bigla daw nagpapakita to. Totoo kaya yun? E kagabi pa ko isip ng isip kay Blaze bakit wala pa siya?

Pang 3 kape ko na din to. Puro grande na inorder ko pero parang kulang pa din.

Hindi naman ako talaga nag-iinom ng alak eh, kaya kanina pag gising ko ang sakit na ng ulo ko. Kaya mas ok na lang tong kape hahaha.

Epek ba?

Pero parang nahihilo na ko actually. Yung paligid ko parang umiikot na, kasabay ng pagsakit ng ulo ko. Hay. Nasobrahan na ata ako ng caffeine ah.

Hide and SeekTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon