Heart Ache. Heart Break.

69 1 0
                                    

Chapter IX

"Hahaha. Nakakatuwa ka talaga Katy. Sa totoo lang, wacky ba to?" sabay tawa pa niya ng malakas.

At talagang tuwang tuwa siya habang tinitignan niya ang pic naming dalawa, lalo na ang itsura ko. Sa tatlong sunod na capture kasi niya, siya lang ang nag-iiba ng facial expression.

Habang ako, iisa lang.

Gulat.

Tulala.

Nganga.

Oo, yun lang. At tatlong picture yun.

Waaaah.

Sino ba naman kasi makakakilos agad nun at makakaisip ng ibat-ibang expression, kung yung crush mo eh ang lapit na ng pisngi sayo.

Waaaaah. Oo na, crush na. Kasi naman eh. Sabing bawal nga eh. Waaaaah. @_@

"But you still look cute! :) teka, send ko lang sa phone ko" ngiting-ngiti naman ang loko habang sinesend niya iyon.

"Teka, ano bang gagawin mo dyan? Papakulam mo ko noh? O gayuma? Hala KBlaze wag naman." o baka naman titignan mo minu-minuto? Wahahahaha.

"Asa! Wala na kasi mouse trap, kaya eto na lang gagamitin ko." natatawang sagot naman nya.

"Che. Naisip mo pa yan ah. Bahala ka nga." tumagilid na lang ako sa gawing kanan ko para  di ko na mapansin ang cute na cute na mukha ni KBlaze.

Kakainis.

Bakit kasi may mga gwapong lalaki na kapag ngumingiti eh lalo pang gumagwapo. Tipong parang gusto mo ng mahimatay o tumili ng bongga dahil sa pagkakilig sa kanila. Parang ngayon kay KBlaze. Waaaaaah.

"Para kanino ba yung gift na bibilhin mo?" tanong ko sa kanya.

Malay mo sagutin niya ng matino. Hahahaha.

"Secret. Walang clue." sabi na eh. Matino nga.

"Ah ewan. Hirap mong kausap."

"Ah Katy. Alam mo ba.." napalingon naman ako sa kanya.

Seryoso ang tingin niya sakin. Tingin na parang may ibig sabihin. Tingin na nakakatunaw. Tingin na misteryoso. "ah wala. Hehe. Mukhang magbubukas na yung mall. Sakto, maaga tayo." sabay baba niya sa kotse niya. Nakahalukipkip ang kamay niya habang nakasandal siya sa kotse, hawak ang phone niya na tila may tinitignan.

Pagkalipas ng ilang minuto binuksan na nga ang mall. Pumunta agad kami sa isang jewelry shop na gusto niya at agad sinipat sipat ang mga sing-sing na nandoon.

"Good morning, Sir! May I help you?" bungad sa kanya ng babae na nasa harap niya. "Hmmm. Can I see the latest couple rings na meron kayo?" sabi nito, while ako, na-aamaze naman sa mga jewelries dun. How I wish I could wear one. One of the couple rings..

"Ok po Sir. Please take a seat.. I will just get our new collection.." turo sa kanya nung babae na tumingin din naman sakin na tila pinapaupo din ako.

"Katy!" tawag naman ni KBlaze sakin. "Come! Sit.."sabi nito habang tinturo ang upuan sa tabi niya. Nakasandal na siya sa chair, legs crossed at nakalapat yung arms niya sa taas ng chair.

"Am I a dog? Yun ang peg?" natawa naman siya sa sinabi ko pero totoo naman yun. Para syang nagpaupo ng aso.

"At ikaw naman ang pinakacute na dog. Hahaha.." tawa nito.

Hide and SeekTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon